Chapter 21

2K 38 11
                                    

Chapter 21

Truth

"Look! Let's go up there!" Malakas ang tibok ng puso ko at umuna nang maglakad sa kanya.

Hindi ko na sinagot ang sinabi niya kanina dahil hindi ko alam kung bakit parang napakahirap para sa akin na sabihing 'Yes, I won't leave you'.

Something is still bothering me. Kahit ayaw kong magpaapekto sa sinabi ni Bianca ay hindi ko kayang lokohin ang sarili ko.

Nakailang hakbang na ako at hindi pa rin siya sumusunod. I looked back at him and saw him not moving. Tiim bagang siyang nakatulala, nang napansin na nakatingin ako sa kanya ay hinawi niya ang buhok at namulsa bago sumunod sa akin.

Nasasakatan ako para sa kanya pero hindi ko magawang ibigay ang assurance na hinihingi niya. Kung siguro hindi ko narinig ang mga salita na nagmula kay Bianca kahapon ay madali lang para sa akin na ibigay sa kanya iyon.

I offered my hand to him, he immediately reached for it and intertwined with his fingers. Tumitig ako sa magkasaklop naming kamay. My hand fits perfectly on his calloused palm.

Dinala niya ulit iyon sa harap ng kanyang labi at masuyong pinatakan ng halik. Kagat labi ko siyang pinanood.

"Let's go?" Paos na aniya at hinila ako papunta kung saan mas kita ang maaliwalas na tanawin.

Gusto sana namin na libutin ang buong lugar ang kaso lang ay lulubog na ang araw at kailangan na naming bumalik sa nayon. Mahirap tahakin ang madilim na daan. Tahimik kami sa loob ng sasakyan pero hindi niya binibitawan ang kamay ko. Hindi ako nagrereklamo dahil gusto ko rin ang pakiramdam nang konektado kaming dalawa.

I honestly don't want to doubt him, yet I'm here, acting different towards him. Alam kong nahahalata niya rin pero hindi siya nagsasalita.

I wasn't like this. It's either aawayin ko siya or lalambingin. Hindi ako tumatahimik lalo na at siya ang kasama ko.

"Do we have a problem?" Banayad niyang tanong na ikinatuwid ko ng upo. I don't know what to respond.

"Uh, no naman. Bakit?" I looked at him. Sumulyap siya sa akin at binasa ang labi gamit ang kanyang dila. Bumalik ang tingin niya sa daan bago tumikhim.

"Nevermind that. Just tell me whenever there's a problem. Is that okay?" Hinawakan niya nang mabuti ang kamay ko at muling hinakilan.

I just nodded my head and smiled at him when he glanced at me again.

"Nakisuyo ako kina Kleo na paki ayos ng sasakyan natin. Baka next month pwede na tayong bumalik sa Maynila." He informed me.

Nagulat ako sa sinabi niya. I didn't see that coming. Kumalabog ang dibdib ko dahil sa excitement. Sa isang buwan pa pero umaapaw na ako sa tuwa. Not because of the City but because of my responsibilities there.

But I'm not sure if I'll stick to my decision that once I go home, I'll accept my father's want. I'll marry the man he likes for me. Pero paano ngayon? I like someone else. I like Cepheus. Paano kapag bumalik kami sa Manila? Matatapos na ba ang relasyon naming dalawa dito? Parang hindi ko kaya.

"But I won't let you marry the man you're supposed to marry back then." He uttered with conviction.

"What are you going to do?" Taas kilay kong tanong.

His lips twitched. Inangat niya ulit ang kamay para halikan. I rolled my eyes with his sweet gestures.

"I'll talk to your father, sasabihin ko na ako ang gusto mong pakasalan" he boastfully said.

Sweet Escape ( Constellation Series #2 )Where stories live. Discover now