Chapter 6: Acquaintance Party

25 7 25
                                    

Paglabas na paglabas ng teacher namin sa Precalculus, nagmamadali kaming lima na lumabas para silipin ang bulletin board sa elevator lobby ng floor namin. Pagdating namin ay naroon na rin ang ibang Grade 11 STEM upang silipin kung sinu-sino ang nakapasa sa basketball team ng Grade 11. Nakipagsiksikan sina Bradley at Mia upang makita ang nakapaskil.

Napangiti kami nila Kristine at Mo nang marinig naming humiyaw sina Mia at Bradley. Tawa pa kami ng tawa nang makita magkayakap ang dalawa at naglululundag sa tuwa. Muli nilang hinawi ang mga estudyante para makabalik sa amin at isang maluwag na ngiti ang ipinukol sa akin ni Bradley.

"Ikaw talaga ang lucky charm ko," nakangiti pa ring sabi ni Bradley.

Ginantihan ko siya ng ngiti. Akma siyang lalapit sa akin para yakapin ako nang may tumikhim sa gilid ko. Hindi natuloy ang pagyakap ni Bradley sa akin ngunit mas naagaw ang atensyon ko sa hitsura ni Mia na nasa likod lamang ni Bradley. Ang kanina'y masayang mukha ay nawala na at gumuhit ang sakit sa kanyang mga mata.

Nagulat ako ng hilahin ako ni Kristine na nasa gilid ko. "Girl, bakit parang binabakuran ka na ni Emrys?"

Kumunot ang aking noo at nilingon ang katabi ko. Nagsalubong ang kilay ko nang makita si Emrys na nakahalo sa mga Grade 11. Hindi ko siya pinansin at muling nilingon si Mia na nakita kong tumalikod na at humakbang palayo sa amin.

"Mia!" Pagtawag ko at saka naglakad patungo sa kanya. Sumunod naman sa akin sina Mo at Kristine habang naiwan roon si Bradley na nakikipag-usap sa mga estudyanteng nagko-congratulate sa kanya.

Nang abutan ko si Mia sa paglalakad, isang pilit na ngiti ang ibinigay niya sa akin. "Ang bagal ninyo, nagugutom na ako."

Ang plano kong tanungin siya tungkol sa naganap kanina ay hindi ko na itinuloy. Mukhang ayaw rin naman niya itong pag-usapan. Nagprisinta si Mo na siya na lamang ang bibili ng pagkain at naiwan kaming tatlong babae sa mesa.

"Good morning, girls. Puwede ba ako makiupo?"

Umangat ang tingin naming tatlo at nagtaka nang makita si JD.

"Sino ka naman?" maaskad na tanong ni Kristine.

"I'm JD. Ako yung bagong Captain ng Basketball Team ng Grade 11," may pagkamayabang na pagpapakilala ni JD kay Kristine.

Bahagyang lumaki ang mga mata naming tatlo. Nagkatinginan din kami ni Mia.

"O, ngayon? Wala ka bang friends at dito ka uupo?" pambabara pa rin ni Kristine.

Napakamot sa kanyang ulo si JD at saka ito ngumiti ng alanganin. "Sorry, gusto ko lang makilala ng husto si Mia."

Napangiti ako at napatingin kay Mia. Nang umusod si Mia sa loob na upuan, lumuwang ang pagkakangiti ni JD at saka tumabi sa babae.

Napakunot ang noo ni Mo nang dumating ito dala ang isang tray. Nagtataka itong tumingin kay JD. "May bago ba tayong barkada nang hindi ko nalalaman?"

Ngumiti si JD at nakipagkamay kay Mo. "JD, pare."

Pagkatapos ng recess sumabay pa rin si JD sa amin paakyat. At halatang nag-eenjoy naman si Mia na kausap siya. Pag-akyat namin sa fourth floor, napansin namin ang kumpulan ng mga estudyante sa bulletin board at binabasa ang bagong poster na nakapaskil. Nang lapitan namin, nakasulat roon ang magaganap na Acquaintance Party para sa mga Grade 11 sa darating na Sabado ng gabi.

"Can you be my date, Mia?" nakangiting tanong ni JD.

May kalakasan ito dahilan upang kiligin ang ilang babaeng naroon.

Napansin kong naningkit ang mga mata ni Mia na tumagos ang tingin sa likod ni JD. Nakita kong papalapit sa amin si Bradley.

"Sure!" sagot ni Mia na ikinabigla ko.

Two Steps Behind YouWhere stories live. Discover now