CHAPTER 12- SELFISH

2 0 0
                                    

Dapit hapon na nang magpasya kaming umalis. Sa sobrang libang namin sa pagkukwentuhan ay hindi na namin namalayan ang oras. Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng park nang may maalala ako.

"Hindi mo ba talaga kukunin sakin yung id mo?" curious kong tanong.

Marahan siyang umiling. "You can keep it, Moren. Dahil kahit ilang taon pa ang lumipas, alam kong aalagaan mo yan at hindi iwawala."

Napatawa ako. "How sure are you?"

"Na keep mo nga ng seven years, e. Hindi malabong maikeep mo pa yan more than that."

Tumango-tango na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Kailan ulit tayo magkikita?" tanong nito.

Pinanliitan ko siya ng mata at nanunukso itong tiningnan. "Miss mo na kaagad ako?" biro ko pa dito.

Agad naman itong napatawa. "Aba, marunong ka na bumanat, a."

Sabay kaming nagtatawanan hanggang sa marating na namin ang sakayan.

Humarap ako sa kanya. "Paano ba yan. See you when I see you?"

Binigyan niya ako ng sinserong ngiti at marahang hinaplos ang buhok ko. "See you again, Moren."

We parted ways after that. Buong byahe ay walang mapaglagyan ang saya ko. The feeling is overwhelming. Hindi ko naisip na mangyayari muli ito. Napakapayapa sa pakiramdam na nakita ko muli siya. Bukod pa doon ay nakausap at nahawakan ko pa ito.

Nasa gitna ako ng pag iisip nang biglang mag pop up ang message nito.

Calisdawin: Ingat ka, Moren. Salamat sa pagpunta. Message me kapag nakauwi ka na.

Agad akong nagtipa.

Moren: Thankyou, Calis. Ingat ka rin.

Simula noong araw na iyon ay hindi na kami nawalan ng komunikasyon sa isa't isa. Palagi na kaming nagchachat. He always updating me sa mga lakad niya. Minsan pa nga ay nag sosorry s'ya kapag hindi siya agad nakakareply sa chats ko. Which is okay lang naman sa akin dahil hindi n'ya naman obligasyon iyon.

Hapon na nang makalabas ako galing trabaho. Agad kong binuksan ang phone ko at binasa ang messages n'ya sa akin.

Calisdawin: Hi, labas ka na? Update me kapag nakauwi ka na.

Lumundag ang puso ko sa tuwa dahil sa message nito sa akin. Ngunit agad din iyong napalitan ng pagkalito dahil wala ito sa plano. Hindi ko kaylanman naisip ito. Wala akong planong papasukin muli siya sa puso ko. Ang tanging plano ko lamang ay ang makipagkita sa kanya at makipagkamustahan. Ngunit bakit ngayon ay hinahanap ko na rin ang presensya niya?

Naeexcite ako lumabas every lunch time dahil alam kong may iniwan siyang chats sa akin. Bumibilis ang tibok ng puso ko everytime na pumapasok sa isip ko yung mga ganap noong nagkita kami. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.

Moren: hahahaha okay

Calisdawin: Ayaw mo ba?

Moren: na ano?

Calisdawin: Na mag update tayo sa isat isa. But its okay, hindi na. I respect you.

Moren: anong hindi na?

Calisdawin: Hindi na me magpapakita ng sign

Moren: sign?

Calisdawin: Sign na gusto kita. I will stop, sorry.

Moren: natawa lang ako kasi hindi ako sanay. matagal ko nang gustong marinig yon sayo dati hahaha

Calisdawin: Ingat ka

Nakaramdam ako ng takot. Noong sinabi n'ya pa lamang na titigil na s'ya ay bigla akong kinabahan. May parte sa aking ayaw matuloy ito ngunit mas may malaking parte sa aking wag niya itong itigil. Nitong mga nakaraan ay ramdam ko ang pagpapahiwatig niya ng nararamdaman. Iniisip ko na baka wala lamang iyon. Pero may parte sa akin na baka pinipigilan lamang niya na maging vocal sa akin dahil alam niyang natatakot ako.

Moren: thanks:(

Calisdawin: why sad?

Moren: Kung aalis ka, wag kang magpapaalam sakin, ha? I-ghost mo na lang ako.

Calisdawin: It hurts, Moren.

Moren: I know, but that's the right thing to do. Baka kapag nag paalam ka sakin, maging mahirap sa aking pakawalan ka. Ayoko na rin maramdaman ulit yung sakit seven years ago.

Calisdawin: Do you still love me?

Napatanga ako sa tanong niya. My heart clenching more in pain. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Naguguluhan rin ako sa sarili ko. Bukod doon ay natatakot akong aminin na may bumalik. Pitong taon ko itong binuo. Natatakot akong masira lamang ito dahil sa katangahan ko. Huminga ako ng malalim.

Moren: no
Moren: i mean, yeah before

Agad niya itong sineen.

Calisdawin: Now

Napalunok ako.

Moren: confused

Calisdawin: And?

Moren: i'm scared, Calis.

Matagal bago siya makareply.

Calisdawin: It's okay if you don't love me, Moren.
Calisdawin: Wag kang matakot na sabihing hindi mo na ako mahal. Sagot mo lang naman yung iniintay ko then all your wishes gagawin ko

Moren: this past few days palagi akong nakatambay kay google para isearch kung pwede bang magkatuluyan ang Jehovah at Catholic. hindi ko tinitigilan kapag wala akong makuhang sagot. hindi ko na alam ang nagyayari sakin

Calisdawin: Sorry kung sinabi ko yung nararamdaman ko, Moren. I'm really sorry.

Moren: hindi kasalanan yon, Calis.

Calisdawin: Hindi na lang pala dapat para kahit papaano hindi ka nahihirapan ngayon.
Calisdawin: Yan tuloy nahihirapan ka na

Moren: sinusubok lang ako, ano ka ba

Calisdawin: Sinusubok?

Moren: oo, kung hanggang kaylan ko kayang pigilan
Moren: tsaka im not blaming you for being so honest. hindi kita sinisisi dahil nagsabi ka sakin ng nararamdaman mo.

Calisdawin: Sorry kung umalis ako noon, Moren. At sorry kung kailangan ko ulit umalis. Dati para sa sarili ko yon, pero ngayon para sayo naman.
Calisdawin: So our meet up on Monday maybe the last.

Sa huling mensahe niya ay dinambol na naman ng kaba ang dibdib ko. Ngunit hindi na ito payapa. Ramdam ko ang sakit sa bawat paggalaw nito sa dibdib ko. Natatakot ako. Natatakot ako na umalis muli siya at hindi na magpakita pa. Natatakot ako sa posibilidad na hindi na siya bumalik. Ilang taon na naman ang hihintayin ko? Eight years? Ten? o... hindi na?

Kasalukuyan akong nasa jeep ngayon para pumasok. Hindi ako pwedeng umiyak sa mga oras na 'to. Wala ako sa lugar.

Moren: five days pa

Calisdawin: Keep smiling, Moren.

Moren: May five days pa, Calis.

Calisdawin: Yeah, five days

Moren: i have a request
Moren: magiging selfish muna ako sa loob ng limang araw.

Calisdawin: what do you mean?

Huminga ako ng malalim at nanlalabo ang matang tinitipa ang susunod kong sasabihin. Alam kong selfish ako, pero nandito na 'to, e. Ito lang yung tanging paraan para mapanatili sya sa akin.

Moren: pwede ba kitang maging boyfriend?

FORBIDDEN, LOVE. Where stories live. Discover now