Chapter 7: 16th Birthday

26 8 33
                                    

"Caela!"

Naagaw ang atensyon ko ni Mia mula kay Emrys na patuloy na umaawit sa stage. Nanlaki ang mga mata ko sa hitsura ng kaibigan ko. Napakaganda niya sa suot na vintage black and gold dress. Lumapit din sa amin si Kristine na nakasuot naman ng itim na cocktail dress na may kaunting trail.

"Ang gaganda natin!" Sabay-sabay naming sigaw.

Inilabas ni Mia ang kanyang mamahaling cellphone mula sa kanyang black velvet purse. "Let's take a groufie!"

Nakailang shot din kami at ang huli ay ipinakisuyo ni Kristine sa isang lalaking Grade 11 na kuhanan kaming tatlo.

Hinila ako ng dalawa sa isang round table kung saan nakaupo sina JD at Mo. Tumayo pa ang huli upang tulungan kaming dalawa ni Kristine na maupo sa gold oz chair. Hindi ko alam kung engrande ba ang dapat itawag sa pagkakaayos ng hall o kung may hihigit pa sa salitang iyon dahil sa tingin ko ay nagmukha itong seven-star hotel na tanging sa mga movie ko lamang nakikita. At nagpapasalamat ako na pinadalhan ako ni Bradley nang isusuot ngayon dahil kung hindi ay magmumukha akong basahan sa lugar na ito.

"Thank you, Mo!" Nakangiti kong sabi sa lalaki. Bumagay sa kanya ang itim na Amerikana.

"'Yun lang? Hindi mo man lang papansinin ang kaguwapuhan ko?" anito habang ipinapakitang nadidismaya ito sa akin.

"Hmmmm." Umakto akong nag-iisip.

"Tsss. Ayaw mo pang aminin na guwapung-guwapo ka sa akin, Caela!" puno ng kumpiyansang sabi ni Mo.

"Okay ka naman, tonight. Hindi kita nakilala," nakangiti kong sagot.

Agad niyang hinarap si Kristine. "O, diba? Sabi sa iyo guwapo ako ngayon!"

"Mukha kang tao ngayon," napahagikgik kong sabi.

Nagtawanan naman sila Kristine, Mia at JD habang umusli ang mahabang nguso ni Mo.

"Huwag kang sumimangot, Mo," natatawa kong saway dito.

Inirapan pa niya ako. "Bawal ba akong sumimangot?"

"Baka makuhanan ka ng picture sa ganyang hitsura mo, bukas meme ka na," pang-aasar ko pa.

"Mama mo, Caela!" pikon nitong sagot dahilan upang magtawanan kaming tatlo.

"Sinundo ka ba ni Bradley, Caela?" tanong ni Kristine. "Anong oras na wala pa kasi siya."

"Pinasundo niya ako sa driver nila, ang sabi dito na raw kami magkikita sa school," katwiran ko naman.

"Driver nila?" Halos sabay-sabay na sagot nila Mia, Kristine at Mo.

Tumango ako.

"Anong paandar ni Bradley? Wala naman silang driver," komento ni Mo.

Napatingin ako kay Mia upang kumpirmahin ang huling sinabi ni Mo, ngunit itinaas baba lamang niya ang kanyang balikat at bahagyang ngumuso.

"Hayaan na pala si Bradley," ani JD sabay turo sa pinto ng hall.

Tumayo si Mo at saka kinawayan ang lalaki. Napangiti ang huli nang makita kami sa aming table ngunit nang makalapit ay humaba ang nguso nito at saka umupo sa tabi ko.

"Kumpleto na tayo, picture tayo!" masayang sabi ni Kristine at saka iniabot kay Mo ang kanyang cellphone. "Ikaw kumuha, mas mahaba ang braso mo."

"Ayaw mo lang lumaki ang mukha mo sa picture," naka-make face na sagot ni Mo ngunit kinuha rin naman niya ang phone kay Kristine. "1, 2, smile!"

Maya-maya pa ay umakyat na sa stage ang Senior High School Dean at nagbigay ng welcome address. Bago matapos ang kanyang speech, niyaya niya ang lahat na kumain ng hapunan. Agad namang pumasok ang mga waiter at naglagay ng mga pagkain sa bawat mesa.

Two Steps Behind YouWhere stories live. Discover now