Chapter 19: The Pageant

29 9 37
                                    

"Good afternoon, St. Dominic College!"

Narinig ko ang pagbati ng emcee sa stage kasunod nang hiyawan ng audience sa loob ng AV Hall. Napatingin ako sa mga kasama kong kandidata. Ang gaganda nilang lahat!

Naramdaman kong may kumalabit sa likod ko. Nang umikot ako para lingunin kung sino ito ay nalaglag ang panga ko nang makitang ayos na ayos ang buhok ni Emrys at nakasuot siya ng white tuxedo na may lining na itim. Hindi rin nakaligtas sa pang-amoy ko ang mamahaling pabango na gamit ng lalaki. "Hi, gorgeous!"

Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya.

"Kapag hindi mo isinara 'yang bibig mo, hahalikan ko 'yan," mapanuksong sabi ni Emrys na sinabayan ko nang pagsara ng aking mga labi. Kung hindi niya ako biniro ay hindi ko mapapansin na matagal na pala akong nakanganga sa harapan niya. Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay may nakangiting Greek god sa harap ko ngayon na sinabayan pa nang pagkislap ng kanyang mga mata na kulay berde na may pagka-ginto.

Ibinaba ko ang tingin ko sa kanyang suot na tuxedo upang makabawi sa pamumula nang mukha bago muling tiningnan ang napakaguwapong lalaki sa harap ko. "Tutugtog ba kayo?"

"May haharanahin ako mamaya," nakangiti niyang sagot.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako nang marinig ko ang sigaw ng bading naming direktor. "Candidates line-up now!"

"Goodluck, baby!" narinig kong sabi ni Emrys. Nilingon ko siya at nginitian habang pumwesto ako sa pila.

Lumapit sa akin si Tita Candy. "Close your eyes, Caela."

Sinunod ko naman si Tita Candy kaya nawala na sa paningin ko si Emrys.

"Now, breathe in and breathe out," narinig kong sabi ni Tita Candy na sinunod ko rin at naramdaman kong nagrelax ang katawan ko. "Open your eyes and look at me."

Bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Tita Candy. "Just enjoy!"

Tumango pa ako bago sumunod na naglakad sa candidate number seven papasok ng stage. Nakatayo kaming lahat sa gitna at wala akong makitang mukha sa audience. Hindi ko alam kung dahil ito sa ingay na naririnig ko o ang nagsisimulang pamamanhid ng katawan ko.

Nakita kong nagpunta sa center ramp ang candidate number one at sinimulang ipakilala ang kanyang sarili. Nanatili akong nakangiti. Hindi nagtagal ay narinig kong tinawag ng emcee ang aking numero kaya naglakad ako patungo sa gitna at mas lalong lumakas ang sigawan. Nang huminto ako sa tapat ng mikropono ay tumahimik ang buong paligid.

"When someone tells you you can't, turn around..." pambungad ko bago ako umikot at muling nagsalita. "...and say," ngumiti muna ako, "Watch me!"

Naghiyawan ang audience. Ngumiti ako at huminga ng malalim bago muling nagsalita. "Good afternoon, SDC! I am Caela Rosario Tingson, representing STEM- Dignity!"

Nakita kong nagtayuan ang isang grupo ng mga estudyante sa pinakataas na parte ng audience at sabay-sabay na isinigaw ang pangalan ko. Kinawayan ko sila bago ako umikot pabalik sa linya ng mga kandidata sa gitna.

"What a remarkable introduction!" Umakyat sa stage ang emcee at masayang hinarap ang audience.

"I am sure everyone is excited and rooting for their candidate, but do you want to know how the candidates prepared for this night? Let's watch this," saad ng emcee.

Nahati nang tig-apat kaming mga kandidata at lumakad sa gilid upang mapanood ng audience ang AVP sa LED Wall. Ipinakita sa AVP ang mga practice namin at interview sa mga organizers. Matapos ipalabas ang AVP ay nagpalakpakan ang mga tao habang bumalik naman kaming mga kandidata sa puwesto namin sa gitna ng stage.

Two Steps Behind YouWhere stories live. Discover now