Chapter 18: Take Care, Baby

26 8 31
                                    

Habang magka-holding hands kami ni Emrys at pinagmamasdan ko ang masaya niyang mukha, unti-unti kong naramdaman ang paggaan ng aking puso. Para bang sa lahat nang nalaman kong ginawa niya ay nawala ang tampo ko. Tinugon ko ang higpit nang pagkakahawak niya sa aking kamay dahilan upang lalong lumaki ang ngiti ni Emrys sa akin.

Pagkuwan ay napatingin siya sa suot na itim na G-Shock at saka sumenyas sa waiter. "Kung hindi lang championship, kahit hanggang mamaya pa tayo rito."

Napangiti lang ako sa kanya. Gusto kong sabihin na ayaw ko rin sana pang umalis doon pero naisip kong baka hindi na nga siya maglaro. Siguradong lagot na siya sa coach nila dahil hindi na siya naglaro kahapon.

Lumapit ang waiter sa amin at iniabot kay Emrys ang bill namin. Niluwagan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay dahil baka kailangan niyang bumitaw para kunin ang kanyang wallet ngunit hindi niya binitawan ang kamay ko. Gamit ang kanang kamay ay dinukot niya ang kanyang wallet sa kanyang bulsa at saka ibinuka iyon gamit ang kanyang mga daliri at saka hinila ang isang libo mula doon.

Sabay pa kaming natawa ng waiter sa ginawa ni Emrys. Kaya nakangiti siyang humarap sa akin. "What? Bakit mo ako tinatawanan?"

Umiling ako. "Nagpapakahirap ka kasi na isang kamay lang ang gamit mo."

"I will not let go of your hand. That will never happen," may pagkayabang niyang sabi.

Napaismid na lamang ako na sinagot naman niya ng halakhak. "Sayang kasi. Kumapit na baka hindi na maulit."

Natatawa akong naiiling sa sinabi niya. Holding hands pa lang akala mo naman sinagot ko na.

Nang bumalik ang waiter at ibinigay ang sukli. Nag-iwan lang ng P50 na tip si Emrys bago ibinulsa ang sukli at binalingan ako. "Let's go?"

Tumango ako at saka tumayo. Inalalayan ako ni Emrys nang hindi tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko. Hindi ko mapigilan ang tawa dahil ayaw niya talagang bumitaw sa kamay ko. Paano kaya siya magmamaneho?

Palabas na kami nang café nang bitawan niya ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya at nakita kong hawak na niya ang isang matandang babae sa kanyang gilid na muntik nang madulas. Napahiyaw pa sa gulat ang ilang customers na nakakita.

"Ingat po, lola," mahina ngunit halatang may gulat na sabi ni Emrys.

Nang mahimasmasan ang matandang babae ay napangiti ito kay Emrys. "Salamat, hijo."

Lumapit naman ang dalawang babaeng kasama ng matanda. Ang isa ay kaedad siguro ni Nanay habang ang isa naman ay mukhang kaedaran ni Emrys.

"Buti na lang nahawakan mo si Mama. Thank you, ha?" nakangiting sabi ng mas nakatatanda. "Kakain ka ba rito? Kung wala kang kasama doon ka na rin sa table namin."

Nakita kong sumilay ang saya sa mukha ng babaeng kaedad ni Emrys sa sinabi nang kanyang ina.

"Tapos na po kami kumain, aalis na rin po kami," magalang na sagot ni Emrys na nilingon pa ako at saka ako nginitian.

Sabay na napatingin sa akin ang tatlong babae kaya nginitian ko na lamang sila, ngumiti rin sa akin ang dalawang nakatatanda ngunit inirapan ako ng nakababata. Lihim na lang akong natawa.

"Salamat ulit, hijo," anang matanda kay Emrys.

"Wala hong anuman, lola. Mag-iingat po kayo," bahagya pang yumuko si Emrys sa matanda baka tumalikod at humarap sa akin.

Napatingin ako sa kanya at tipid na ngumiti.

Hinawakan niyang muli ang kamay ko at parang ingat na ingat na inalalayan ako pababa ng hagdan hanggang sa marating namin ang kanyang SUV. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto at sinigurong nakaupo na ako nang maayos bago isinara ang pinto at saka siya umikot patungo sa driver's seat.

Two Steps Behind YouWhere stories live. Discover now