Chapter 8: The Science Quiz Bee

25 8 25
                                    

Hindi magkamayaw ang mga Grade 11 STEM students sa loob ng audio-visual hall. Lahat ng estudyante sa limang section ng STEM ay narito para suportahan ang kani-kanilang class representative para sa 1st Semester Science Quiz Bee ng Grade 11 STEM. Ang mananalo dito ay siyang makakapareha ng mananalo rin sa Grade 12 STEM para ilaban ng SDC sa Interschool SHS Science Quiz Bee ng Association of Rizal Catholic Schools.

"Caela, gusto mo ng sandwich? Baka nagugutom ka na?" aburidong tanong ni Bradley sa tabi ko sabay abot ng isang sandwich sa akin.

Umiling ako. "Busog pa ako, Bradley. Thank you!"

"Candy?" muli niyang alok sabay abot ng isang tube ng mentos.

Ngumiti ako at saka kumuha ng isang piraso.

"Akin na lang 'yang sandwich, boy!" Agaw ni Mo sa hawak ni Bradley.

Nang ibigay ni Bradley ang sandwich sa kanya, nilingon ni Mo si Kristine. "Ikaw Tin, gusto mo ba ng candy?"

"May chewing gum ako," sagot ni Kristine na busy sa pag-oobserba sa paligid.

Narinig kong bumulong si Mo kay Bradley. "Si Mia, hindi mo ba aalukin ng candy?"

"Nakita ko kanina binigyan siya ng manliligaw niya ng dalawang tube ng strawberry fruit-tella. Kung bibigyan ko pa siya ng mentos baka magka-diabetes na siya," mahina ngunit padarag na sagot ni Bradley.

Nagkatinginan kami ni Kristine na narinig din pala ang sinabi ng lalaki. Nang lingunin ko si Mia, gumalaw lamang ang mga mata niya na para bang nagpapanggap na walang narinig. Inilabas pa niya ang isang tube ng fruit-tella at saka ako inalok. "Caela, you want?"

Sasagot sana ako pero naunahan ako ni Bradley. "Marami akong biniling sweets para kay Caela, baka masobrahan na siya."

Nanlaki ang mga mata namin ni Kristine. Umikot naman ang mga mata ni Mia. "Okay, fine."

Napahawak ako sa noo ko. Hindi pa man nagsisimula ang quiz bee, nate-tensyon na ako sa mga kasama ko.

Naramdaman kong nagvibrate ang hawak kong phone kaya sinilip ko ito. May message si Emrys.

Emrys: Kabado ka ba? Bakit nakakunot ang noo mo?

Iniangat ko ang tingin ko upang hanapin siya sa buong hall ngunit hindi ko makita.

Emrys: Uy hinahanap niya ako.

Naramdaman kong namula ang aking pisngi at hindi napigilang mapangiti.

Caela: Paano mo nalaman na kunot na ang noo ko kung wala ka dito?

Emrys: Naka-live na sa FB.

              Goodluck, baby ko.

Napangiti ako at saka ibinalik ang atensyon sa paligid.

Hindi nga nagtagal ay tinawag na ang lahat ng class representative. Iniabot ko kay Mia ang aking cellphone bago tumayo mula sa kinauupuan namin. Kung kanina ay parang kalmado lang ako, ngayon ay parang wala akong pakiramdam. Kung bakit ba naman kasi nagpaka-bibo ako sa mga quizzes at recitation, ako tuloy ang napiling lumaban ngayon.

Pinaakyat kami sa stage at pinaupo. Isa-isa kaming binigyan ng mini-white board, marker at eraser. Natawa ako nang maisip ko na may pagka-classic pa rin ang mga teachers namin.

Kung kanina ay napakaingay sa buong AV Hall ngayon ay napakatahimik na.

Tumikhim pa ang emcee bago binasa ang unang tanong. "First question, where can you find mitochondria?"

Two Steps Behind YouOù les histoires vivent. Découvrez maintenant