Chapter 2- WITNESS

12 0 0
                                    

'Thankyou sa confession mo kanina. Don't worry, wala akong crush na iba ;)'

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa mga oras na ito. Para akong baliw na nagtatalon, nagsasayaw at nagsisigaw sa kwarto.

Nasundan ang palitan ng mensahe sa mga sumunod pang araw at buwan. Inaamin kong mas nag grow yung feelings ko sa kanya. Ilang piraso na ng papel ang naipon ko na idinidikit ko naman sa diary kong blue na may design na gitara. Palagi ko itong bitbit sa school at nakalagay sa bag. Mahirap na, baka may iba pang makabasa.

TUWING uwian ay pumupunta kami sa mismong bahay ng driver ng jeep na sasakyan namin pauwi. Hindi naman hassle kasi limang piso lang naman ang bayad. Grupo grupo na kami pumupunta don para mapuno na.

Sumakay na kami sa jeep. Hindi pa masyado puno pero may balak na atang umalis si kuyang driver. Nang akmang aalis na ito ay nakita namin si Calis na tumatawag habang tumatakbo kasabay ang mga kaibigan nya ding lalaki. Agad namang tumigil ang jeep dahil kilala ni kuyang driver si Calis.

Sa puntong iyon ay naglagay ng space ang mga kasama ko sa mismong tabi ko. Meaning, makakatabi ko si Calis ng upuan. Ganon na lamang ang gulat ko nang magdikit ang mga braso namin dahilan para magkatinginan kaming dalawa. Agad naman kaming inasar ng mga tao sa loob ng jeep sa pangunguna ni Morin. Kinanta pa ng mga hinayupak ang Jeepney Lovestory ni Yeng Constantino. Mabilis akong nag iwas ng tingin at sinumpa sa isip ang mga kaibigan.

Kahit nga si kuyang driver, nakikiasar na rin. Sinasadya nyang ipreno bigla ang jeep para mas magdikit kami ni Calis. Minsan ay tinitingnan ako ni Calis at tinatanong kung okay lang daw ba ako. Tanging pagtango lang ang naiitugon ko sa kanya. Sa sobrang bilis ng karera ng puso ko ay medyo nahirapan akong huminga. Ilang minuto ko pang pinigilan iyon nang pumara na si Calis. Tumingin siya sa akin.

"Bye, Moren. Kita na lang ulit tayo bukas." Medyo napalakas ata ang pagkakasabi niya dahil inasar na naman kami ng mga kaibigan namin. Narinig ng mga peste. Palihim akong napangiti.

May isusulat na naman ako sa diary ko mamaya.

LUMIPAS ang mga araw na hindi lamang pagsusulat ang nagaganap sa amin. Madalas na rin ang pagtatabi namin sa jeep at pang aasar ng mga kaibigan namin habang kumakanta. Nagsipag rin akong pumasok araw-araw at naging active sa mga activities na kailangang salihan. Higher section si Calis, kailangan kong magsipag para maging kaklase ko s'ya. Agad akong kinilig sa naiisip.

Breaktime namin ngayon, papalabas na kami ni Sanny ng canteen nang makasalubong namin si Calis kasama si Annie, kaklase nilang babae. Maganda, maputi, mabait at matalino si Annie. Total package na nga kumbaga. Maraming lalaki ang gustong magbalak na manligaw dito. Ngunit wala yata sa mga lalaking iyon ang tipo niya.

Dire-diretso silang pumasok sa loob ng canteen habang nagtatawanan. Sumikip ang dibdib ko. Hindi man lang naramdaman ni Calis ang presensya ko. Ramdam ko ang paninitig sa akin ni Sanny.

"Okay ka lang?" nag aalalang tanong niya. Hindi ko siya nilingon.

"O-oo naman. Tara?" pag aaya ko dito at nag iwas tingin.

Naglakad kami papunta sa bakanteng round table. Nang makaupo ay ramdam kong pasulyap sulyap si Sanny habang ngumunguya ng kinakain niyang Pillows. Napairap ako nang maabutan kong ginagawa nya iyon.

"Isang tingin mo pa, tutusukin ko na talaga yang mata mo." pagbabanta ko dito.

Suminghap siya. "E kasi naman, Moren. Hindi ako sanay na ganyan ka." malungkot na sabi niya. "A-ang totoo nyan...may nalaman ako kani-kanina lang." maingat na sabi niya. Agad akong napalingon sa kanya.

Lumunok siya. "Actually, nung isang araw ko pang napapansin na m-magkasama sila. Madalas na rin silang magtabi sa upuan at magtawanan. Nung una, akala ko e wala lang. Not until Stef told me na parang may c-crush daw si Calis kay Annie." mahabang sabi niya. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko sa narinig at natulala."P-pero wala pa namang kasiguraduhang totoo yon, e. Wala namang inaamin si Calis na crush niya si Annie. B-baka magkaibigan lang talaga sila." magpapalakas ng loob niya sa akin.

Dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Kitang kita ko ang panlalaki ng mata niya nang makitang mapula ang mata ko. Diretso ko siyang tiningnan. "Pa...paano k-kung totoo nga yon?" nanlabo ang mga matang tanong ko sa kanya. "Maganda si Annie. Malakas ang karisma. Kahit sino...pwedeng magkagusto sa kanya kahit wala siyang ginagawa. E a-ako? Kailangan ko pang magpapansin kay Calis para kausapin niya ako." tumakas ang luha sa kanan kong mata at agad kong pinahid iyon.

Malungkot na iniangkla ni Sanny ang braso niya sa braso ko at sumandal sa balikat ko. "Ano ka ba, Moren? Maganda ka, okay? 'Wag kang mag isip ng ganyan." pag-aalo niya sa akin. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Mabilis siyang tumunghay nang tila may maalala. Nang tiningnan ko siya ay parang tinatantsya niya ako at tila may gustong sabihin.

"Hoy, anong kaartehan yan?" sinagi ko pa siya sa balikat.

Noong una ay nag-aalinlangan pa siya ngunit napabuntong hininga na lang ito at humarap sa akin. "Ayoko sanang sabihin pa 'to sayo at baka madagdagan na naman ang pinapasan mo. Pero Moren, kailangan mo 'tong malaman." madramang sabi niya pa.

"Ano ba kasi yon?" inip kong tanong. Bumuntong hininga siya at naaawang tumingin sa akin.

"Jehovah Witness si Calis."

To be continued...

FORBIDDEN, LOVE. Where stories live. Discover now