Chapter 20: Enthralled

27 8 44
                                    

"Tumawag si Kapitana, nagpaluto daw siya ng tatlong bilaong pansit para i-celebrate ang pagkapanalo ni Caela," alanganing sabi ni Nanay.

Bahagyang nabawasan ang pagka-aburido ng mukha ni Tatay. "Si Kapitana talaga, nakakahiya."

"Naku, excited na excited yung matanda. Alam mo naman 'yun!" saad ni Nanay na napatingin sa akin. "Masakit pa ba anak? Pinatawag na rin daw ni Kapitana ang manghihilot."

"Nabawasan na po 'Nay," tipid kong sagot.

"O, siya," pagkuwan ay sabi ni Tatay at saka pumihit para harapin ang mga kaibigan ko na naroon pa rin sa AV Hall. "Bradley, Mia diretso tayong lahat sa bahay at naghanda daw sila para kay Caela. Puwede ba kayo?"

Lumiwanag ang mukha ni Bradley, napangiti naman sina Mia at Kristine.

Halos sabay-sabay na sumagot ang lima. "Opo."

"Magpapaalam lang po kami sa mga magulang namin at ihahatid ko rin po sa salon sina ate Dorothy. Susunod na lang po kami sa bahay ninyo, Tito," nakangiting paalam ni Bradley kay Tatay na tinanguan naman ni Tatay.

Masayang kumaway sa akin ang lima at sumenyas na susunod na lang sa bahay.

Napangiti ako nang makita ang excitement sa mukha ng mga kaibigan ko at saka naalala na kailangan ko pang magpalit ng damit. "Magbibihis po muna ako para maibalik itong gown kay Tita candy."

"That gown is yours, Caela," komento ni Tita Candy na naroon pa rin pala. Nasa likod niya ang kanyang team bitbit ang kanilang mga dala-dala kanina.

Napamaang ako sa sinabi niya. Nilingon ko pa si Emrys sa aking tabi dahil hindi ako makapaniwala. Ngumiti lamang sa akin ang lalaki.

Binalikan ko nang tingin si Tita Candy. "Tita, nakakahiya po. Sobrang thankful na po ako na kayo ang nag-sponsor ng damit ko today. Kaya kalabisan na po kung ibibigay n'yo pa sa akin ang napakagandang gown na ito."

"Gumanda ang gown na iyan nang isuot mo, kaya para talaga sa iyo iyan, besides pinagtrabahuan ni Emrys ang gown na iyan pati ang isa pa," nakangiting sagot ni Tita Candy.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

"At saka, lalabas sa media ang pagrampa mo sa mga damit ko kanina. Pumayag ang mga magulang mo. At nanalo ka pa kaya sulit na sulit ang serbisyo ko ngayong araw na ito," masaya pa ring sabi ni Tita Candy. "Mauuna na kami. Pagalingin mo ang paa mo, hija."

"Thank you po ulit, Tita," nakangiti kong saad at saka ko nilingon ang kanyang team. "Salamat po sa tulong!"

Nakangiti silang kumaway sa akin bago lumabas ng AV Hall.

"Tara na, umuwi at kanina pa text ng text ang mga kapatid mo. Sa bahay ka na magbihis," pagyaya ni Nanay.

Tumayo si Emrys sa tabi ko at saka ako binuhat muli tulad kanina. "Emrys, kaya ko naman na."

"Baka magkamali ka ng apak, mabalian ka pa ng buto," sagot ng lalaki.

Napalingon ako kina Tatay na nauna na maglakad palabas ng AV Hall bitbit ang mga gamit ko. Hindi na ako kumibo.

"Mag elevator na tayo," pagyaya ko sa lalaki dahil naisip ko na kawawa naman siya kung maghahagdan pa kami pababa.

Kumunot ang noo niya at saka bumaba ang tingin sa akin. "Kaya kita buhatin, maghahagdan na lang tayo."

Naamoy ko ang amoy mint niyang hininga. "Okay lang, Emrys. Hindi ako matatakot."

Tinitigan niya akong muli. Pinindot ko ang down button ng elevator at naghintay kami sandali na makabalik ang elevator dahil nauna na sina Nanay na bumaba.

Two Steps Behind YouWhere stories live. Discover now