Chapter 3: Good Morning

41 9 14
                                    

Naisipan kong pumasok ng maaga ngayon, may graded recitation kasi kami mamaya sa Earth Science at gusto kong mag-review sa library para walang istorbo. Matapos ko kasi maghugas ng pinggan kagabi, tinulungan ko pa sa assignments nila ang mga kapatid ko. Inaantok na ako ng simulan kong magbasa at nang magising ako ay 6:00 am na.

"Bye, Tatay! Ingat po kayo sa pagpapasada!"

Tiningnan ako ni Taty sa rearview mirror at saka ngumiti ng napakatamis. "Ingat sa pagtawid, anak. Mahal kita!"

"I love you too, 'Tay!" pahabol kong sagot pagbaba ko ng estribo bago tuluyang tumawid patungo sa gate ng SDC.

Dumiretso ako sa library na nasa gitnang bahagi ng building ng senior highschool. Napangiti ako nang maramdaman ang lamig ng aircon. Humanap ako ng bakanteng mesa sa ground floor ngunit puno na ang mga ito ng estudyante kaya umakyat ako sa hagdan patungong second floor. Isa ang library sa mga nagustuhan ko sa SDC, napakalaki nito at air conditioned tulad na rin ng mga classroom. Nagtungo ako sa pinakadulong bahagi ng library kung saan walang estudyante. Tamang- tama ito sa katahimikang kailangan ko. Dahan-dahan akong naupo at sinimulang magbasa ng aking notes.

Napalingon ako sa aking kaliwa nang may maupo sa katabing upuan. Nang makita kung sino ang tumabi sa akin, nagsimulang tumambol ang aking dibdib.

"Please wake me up when you're about to leave," halos pabulong nitong sabi at saka inilagay ang mga braso sa mesa upang gawing unan.

Naitakip ko ang kanan kong kamay sa aking bibig nang mapansin kong bahagya akong nakanganga sa pagkakabigla habang ang lalaki ay tila hindi naman apektado sa ginawa niyang panggugulat sa umaga ko. Tinitigan ko ang mukha ni Emrys na ngayon ay nakaharap sa akin. Straight ang buhok niya na ang bangs ay aabot sa taas lamang ng kanyang makakapal na kilay. Mahahaba ang pilikmata nito at mukhang hindi siya purong Pinoy dahil iba ang tangos ng kanyang ilong maliban pa sa slang accent niya sa tuwing nagsasalita ng Ingles, na halatang mas nakasanayan niyang wika.

Sinubukan kong kawayan ang harap ng mukha nito upang malaman kung tulog ba talaga ang lalaki. Nang hindi ito gumawa ng anumang reaksyon ay ibinalik ko ang aking atensyon sa pagre-review. Maliban sa ilang panakaw kong pagtingin sa magandang mukhang nakaharap sa akin, napapatingin din ako sa paligid sa tuwing may nararamdaman akong estudyanteng dumarating.

Makaraan ang halos isang oras, sinimulan kong ligpitin ang aking gamit. Kinakabahan man ay marahan kong tinapik sa balikat ang lalaki upang gisingin. "Emrys, gising na."

Mabilis naman itong dumilat at nang makita ako ay pinawalan niya ang isang tipid na ngiti dahilan upang lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. "Good morning!"

"A-alis na ako," nagmamadali kong sabi at saka mabilis na humakbang palayo sa kanya. Lakad takbo ako sa paghakbang hanggang sa marating ko ang aming classroom. Halos habulin ko ang aking paghinga at saka ko naramdaman ang pagsibol ng manaka-nakang pawis sa aking noo.

Nagpupunas ako ng pawis nang dumating si Mia. "Akala ko male-late ako ngayon."

"Late ka nagising?" sagot ko habang ibinabalik ang aking panyo sa bag.

"Oo, tinapos ko pa kasi yung assignment natin sa Oral Comm," sagot nito.

Bigla kong napansing nawawala ang folder na pinaglagyan ko ng assignment. Sigurado akong dala ko 'yon noong umalis ng bahay. Minadali ko pa namang i-encode at ipa-print iyon sa computer shop nila Mang Bong kahapon pagkagaling ko sa school.

"Nakalimutan mo bang gawin? Ngayon pa naman ang deadline," kunot noong sabi ni Mia.

Magsasalita sana ako nang biglang dumating si Ms. Lopez, ang teacher namin sa Oral Communication. Nagsimula akong kabahan nang matapos naming magdasal ay simulan rin niya ang pagtatawag sa aking mga kaklase upang basahin ang isinulat sa harap ng klase bago ito ipasa sa kanya.

Two Steps Behind YouWhere stories live. Discover now