Chapter 5- IS THIS LOVE?

1 0 0
                                    

Magdamag nanatili sa utak ko ang senaryo kanina. Labis labis na lungkot at pagkapahiya ang nararamdaman ko. Pilit ko pa ring iniisip kung anong nagawa kong mali at ganon na lamang ang pag-iwas niya sa akin.

Kinabukasan ay bangag akong pumasok sa school. Pagkapasok ng room ay agad akong sumalampak sa arm chair at nagsimulang matulog. Maaga pa naman kaya natulog muna ako. Magdamag akong hindi pinatulog ng mga iniisip ko kagabi. Naalimpungatan lamang ako nang marinig ang ingay ng mga kaklase ko. Maya maya pa ay dumating na rin ang adviser namin at nagsimula nang magturo.

Nang magbreak time ay agad akong inaya ni Sanny sa canteen. Noong una ay wala akong balak na sumama ngunit nang sabihin niyang naroon si Calis ay agad akong napatayo. Nagbago bigla ang mood ko. Mabilis kong iniangkla ang braso ko sa braso ni Sanny.

"Ang lakas talaga ng tama mo kay Calis 'no?" panunukso pa nito at hinila na ako patungo sa canteen. Palihim akong napangiti ng mapait.

Kaya nga siguro nasasaktan ako ng ganito...baka nga malakas na ang tama ko sa kanya.

And if this isn't love, then what is it?

Habang naglalakad kami ay siya ring pagtakbo ng kaba sa puso ko. Nang makarating kami sa canteen ay marami nang tao. Hinila ako ni Sanny paloob at nakipagsiksikan sa dagat ng mga estudyante. Sa dami ng mga estudyante na naroon ay natatapakan na namin ang isat isa. Panay naman ang reklamo ni Sanny dahil nadudunggol na rin siya. Palihim ko naman siyang tinawanan. Mahirap na, baka bitawan nya pa ako at makuyog ng mga estudyante. Nang makarating kami sa pinakaloob ay agad hinanap ng mga mata ko si Calis. Nang mahagip siya ng mata ko ay agad akong nanlumo sa ikatlong pagkakataon.

Bakit ba nakakalimutan kong sabay silang mag recess?

Napatungo ako at handa nang umalis nang bigla akong hinila ni Sanny patungo sa kanila.

"H-hoy bakla, bitawan mo nga ako." kinakabahan kong sabi sa kanya.

"Bibitawan lang kita kapag nandon na tayo." naiinis na rin na sabi nito. Hindi na ako magtatakang nakita nya akong malungkot kanina kaya ganito siya umakto ngayon.

Pinipilit ko pa rin makawala sa kanya. Napakahigpit na rin ng kapit niya sa akin. Kahit lalambot lambot ito ay lalaki pa rin siya. Wala na akong nagawa nang nasa harap na namin sila.

"Hoy, Calis. Mag usap nga tayo." matapang na sabi nito.

Agad napatingin sa amin si Calis. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya nang dumapo ang mata niya sa akin. Sa pagkakataong ito ay kailangan ko nang umalis. Alam kong anumang oras mula ngayon ay tutulo na ang luha ko. Bukod doon ay natatakot ako sa posibleng gawin ni Sanny. Ayokong gumawa ng gulo. Ayokong maging tampulan ng mga usap usapan. Narinig ko ang pagtunog ng silya hudyat na tumayo si Calis sa kinauupuan niya. Nag-angat ako ng tingin. Bumungad na naman sa akin ang blanko niyang mga mata. Sumenyas ito kay Sanny na pumunta papalabas. Nauna nang lumabas si Calis nang hinarap ako ni Sanny.

"Ako na lang muna ang kakausap sa kanya. Mauna ka na sa room mo, Moren."

Malungkot ko siyang tiningnan. "Thankyou, bakla. W-wag mo s'yang sasaktan, a?"

Napabuntong-hininga siya. "Kilala mo ako, Moren. Pero wag kang mag-alala, mas malaki pa rin ang katawan n'ya sakin." pagbibiro n'ya pa.

Sa puntong iyon ay nauna na akong pumunta sa room. Sa sobrang pag-aalala ay hindi ko na nagawang kumain ng recess. Nang dumating ang sumunod naming teacher ay hindi pa rin ako mapakali. Ni hindi na nga pumapasok sa isip ko ang mga itinuturo n'ya dala ng pag-aalalang nararamdaman.

'Ano kayang pinag-uusapan nila?'

Nang dumating ang lunch break ay hindi ako kumibo sa inuupuan ko. Ayokong lumabas sa takot na makitang magkasabay na naman sina Calis at Annie. Nasa ganon akong sitwasyon nang maramdaman kong umupo si Sanny sa tabi ko. Agad akong humarap sa kanya. Umaasang may maganda siyang balita. Ngunit nang iniangat niya ang tingin sa akin ay malungkot siyang bumuntong-hininga. Nag-iwas ako ng tingin.

"A-ayaw na ba n'ya sakin?" nanlulumong tanong ko.

Nang hindi siya magsalita ay bumaling ako sa kanya. Hindi ako sanay na tahimik si Sanny. Sa ganitong sitwasyon ay alam kong may hindi siya sinasabi sa akin.

"Sanny..."

Malalim siyang bumuntong hininga at may dinukot sa bulsa ng slacks niya. Pamilyar ang senaryong ito sa akin. Nararamdaman kong may papel siyang ibibigay sa akin mula kay Calis. Nang ilabas ni Sanny ang kamay sa bulsa ay tama nga ang hinala ko. Iniabot niya sa akin ang medyo mahabang papel. Nang buksan ko ito ay naghalo-halo ang kaba ko lalo na't ito ang pinaka mahabang sulat niya sa akin. Binasa ko ito. Sa hinaba haba ng sinulat niya ay iisa lamang ang pumasok sa utak ko.

'Lilipat na ako ng school next year...'

Tapos na akong basahin ang sulat ngunit nakatanga pa rin ako sa papel. Pilit pinoproseso ang nabasa. Ramdam ko ang panlalabo ng aking mata. Bukod doon ay nahihirapan na rin akong huminga. Maging ang pagtibok ng puso ay naririnig ko na sa sobrang lakas ng pagtambol sa dibdib ko. Kinurap-kurap ko ang mga mata sa pag asang namamalik-mata lamang ako. Ngunit nang igalaw ko ang mga ito ay biglang nabasa ang mga pisngi ko. Ang isang patak na luha ay nasundan ng sunod-sunod hanggang sa mapahagulgol na lamang ako sa pag-iyak. Napakabigat. Ramdam ko pa rin ang presensya ni Sanny sa tabi ko habang pinapatahan ako. Wala na akong pakialam sa kung sino ang nakakakita at nakakarinig sa pag-iyak ko. Ang tangi lamang pumapasok sa isip ko ay ang posibilidad na hindi na kami ulit magkikita.

FORBIDDEN, LOVE. Donde viven las historias. Descúbrelo ahora