Chapter 31

1.6K 37 3
                                    

Chapter 31

I didn't proofread this! Kapag may napansin kayo na mistakes, kindly comment it para ma edit ko. Thank you, twinkles.

Where?

"Yes, you may sit" the woman at my back answered.

I quickly gathered all our things. I was doing it calmly but I was shaking inside. Sumenyas ako kay Cora na huwag maingay at nagets niya rin naman kaagad. Si Bella naman ay magsasalita pa sana pero hinigit ko na siya para makaalis na kami.

Sana lang hindi kami mahalata ni Raven dahil baka mamatay ako dito sa kaba.

"Mom, why are we in a hurry?" Bella confusedly asked when I fixed her at the backseat of our car.

"We have to go na, we still have a lot of places to go." I smiled at her despite the hard thumping of my heart.

Umikot na ako at pumasok na sa loob ng sasakyan. Cora already settled in on the front passenger seat while following all my moves. Huminga ako nang malalim bago inayos ang seatbelt ko.

I shook my hands to lessen my nervousness. That was close, so close. Hindi pa rin nagbabago ang desisyon ko na hindi ipaalam sa kanya ang tungkol kay Bella. Even Cora doesn't know it just yet.

I can't see his right to know. Siguro kung hindi ko siya nakilala sa nayon na iyon at nalaman kong siya ang ama ni Bella ay ipapakilala ko sila sa isa't-isa—co-parenting at least. But because of what he did, It's better off this way.

"Ayos ka lang? Anong problema?" Tanong sa akin ni Cora makalipas ang ilang minuto. Hindi na rin siya nakatiis. Sumulyap muna ako sa aking anak na ngayon ay abala na sa paglalaro ng kanyang mga Barbie. Binabago niya pa ang boses niya kapag pinag-uusap niya ang dalawang Barbie na nasa kamay niya.

"Okay lang. Kinabahan lang ako." I smiled at Cora.

"Ayaw mo siyang makita? Eh, diba sa kanya ka naman sakay noong papunta tayo rito?" Tanong niya.

"Mahabang istorya, Cora. Basta mangako ka na huwag mong mababanggit sa kanya ang tungkol kay Bella kapag bumisita siya sa inyo ulit sa nayon ah." Kumunot ang noo niya pero kalaunan ay tumango na rin.

Mahaba ang naging araw namin at gabi na ulit kami nakabalik sa condo. Tulog na si Bella dahil sa sobrang pagod. Wala silang ginawa ni Cora kung hindi ang maglaro, kaya iyon kakapasok pa lang sa sasakyan kanina ay diretso pikit na.

"Cora, naayos ko na ang phone mo, magagamit mo na yan.  Mauna ka na sa kwarto, mamaya pa ako." She excitedly clapped her hands and ran towards my room together with the phone I bought for her.

I slammed my back on the couch. Naayos ko na si Bella sa room niya at nalinisan ko na rin ng katawan kaya lumabas na ako. I am so tired.

I was smiling all day but absentmindedly. Hindi ko maalis sa aking isipan ang nangyari sa Starbucks kanina. Hindi ko lubusang maisip na kung nagkataon na nakita niya kami ay ano kayang sasabihin ko?

The fact that Bella's eyes are the same as his, I doubt says that he will not notice anything. Lalo na at bibihira ang may ganoong klaseng kulay ng mata.

Before, kapag tinititigan ko si Bella ay palagi kong sinasabi na carbon copy ko siya. Na nakuha niyang lahat sa akin pero simula noong nalaman ko kung sino ang katulong kong bumuo sa kanya ay nag iiba ang tingin ko kay Bella sa tuwing tinititigan ko siya.

Before, I thought she got her nose after me but I realized it too late that Raven and I almost have the same shape of nose. Kapag tinitingnan ko nang matagal ang anak ko ay hindi ko maitanggi na hindi ko siya kamukha, purely. Mas lamang lang ang nakuha niya sa akin pero kamukha rin siya ng daddy niya.

Sweet Escape ( Constellation Series #2 )Where stories live. Discover now