Chapter 21: Special Friends Without Benefits

35 5 20
                                    


"Good afternoon, po!"

Sumibol ang munting kaba sa dibdib ko nang marinig ko ang boses ni Emrys mula sa loob ng aking silid.

"Emrys! Mabuti dumating ka na!" rinig ko ang masayang pagbati ni Nanay sa lalaki.

"Kuya, kanina ka pa hinihintay ni ate." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa sinabi ni Cloyd.

"Ang sabi ko kasi sa kanya maaga akong darating..."

Napaayos ako nang upo sa aking kama ng may humawak sa doorknob ng pinto ng aking kuwarto. Bumungad si Cloyd at kasunod niya si Emrys. Kunot ang noo ng lalaki na mabilis na naupo sa gilid ng aking kama. Ngumiti pa sa akin si Cloyd bago umalis ngunit iniwan niyang bukas ang pinto.

"Baby, sorry. May dalawang event sa resto at bigla kaming kinulang ng dalawang tao, so, I need to help," kunot pa rin ang noo ng lalaki habang nakatitig sa aking mga mata.

Tumango ako at saka ngumiti ng tipid. "Sana nag-message ka para alam kong hindi ka matutuloy ng maaga."

Hinawakan niya ang kamay ko at saka alanganing ngumiti. "I'll take note of that next time. Are we good now?"

Napabuntong-hininga ako at hindi naiwasang humaba ang nguso. Nahila ko ang kamay ko mula kay Emrys nang marinig ko ang boses ni Nanay. "Maliligo ka na ba, Caela?"

Napalingon ako sa pinto at nakita kong nakatayo roon si Nanay. Salubong ang mga kilay niya, at bahagya akong kinabahan. Nakita niya kaya na hawak ni Emrys ang kamay ko?

Sasagot sana ako nang magsalita si Emrys. "Hindi ka pa naliligo?"

Ibinuka ko muli ang aking bibig ngunit inunahan ako ni Nanay magsalita. "Dumating kanina si Bradley, pero ayaw magpabuhat niyan. Kesyo tinatamad pa daw siya maligo."

Nakatitig si Emrys sa akin. Naramdaman ko ang pamumula ng aking mga pisngi kaya nilingon ko si Nanay na tumalikod muli. "Sandali, may bumibili yata sa tindahan."

Nang makalayo si Nanay ay naramdaman kong hinawakan muli ni Emrys ang kamay ko kaya ibinalik ko ang tingin ko sa lalaki. Isang napakasayang Emrys ang ngayon ay kaharap ko. Umiwas ako nang tingin sa kanya.

Kagabi, nang mailapag niya ako sa kama ay kinausap ako ni Emrys. Sinabi niyang kahit hindi ko pa siya nobyo ay hindi niya gustong may ibang lalaki na bumubuhat sa akin o kahit humawak man lamang sa aking kamay, maliban na lamang kung si Tatay iyon. Hindi ako kumibo kagabi dahil nang makita kong puminta ang galit sa kanyang mukha nang buhatin ako ni Bradley ay naintindihan kong hindi niya iyon gusto, at maging ako ay hindi kumportable na binuhat ako ng ibang lalaki kahit pa kaibigan ko naman siya.

"Thank you, baby!" halos pabulong na sabi ni Emrys dahilan upang lingunin ko siya muli. Tinitigan ko lamang ang berde niyang mga mata, kumikinang na naman ang mga iyon sa kaligayahan.

"Ako yata dapat ang mag-thank you sa iyo. Pati ikaw maaabala ko," seryoso kong sagot.

Umiling siya habang nakangiti. "Kailanman ay hindi ka naging abala sa akin. I am beyond grateful for giving me this opportunity to show you how much I care for you."

Naramdaman namin ni Emrys ang mga hakbang papalapit sa aking silid kung kaya't pasimpleng binitawan ni Emrys ang aking kamay at sabay kaming napalingon sa pinto nang makalapit si Nanay. Pumasok siya at kinuha ang mga damit ko sa plastic drawer at ang aking tuwalya na naka-hang sa gilid. "Emrys, pakilagay muna ang plastic sa kanyang paa para hindi mabasa bago mo dalhin sa bathroom."

"Sige po, 'Nay," nakangiti pa ring sagot ni Emrys habang tinatanggap ang plastic mula kay Nanay.

Maingat niyang iniangat ang natapilok kong paa at saka isinilid iyon sa plastic hanggang sa natakpan ang benda. "Masakit pa ba?"

Two Steps Behind YouWhere stories live. Discover now