CHAPTER 18- AIN'T NO JOKE

15 0 0
                                    


Itinuloy namin ni Calis ang ugnayan namin ngunit hindi na namin itinuloy ang relasyong mayroon kami.

Totoo nga ang sinabi niya. Kung ano sya bago kami nagsimula, ganoon pa rin sya noong natapos kami. He randomly visits me on my workplace. Minsan nga, nagugulat na lang ako kasi bigla syang sumusulpot. And guess what? Otomatikong nawawala ang pagod ko kapag nakikita ko sya. He always lighten up my mood.

Tahimik akong naglalagay ng barcode sa mga items nang biglang sumulpot sa harap ko si Kuya Ace, my workmate, at masasabi kong sya na rin ang itinuturing kong 'Kuya' sa mga nakalipas na taon ko dito sa trabaho.

Mariin ako nitong tinitigan. Yumuko ako at nagpanggap na abala sa ginagawa. Bigla akong nailang dahil alam kong mapapansin niya ang mugto kong mga mata. Malabong hindi niya ito mapapansin.

"Bakit ganyan ang mata mo, Moren?" palihim akong napairap at nag-angat ng tingin sa kanya. Sinasabi ko na nga ba. Sa lakas ng pakiramdam nito, hindi malabong hindi sya aalis sa harapan ko hangga't wala syang nakukuhang sagot mula sa akin.

"Wala 'to, Kuya. Puyat lang ako." pagsisinungaling ko.

Sarkastiko itong tumawa. "Yung ibang tao maloloko mo pero ibahin mo ako sa kanila, Moren."

Masama ko itong tiningnan. "Bakit ba magtatanong ka pa kung hindi ka naman maniniwala?"

"Bakit ba tuwing nagtatanong ako, nagsisinungaling ka?" ganting tanong nito.

Hindi ako umimik at ipinagpatuloy ang ginagawa.

I heared him sighed. "Lalong bumibigat ang isang bagay kung binubuhat mo ito mag isa, Moren. Wag mong kimkimin yan, makikinig naman ako."

Nang dahil sa sinabi nito ay agad na nanlabo ang mata ko.

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin na hindi magtatagal sa akin si Calis. Oo, itinuloy namin ang ugnayang mayroon kami ngunit ang katotohanang hindi pa rin kami pwede sa isa't isa ang syang nagpapahina sa akin.

We both know our rules. We both know our limitations. Pero salungat doon ang ginagawa namin. Ayoko syang pakawalan. At alam kong ganon din sya sa akin. Pareho kaming pumasok sa isang desisyong alam naman naming masasaktan kami sa huli.

I told everything to Kuya Ace while crying. Walang labis, walang kulang. Tahimik lamang itong nakikinig sa akin.

Nang kumalma ay nag angat ako ng tingin sa kanya. Nakita ko kung paano syang naaawa sa sitwasyong mayroon ako. Agad kong iniiwas ang tingin dito.

"Moren.."

Yumuko lamang ako.

"Alam kong sariling desisyon mo ang nagdala sayo sa ganyang sitwasyon. Pero babae ka, Moren. Maganda ka, matalino ka. Bakit pagdating sa kanya tanga ka?" mahinahon ngunit may awtoridad na sabi nito.

"Alam mong bawal umpisa pa lang. Bakit itinuloy mo?"

"Mahal ko si Calis, Kuya." sabi ko.

"Mahal mo pero nasasaktan ka." tumikhim ito. "At ano? Humiling ka na maging boyfriend s'ya? Para saan?" tila naguguluhan na sabi nito.

Sa tono pa lamang ng pananalita nito ay alam kong hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

Nakayuko lamang ako at tahimik na nakinig sa kanya.

"Wala ako sa posisyon para sabihin 'to pero hangga't maaga pa.." mariin nya akong tiningan. "..layuan mo na s'ya, Moren. Itigil mo 'yang katangahan mo."

Mahina akong bumuntong hininga.

"O malay mo.. pinagbigyan ka lang n'ya."

Kaagad akong nag angat ng tingin sa kanya.

FORBIDDEN, LOVE. Onde histórias criam vida. Descubra agora