Chapter 42

1.5K 32 4
                                    

Chapter 42

Unknown number

"What do you mean?" Napatayo ako nang marinig ang sinabi ni Athena sa kabilang linya. 

"It's Lyra! s--she's missing! God!" Nangatal ang boses niya. 

"Shit, where are you now? I'll go right there!" Nataranta na ako habang hinahanap ang susi ng sasakyan ko. Mabuti na lang at na kay Raven si Bella ngayon, sinundo niya ang anak kaninang umaga at hindi na ako sumama kasi bakit? 

I was so lazy since I woke up earlier kaya kahit pagsusuklay ng sariling buhok ay hindi ko nagawa. Naka pajamas pa ako at walang kulay ang mukha! Hindi pa nga ako nakaka toothbrush pero walang pag aalinlangan akong umalis para puntahan si Athena. 

Lyra is missing! We were just talking last night. Ang tagal na rin kasi naming hindi nagkikita-kita kaya we decided to have a date later; Me, Lyra, and Athena. 

Wala kaming contact kay Estella. Alam naming nagpapagaling siya kaya hindi namin binabalak na guluhin pa siya. We know that she will talk to us kapag maayos na siya. Wala kami sa lugar para pangunahan siya. 

We want what's best for her. 

The three of us were so excited last night! Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit sinasabi ni Athena na nawawala siya?! The fuck?! 

"Fucking shit" I cursed when I saw how messed Lyra's apartment is. 

"Dike" lumapit si Athena sa akin. Kagagaling niya lang sa pag iyak dahil namumula pa ang mata niya. Mabilis ko siyang niyakap at sinuri ko ang lugar. 

May mga police na. Unang tingin pa lang ay alam ng may masamang loob na pumasok dito! Fuck! Where's Lyra?! Who's the culprit? This is killing men! 

"Hindi pagnanakaw ang sadya ng pumasok dito" The officer started. 

My forehead creased. Paanong hindi pagnanakaw? Bulag ba ang mga ito?! Hinawakan ni Athena ang braso ko, nahalata niya sigurong handa ko ng awayin ang police. I sighed deeply and just massaged my temple. 

"Calm down, please. Kailangan natin makinig." She whispered. Tumango na lang ako at mas pinakalma pa ang sarili. 

"May mga pera sa drawer niya. Pati ang mga jewelries niya ay mukhang hindi nagalaw. May hinahanap ang suspect kaya sobrang gulo. Isa ang sigurado kami, na kidnapped po siya." Malakas akong suminghap at hindi malaman ang gagawin! 

I've seen this before! Fuck! Fuck! Damn it! 

"Oh, god. Please, help us." Nanginig ang boses ni Athena na napaupo sa sofa at sinapo ang mukha niya. 

"Sir, please find her." Tumango si officer at sinabing gagawin nila ang lahat para mahanap ang kaibigan namin. 

"We will find her." Yumakap ako kay Athena na patuloy pa rin sa pag iyak hanggang ngayon. 

I know that we're thinking the same right now. This happened to Estella and we're afraid na maranasan ni Lyra ang hirap na nararanasan ni Estella dahil sa nangyari sa kanya noon. 

"I can't lose another friend, Dike. I can't." Athena shook her head. 

Napatayo kami parehas nang biglang bumukas ang pinto. Isang hinihingal na lalaki ang tumambad sa amin. Kumunot ang noo ko dahil namumukhaan ko siya! Tama, siya ang bartender sa Lily's bar! 

"Lion," bati ni Athena. 

"What happened? Where is she? Where's Lyra?!" Tumaas ang boses niya. 

Wala akong maintindihan. 

Sweet Escape ( Constellation Series #2 )Where stories live. Discover now