CHAPTER 11- WE MET AGAIN

4 0 0
                                    

Nang tuluyan nang makalapit ay huminto ako sa harap niya.

"Hi." unang bati nito sa akin.

Iniangat ko ang tingin at sinalubong ang mga mata niyang nakangiti. Napalunok ako. "Hi."

Napapikit ako ng mariin at hindi matanggap ang awkwardness na ipinapakita ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa.

"Pasok na tayo?" pag aaya pa nito.

Agad akong tumango at pinauna niya rin ako sa pagpasok sa gate. Habang naglalakad papasok ay hindi ko pa rin mapigilan ang kaba. Pero kailangan kong labanan ito. Huminga ako ng malalim at nagbukas ng pag uusapan.

"Lalo kang tumangkad."

Napalingon siya sa akin at nakangiting pinagmasdan ako. "Ang liit mo pa rin."

Marahas ko siyang tiningnan at binigyan ito ng hindi makapaniwalang tingin. Nakakaloko naman niya akong tinawanan. Inirapan ko ito.

"Mapang-asar ka pa rin hanggang ngayon, 'no?" nanunuya kong sabi dito.

Napatawa ito. "Ang taray mo pa rin hanggang ngayon, 'no?"

Nagpatuloy ang pag aasaran naming dalawa hanggang sa marating na namin ang napili niyang spot.

Agad akong namangha sa dating ng lugar. Napakapayapa. Sasalubungin ka ng sariwang hangin na nagmumula sa mga malalaking puno na sinabitan ng mga makukulay na lights. Ganitong lugar ang gustong gusto kong puntahan lalo na kapag marami akong iniisip. Tahimik, mahangin, at payapa na lugar.

"Upo tayo, Moren."

Inilapag niya sa tiles na upuan ang dala niyang pagkain at umupo. Nang maupo ako ay bigla na naman akong kinabahan. Hindi ako sanay na makipag usap sa lalaki lalo pa at kaming dalawa lang. Pero ang kabang nararamdaman ko ay hindi dahil sa hindi ako komportable, kundi alam kong marami siyang pwedeng ibatong mga tanong sa akin.

Pano ko sasagutin ang lahat nang 'yon nang hindi nauutal? Para akong isang awkward na tinubuan ng katawan!

Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip nang bigla siyang tumikhim.

"So.. kumusta ka na?"

Agad akong napatingin sa kanya. Ang kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng hindi ko alam na pakiramdam. "'Hmm, ayos lang naman ako," napalunok ako. "Ikaw? Kumusta ka? How's life?"

Ngumiti ito. "It's actually difficult lalo na at malapit na ako mag 4th year college. Malapit na rin kami mag finals kaya todo aral kami."

Tumango tango ako sa sinabi niya. Bigla kong naalala ang ipinunta niya rito.

"Oo nga pala.." agad kong binuklat ang bag ko at doon kinuha ang wallet na pinaglalagyan ko ng id niya. Nang maiabot ito sa kanya ay agad kong nakita ang pagkislap ng mga mata nito. Kinuha niya ito at matamang pinagmasdan.

"Grabe, Moren. You kept this for seven years?" hindi pa rin makapaniwalang sabi nito habang nakabaling na ang tingin sa akin. Agad akong nailang kaya iniiwas ko ang tingin sa kanya.

"Naniniwala kasi akong may dahilan kung bakit sakin yan napunta. I believed na may pag asa pang magkita tayo. For closure, I guess?"

"Ang galing mo mag treasure ng mga bagay, Moren. Paano mo nagagawa 'yon?" namamangha pa ring tanong n'ya.

Napatawa ako. "Grabe ka naman mamangha. Pinaghawakan ko lang yung mindset ko na magkikita tayo in the near future. Magtataka ka e, diba? Sa dinami rami ng pwedeng makakuha nung id mo, bakit si Louie pa na kaibigan ko? So I told myself to keep it until we meet again." mahaba kong litanya.

FORBIDDEN, LOVE. Where stories live. Discover now