Chapter 10- CROSSING PATHS

12 0 0
                                    

Months later...

"Moren, gupitan mo naman ako ng buhok." bungad sakin ni Ate Wendy sa kwarto. Monday ngayon at rest day ko kaya narito ako sa bahay at ineenjoy ang pagpapahinga.

Agad akong bumangon sa pagkakahiga. Noon pa lamang ay hilig ko na ang pag eksperimentuhan ang mga buhok nila. Ilalapag ko pa lamang ang cellphone ko ay bigla itong nag vibrate. Nang tingnan ko ito ay agad nanlamig ang buo kong katawan sa nakita.

And after seven long years of no communication, your name appeared on my messenger again.

Calisdawin has 1 new message...

Kinurap-kurap ko ang mata sa pag-asang namamalik mata lamang ako.

B-baka napindot n'ya lang? Or baka nagpapa like?

Kinakabahan kong dinampot ang aking cellphone at muling umupo sa kama. Pikit mata kong pinindot ang message niya sa akin.

Calisdawin: Hi kamusta na?

It was unexpected. I never thought that you'd contact me again, and so your question became the hardest one to answer.

Kasabay niyon ay agad dinaga ang dibdib ko at hindi malaman ang unang gagawin. Kung gugupitan ba muna ang kapatid ko o sasagutin ang tanong ni Calis. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay namalayan ko na lamang na nagtitipa na ako ng isasagot sa kanya!

"Moren, nasan ka na ba? Halika na rito!" sigaw sakin ni Ate Wendy mula sala.

"S-sandale!" agaran kong sigaw rito.

Napaisip ako bigla.

I don't know your reason why you're contacting me again but I'm not okay, I was never okay. Your absence affected my life so much.

I washed away my thoughts.

And so after minutes of staring at his message,

Moren: Okay lang, ikaw?

I replied.

Nang i-tap ko ang send button ay agad akong nag log out. Ramdam ko pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nanginginig kong hawak ang gunting at hindi makapag focus sa paggugupit. Kahit hindi ko hawakan ang puso ko ay ramdam ko ang vibration nito sa katawan ko. Tila nawala rin ako sa pag iisip at si Calis lamang ang laman nito!

Naaalala n'ya pa ako!

"Hoy, Moren. Umayos ka nga. Ano bang nginingiti- ngiti mo dyan?" paninita sa akin ni Ate Wendy. "Tsaka, bakit ba nginig yang kamay mo? Pasmado ka ba? Wag mo idadamay buhok ko, ha." pagbabanta nito sa akin.

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Nakakahiya! Tinindihan ko pa lalo ang pag ngiti ko at kalaunan ay agad ko syang hinampas habang pinipigilan ang pagngiti.

"Chinat ako ni Calis!" kinikilig at masaya kong sabi rito.

Nakita kong papalapit si Mama kaya agad kong iniangkla ang braso ko rito.

"Ma, maghanda na kayo ng dalawang baboy. Magpasukat na rin tayo sa Taal ng mga gowns na susuotin. Ikakasal na po ako." pagbibiro ko dito.

Agad naman akong hinampas ni Mama at napasipol na lamang ako sa hapdi nito.

"Aray naman, Ma. Ang OA naman ng hampas mo." reklamo ko rito.

"Anong kasal ang sinasabi mo? Ke bata bata mo pa. Ni wala ngang nanliligaw sayo, e." pang tatrashtalk pa nito.

Agad naman nanlaki ang mata ko. "Ma! Twenty one na ako! Nasa tamang edad na ako para mag boyfriend. Tsaka, pano naman kayo nakakasigurado na wala akong manliligaw, ha?"

FORBIDDEN, LOVE. Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum