Chapter 8- IT'S CALIS

5 0 0
                                    

7 years later...

5:30 na. Kalalabas ko lang sa pinagtatrabahuhan kong department store. Pagod ang nararamdaman ko pero worth it naman dahil uuwi na rin ako. Dalawang taon na ang nakakaraan noong nag-umpisa akong magtrabaho. Noong una ay dahil lamang bored ako kaya ako nagtrabaho ngunit kalaunan ay nagustuhan ko na rin ito. Hindi na muna ako tumuntong ng college since hindi ko pa rin naman alam kung anong gusto kong itake na course. Ayoko namang sayangin ang taon sa course na hindi ako sigurado at hindi ko naman gusto kaya naghanap muna ako ng paglilibangan at para na rin makapag- abot ako sa mama at papa ko.

Nang makapasok sa jeep ay agad akong umupo sa likod ng driver para hindi ako mahirapan pumara. Nahihiya kasi akong sumigaw ng para kapag bababa na. Nang umandar ang jeep ay agad akong dumukot ng pera sa wallet ko.

"Kuya bayad ko p---" agad akong napatigil nang pag-angat ko ng tingin sa unahan ng jeep ay nakita ko si Calis. Hindi ako pwedeng magkamali! Prente siyang nakatayo at tila nag hihintay rin ng jeep. Muntik ko nang makalimutan na nagbabayad ako kaya minabuti ko munang ibigay kay manong driver ang bayad ko. Nang malampasan namin si Calis ay hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Ganon pa rin ang tibok ng puso ko.

Buong byahe ay nakangiti lamang ako at literal na nawala ang pagod ko. Sa loob ng pitong taon ay ngayon ko na lamang ulit siya nakita. Lalo siyang tumangkad. Nag mature na rin ang katawan niya. At higit sa lahat, lalo s'yang gumwapo sa paningin ko.

Pagkauwi ay agad ko iyong kinuwento kay Morin. Natuwa siya dahil sa wakas ay nakita ko na muli si Calis. Madalas kasi ay si Morin lamang ang nakakakita kay Calis dahil malapit lamang ang bahay nina Calis sa school na pinapasukan ni Morin.

"Alam mo, may nabasa ako. In Korea daw, if nagkita kayo three times after you parted ways, it means that you two are meant to be." biglang sabi nito.

Napa-isip ako.

Kung masusundan pa ng dalawa itong pagkikita namin, so it means meant to be kami? How about our religions? Kami pa rin ba sa huli?

Napailing ako sa naisip.

Ano ka ba naman, Moren. Kakikita mo lang sa kanya, okay? Makapag-isip naman 'to parang nakita rin s'ya e hindi naman. Tsaka wala ka na namang feelings don sa tao, diba? Natutuwa ka lang kasi after 7 years e nakita mo ulit sya. And remember, bawal pa rin kayong dalawa so better keep your heart calm.

Malalim akong bumuntong-hininga. Sa mga nakalipas na buwan ay tuluyan ko nang nakalimutan ang senaryong iyon. Naging busy ako at mas naging pagod dahil holiday season na naman. It means marami na namang mga tao sa mall para bumili ng mga gifts nila for their loved ones.

Hapon na nang makalabas ako galing trabaho. Medyo nagugutom na rin ako kaya ang nilampasan kong bakery ay binalikan ko para bumili ng tinapay. Isinusupot na ni ate ang napili kong tinapay nang makakita ako ng jeep na diretso pauwi samin. Gusto kong madaliin si ate na magsukli sa ibinayad kong 100 pesos pero huli na nang makita kong umandar na ang jeep. Habang naglalakad papuntang sakayan ay gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit bumili pa ako ng tinapay, edi sana ay nakauwi na ako ng maaga.

Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na may dahilan ang lahat. May dahilan kung bakit ako bumili ng tinapay at kung bakit hindi agad ako nakasakay ng jeep. Nang nakarating sa sakayan ay tahimik akong nag-abang. Limang minuto na akong naghihintay nang makakita ako ng jeep. Kinakailangan ko pang tumawid sa kalsada para makasakay ako doon. Nang tatawid na ako ay may bike na dadaan sa kanan ko kaya agad akong huminto. Kasabay ng paghinto ko ay siya ring paghinto ng paligid ko nang makita ko kung sino ang may dala ng bike sa kanan ko.

And there' s Calis.

Literal akong napatanga sa gitna ng daan. Hindi ako makapaniwala sa nakita. Napakalapit na niya sa akin! Kung hindi pa ako bubusinahan ng jeep ay hindi pa ako gagalaw sa kinatatayuan. Nang makasakay ay hindi na naman magkamayaw ang ngiti ko sa labi. Ang ipinagtataka ko lang ay hindi pa naman ako kumakain ng paro-paro pero bakit parang punong-puno nito ang sikmura ko? Siguro ay natutuwa lamang ako.

Napahagikhik ako sa isip.

Buti na lang pala bumili ako ng tinapay...

FORBIDDEN, LOVE. Where stories live. Discover now