Chapter 7- WAIT FOR ME (short update)

2 0 0
                                    

June 2016

"Hoy, Moren. Crush mo 'to diba?" sabi ng kaklase at kamag-anak kong si Louie sa akin habang nakaupo ako sa upuan.

Grade 9 na kami at ilang buwan na simula nang umalis si Calis at lumipat ng bagong school. Sa mga nakalipas na buwan ay hindi ko matanggap ang pag-alis niya. Naghalo-halo ang emosyon ko kaya pati ang diary na pinakaingatan ko ng halos isang taon ay sinunog ko. Huli na nang mapagtanto kong hindi ko dapat iyon ginawa. Ngayon ay pilit kong pinapatatag ang aking sarili at makapagtapos nang wala siya. Ni ang magpaalam nga ng maayos ay hindi niya ginawa.

Inabot ko ang bagay na binigay niya sa akin at mataman itong pinagmasdan. Isa itong id at punong puno ng guri ng ballpen na halatang pinagtripan. Nang tingnan ko ang pangalan na nakaimprinta dito ay agad dinaga ng kaba ang dibdib ko.

Calis Dawin...

"Nakita ko yan sa nirerenovate na library. Alam kong kilala mo yan kaya binigay ko sayo." paliwanag ni Loiue.

Nang makumpirmang siya nga iyon ay dali dali akong naghanap ng alcohol para malinis ito. Kinuskos ko ito at maluha luhang nagdasal na sana ay matanggal pa ang tinta ng ballpen dito. Labis labis ang pasasalamat ko kay Loiue dahil sa akin niya ibinigay ito. Naiisip ko pa lamang na mapupunta ito sa iba ay hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ang lungkot at pagtatampo ko kay Calis ay napalitan ng pag-asa. Alam kong may dahilan ang lahat. Umaasa akong may dahilan kung bakit si Louie ang nakakita ng id at sa akin ito ibinigay. Kung iba ang nakakita nito ay baka naitapon na nila ito kung saan. Malaki rin ang posibilidad na magkita pa kami.

FORBIDDEN, LOVE. Where stories live. Discover now