Chapter 9: Just You

36 9 26
                                    

Tulad nang nakasanayan ko, maaga akong pumasok sa school para magreview sa library. Pagdating ko sa second floor ay bakante pa ang paborito kong sulok kung kaya't tahimik akong dumiretso roon at sinimulang gumawa ng reviewer para sa nalalapit naming exam. Napalingon ako sa bintana nang magsimulang umulan ng malakas.

"Buti na lang maaga akong pumasok," naibulong ko sa sarili.

Naramdaman ko na may humila ng upuan sa aking kaliwa, at nang lingunin ko ay tama nga aking hinala—Si Emrys. Gumalaw pataas ang kanyang mga labi kasabay nang pagngiti ng kanyang magagandang mga mata. Tahimik kong pinagmasdan ang kanyang bawat galaw hanggang sa tuluyan siyang makaupo. Akala ko ay muli siyang matutulog tulad ng dati ngunit binuksan din niya ang kanyang bag at saka may inilabas na libro tungkol sa Accounting.

Nang makita kong nakatuon na ang atensyon niya sa pagbabasa, binalikan ko ang sinusulat kong reviewer sa Gen Bio. Ilang ulit akong napapahinto magsulat sa tuwing napapansin ko na tila nakatingin sa akin si Emrys ngunit sa tuwing lilingunin ko siya ay busy naman itong nagbabasa.

Makaraan ang isang oras, nagpasya akong iligpit na ang aking gamit para pumasok sa una naming subject. Napansin kong nagligpit din siya at sinabayan ako sa pagtayo.

"Sabay na tayo umakyat?" saad niya sa tonong masaya na makikita lamang sa kanyang mga mata.

"Sige," maiksi kong sagot at saka sinimulang maglakad papalabas sa library.

Sa exit sa second floor na rin kami dumaan dahil mas malapit na iyon patungong fourth floor. ABM ang strand ni Emrys pero pareho kami ng floor sa west wing nga lang ang mga grade 12.

Nang aakyat na kami ng hagdan, hinawakan niya ang aking balikat kaya napalingon ako sa kanya.

"Let me carry your backpack," paalam nito ngunit kinukuha na niya ito mula sa aking balikat.

"Sure ka?" Nagtataka kong tanong.

Isang maluwag na ngiti lamang ang pinawalan niya at saka ako inalalayan sa likod upang umakyat na sa hagdan. Nilingon ko siya at lihim na napangiti dahil balewala lang sa kanya na isukbit sa kanyang balikat ang floral pink and orange backpack ko.

"Will you be in the library again tomorrow?" seryoso niyang tanong.

Ngumiti ako at saka tumango. "Malapit na kasi ang exams, kailangan ko magfocus."

Lumuwag ang mga ngiti sa kanyang mga labi na umabot hanggang sa hugis pili niyang mga mata. "That means I am not a nuisance to you?"

Bahagyang kumunot ang noo ko ngunit nang maintindihan ko ang kanyang ibig sabihin ay hindi ko inaasahang pamumulahan ako ng pisngi.

Napatingin siya sa aking mga pisngi at umalik-ik.

Ang kanina'y mga matang nakatingin lamang sa amin ay ngayo'y tila sinusuri na ang aming mga galaw.

Hindi ko naiwasang lumabi habang patuloy na humahakbang patungo sa aming classroom. Napansin kong nakasunod pa rin siya sa akin.

"Diba sa kabilang wing ang classroom n'yo?" medyo inis na sabi ko sa kanya dahil kahit saan siya naroon ay maraming matang nakamasid sa kanya.

Isang mapang-asar na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi. "Ihahatid kita sa room n'yo."

"Kaya ko naman maglakad hanggang doon mag-isa," mahina ngunit padarag na sagot ko sa kanya.

Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang marating namin ang classroom, kapansin-pansin ang pagtahimik ng aking mga kaklase. Iniabot niya sa akin ang aking backpack. "Enjoy the rest of your day."

Pagpasok ko ay inirapan ako ng ilang kaklase kong babae at saka nagbulungan.

"Huwag mo silang pansinin, hindi mo sila kasing ganda." Napalingon ako kay Mia na kunwari'y busy sa pagbabasa.

Two Steps Behind YouWhere stories live. Discover now