Chapter 9

2.5K 29 2
                                    


Chapter 9

Deal

"Ano daw? Kayong dalawa Ingles kayo ng Ingles! Hindi namin maintindihan kung ano bang mga sinasabi nyo" Usisa ni Corazon. Inirapan ko lang si Raven at ipinagpatuloy ang pagtatanim ng palay. Kung ano-ano na lang talaga ang sinasabi niya! Boring na boring na na talaga siya?!

"Wala yun, huwag mo ng intindihin" I smiled at her but she just squinted her eyes at me. Gusto pang mangulit.

"Cora, magtanim na!" I chuckled when she pouted. She likes gossip! My god!

"Sige na nga! Mag-aaral ako ng Ingles para maintindihan ko ang usapan nyong mag-asawa!" She exclaimed. Itinaas niya pa ang kanyang kamay na may palay kaya natawa ako.

"Tuturuan kita" Ako, nagulat siya at mukhang nagustuhan ang suggestion ko. Kinuha niya ang balikat ko at tumitig sa akin. Natatawa ako sa reaksyon niya.

"Talaga ba?! Tuturuan mo ako?! Totoong totoo?!" She asked loudly. Hinawakan ko ang braso niya para pakalmahin.

"Oo, ako na ang bahala sayo. Kung gusto mo, mag umpisa tayo mamaya" masayang sabi ko. Nagliwanag ang kanyang mga mata.

"Pag katapos ng trabaho dito sa bukirin! Gusto kong matuto para kapag nakapunta na ako sa Maynila ay may alam na ako!" She excitedly replied, beaming loudly.

Her reaction is so genuine. I was smiling while watching her daydreaming. I remembered my friends. My friends in Canada and my best friends in Manila.

Kumusta na kaya sila? Are they looking for me? Also my parents and brother, I'm worried about them.

Kung may sasakyan lang ako, I want to bring her, I wanna show her everything I have. I wanna share it with her. Kapag nakabalik ako sa Manila, I'll be back here and bring my wardrobe. Lahat ng hindi ko na isinusuot na signature clothes ko ay  ibibigay ko sa kanya. Hindi naman nalalayo an size naming dalawa kaya kasya sa kanya.

Damn! I'm so excited!

I also have plans to buy everyone here their clothes! Napansin ko kasi na kakaunti lang ang mga damit nila kaya pagkakalaba ay suot na ulit nila. Araw-araw din ang paglalaba nila.

Well, in my case, It's Raven who's washing my clothes. Nasanay na rin ako na siya ang naglalaba ng undergarments ko. Ginusto niya yun, eh!

"Corazon! Dalhin mo muna dito si Dike at makapag kape!" Nanay Nora shouted from the  kubo. Sabay kaming lumingon doon ni Cora.

"Umiinom ka ba ng kape?" She asked. I pursed my lips.

Umiinom ako ng kape pero hindi basta-basta kape. There's specific coffee.... Coffee Bean.

Kapag ibang kape ay ayaw ko kaya hindi ko alam kung anong isasagot ko. Pwede namang tumanggi diba?

"Uhm--sorry, pero subukan ko" ngumiti ako sa kanya. Tinulungan ako ni Cora na umakyat sa pilapil. Nahugot pa nga ang paa ko from the boots kaya malakas siyang humagalpak.

"Meanie" I pouted.

"Tayo na nga!" Hila niya ako sa kamay patungo sa kubo. Nakaupo na doon ang iba at halos lahat ay my hawak na cup.

Raven wants me to sit beside him but when I remembered his words earlier I declined him. Tumabi ako kay Corazon at inabutan niya ako ng matigas na tinapay. Kahit hindi ako tumitingin ay nararamdaman ko ang matatalim na tingin sa akin ni Raven.

"Dike, umiinom ka ba nito?" Nanay Nora asked me. She's referring to the cup of coffee she was holding.

"Titikman ko po" Magalang kong sagot at kinuha ang inaabot niyang kape. Umuusok pa ito at medyo mainit pa ang hawakan. Muntik ko ng mabitawan ang tasa mabuti na lang at may nakaalalay sa kamay ko.

Sweet Escape ( Constellation Series #2 )Onde histórias criam vida. Descubra agora