Chapter 9- BLURRED

3 0 0
                                    

Calis Dawin...

MATAMAN kong pinagmamasdan ang isang bagay na iniwan sa akin ni Calis nang hindi niya alam. Pitong taon ko nang dala dala ang id niya at pitong taon ko na rin itong iniingatan. Palagi ko itong dala at nakalagay lamang sa loob ng wallet ko. Kung paano ko ingatan ang pera ko ay ganon din ang pag-iingat ko sa id niya. Ewan ko ba, hanggang ngayon umaasa pa rin akong bibigyan kami ng pagkakataon na magkausap ulit. Yung parehong magtatamang muli ang mga mata namin. Mahirap kung mata ko lamang ang nakatuon sa kanya.

I don't have any feelings left for him. I already moved on many years ago. Hindi naging madali pero nakaya ko. I just want to see him again. For closure, I guess? And for God's sake, he's taken. Wala naman sa bokabularyo kong magpapansin sa mga taong may kasintahan. I know he's happy. Jehovah Witness din yung girlfriend nya. Sapat na iyong dahilan para matanggap ko ang lahat.

I accepted the fact na hindi talaga kami pwede sa isa't-isa. I realized that maybe kaya s'ya inilayo sa akin ay para maiwasan namin na makagawa ng mga bagay na pagsisisihan namin sa huli. We were young back then. Hindi namin iniisip ang mga consequences sa mga bagay na pwede naming gawin. At kung ako ang tatanungin, hindi ko pinagsisihang hindi ko siya pinigilan. Bukod sa wala akong karapatan, alam ko rin na may dahilan ang lahat. Na may dahilan kung bakit kami pinaglayo. I know we are both happy. S'ya sa lovelife n'ya, ako sa buhay ko. I am genuinely happy sa relasyong meron s'ya ngayon. Acceptance is really matter. Lalo na kapag alam nating wala talagang patutunguhan ang lahat.

Holiday season quickly passed by. Pagod at saya ang nararamdaman ko dahil maaga na muli akong makakauwi. Pagkalabas ko ay agad kong binuksan ang messenger ko at nakita ang chat sa akin ni Morin. Sinabi nitong sasabay s'ya sakin umuwi ngayon. Agad akong napairap sa nabasa.

Psh, if I know, sasabay lang naman yon sakin para magpalibre ng pamasahe.

Bukod sa kanya ay kasabay ko ring uuwi ang pamangkin ko na si Ravini. Nagtatrabaho rin s'ya sa sister company ng kompanyang pinapasukan ko. Nang malapit na ako sa labasan ay agad ko rin naman silang namataan. May pagkaway pa sakin ang mga hinayupak at feel na feel naman ni Morin ang pagkakangiti sa akin. Matinding pag-irap ang ibinigay ko sa kanila. Napagpasyahan naming lakarin na lamang ang papuntang Robinson dahil doon madali sumakay. Maingay ang dalawa sa paglalakad. Puro kami tawanan dahil sa kalokohan nilang dalawa. Nang nasa gitna kami ng tawanan ay nakita kong nanlalaki ang mata ni Morin habang nakaturo sa unahan niya.

"Si Calis!" eksahiradang sigaw nito kaya agad akong napatingin sa itinuturo niya.

Agad sumiklab ang kaba sa dibdib ko nang makita si Calis na dadaan sa direksyon namin. Para akong tanga na natataranta kung saan ko idadapo ang mga mata ko. Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa kanya! Nang malampasan namin s'ya ay bigla s'yang tinawag ni Morin dahilan para lumingon ito sa amin. Nang lumingon ako ay nakita kong nakatingin na siya sa akin.

Sa lumipas na pitong taon ay ngayon na lamang muli nagtagpo ang mga paningin naming dalawa. Hindi tulad noong mga nauna na mata ko lamang ang nakatingin sa kanya, ngayon ay pareho na kaming naghahati sa emosyong matagal na naming hinihintay.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad. Ramdam ko ang impit na pagtili ni Morin at pangangantyaw ni Ravini sa akin. Hindi pa rin mag sink in sa akin ang lahat.

For the first time after seven years, our eyes met again....

Mula kanina hanggang sa makasakay kami ng jeep ay hindi maalis ang ngiti sa aking mga labi. Puros pang-aasar naman ang natatanggap ko sa dalawa.

"Tatlong beses na kayong nagkita, Moren. Ibig sabihin ba 'non..." pambibitin pang sabi ni Morin.

Napawi ang ngiti ko at mahina akong napabuntong hininga. "Malabo.."

Totoo naman kasing malabo pa sa blurred na itinadhana at magkakatuluyan kami. Religion pa lamang naming dalawa e ligwak na. Tsaka, masaya na yon sa girlfriend n'ya. Masaya lang siguro ako ngayon kasi nakita naming dalawa ang isa't-isa.

FORBIDDEN, LOVE. Where stories live. Discover now