Chapter 16: Unethical

37 9 4
                                    

Paghinto ng jeep ni Tatay sa tapat ng SDC, bumaba rin siya para tanggalin sa pagkakarolyo ang tapalodo ng bintana ng jeep namin. Nagsisimula ng umambon kaya tinulungan ko na rin siya na ibaba ang tapalodo sa kabilang side.

"Caela! Anak, ako na riyan. Pumasok ka na at baka abutan ka ng ulan," pagsaway sa akin ni Tatay.

Wala namang napabalitang bagyo ngayon pero kanina paggising ko ay napansin ko nang sobrang kulimlim ngayon ng langit.

Tinulungan na rin ako ng ibang pasahero magbaba kaya nagpasalamat ako at bumaba na ng jeep. Humalik muna ako sa pisngi ni Tatay bago sinigurong puwede na ako tumawid sa kalsada. Pagkatawid ko sa kabilang side ay kumaway pa sa akin si Tatay na sinuklian ko rin ng kaway.

Napatakbo ako papasok sa gate ng SDC nang maramdaman kong lumalakas na ang ulan. Sa gilid ng quadrangle ay may covered area na ginawa talaga para kapag umuulan ay hindi basta-basta mababasa ang mga estudyante kaya doon na ako dumaan.

Bago ako makarating sa hagdan paakyat sa 4th floor kung nasaan ang classroom namin, narinig ko ang boses ni Mia na tinatawag ako kaya nilingon ko siya sa likuran ko. Napangiti ako nang makita ang kaibigan ko pero nagtaka ako na tumatakbo siya para makalapit sa akin kahit pa huminto na ako maglakad. Hihintayin ko na naman siya.

Paglapit niya sa akin ay agad niyang sinilip ang likuran ko at nagulat ako na may kinuha siyang nakadikit na papel doon. Mabilis niya iyong nilukot.

Napatingin ako sa nilamukos niyang papel. "Ano iyon?"

"Papel lang, dumikit siguro," parang wala lang na sabi ni Mia at saka hinatak na ako ulit para magpatuloy maglakad.

Paakyat na kami sa hagdan nang banggain ako ng isang grupo ng mga babae na nagmamadaling bumaba. Napangiwi ako sa sakit ng aking kaliwang balikat. Nagmamadali silang tumakbo at tumawa lamang palayo sa amin ni Mia.

"Ano ba?!" galit na saway ni Mia sa mga ito pero hindi nila pinansin ang kaibigan ko.

Hawak ko ang balikat ko na umakyat ng hagdan. Itinaas ko pa ang braso ko para mawala ang pananakit. Ilang estudyante na rin ang nakasalubong namin na pulos nakatingin sa akin at nakangiti nang nakaloloko. Ang iba naman ay masama ang tingin at umiiling.

Pagdating namin sa 4th floor ay napansin ko si Jake na pulang-pula ang mukha at parang may kaaway. Nang makita niya kami ay agad niya kaming sinalubong. "Tingson, Sampan, bawal pumasok sa classroom natin."

Nagkatinginan kami ni Mia at sabay ring nagtanong sa kanya. "Bakit?"

Napakamot ang lalaki sa kanyang batok. "Sabi ni Pres, bawal daw."

Maraming estudyante sa labas ng classroom namin kaya nagpatuloy kami ni Mia sa paglalakad kahit na nangungulit si Jake na huwag akong lumapit doon. "Gusto ko din sumilip, Jake."

Napabuntong-hininga si Jake at wala nang nagawa.

Nagsitabihan ang ibang Grade 11- STEM nang makita ang pagdating ko. Ang ilan ay tila naaawa ang tingin sa akin, ang iba naman ay nagbubulung-bulungan.

Natulala ako nang tumambad sa akin ang mga nakasulat sa pader ng buong classrrom.

Tingson, gold digger!

Isa kang hampas lupa!

Kadiri ka, Tingson!

Hindi ka bagay sa SDC!

Napahugot ako ng malalim na hininga at umikot para basahin ang iba pang nakasulat. Kaya kong harapin ang pang-aalipusta nila sa akin at kahit tawagin akong gold digger ay hindi ako apektado dahil alam kong hindi iyon totoo pero ang mga sumunod kong nabasa ang siyang nagpasikip ng aking dibdib.

Two Steps Behind YouWhere stories live. Discover now