Chapter 30

1.7K 28 12
                                    

Chapter 30

Starbucks

"Ang lambot! Ang saya!" I smiled and looked at Cora who's crazily and enthusiastically jumping on my bed.

"Wow, ganito pala ang mayayaman!" She exclaimed and rolled all over my bed.

Tumawa ako at nagpatuloy sa paghihiwalay ng mga damit ko na ibibigay ko sa kanya. Kanina pa ako nakarating. Tulog pa ang aking anak. Dave was on the living room. Sa couch siya matutulog at bago ko dinala si Cora dito sa kwarto ko ay humihilik na siya! Napagod kasi masyado tapos nabugbog pa!

Poor him!

I can't sleep kaya ginawa ko na lang ang paghahalikwat ng wardrobe ko. Cora don't seem to be sleepy too, she's so energetic to fall asleep. Nagpatalon-talon na lang siya sa kama ko at tuwang-tuwang umiikot at kinakalikot ang mga gamit ko.

I don't mind tho.

I brought her here to explore kaya she's free to do anything she wants. Minsan lang naman.

"Pwede pala ang nakaganito lang!? Panty at bra?" Lumingon ako sa kanya at hawak na niya ang maliit kong picture frame. It's my picture with my bikini just two months ago when Bella and I had our staycation in Boracay.

"Gusto mo? Marami pa akong ganyan dito." Nanlaki ang kanyang mata at halos tumalsik ang ulo sa pag-iling.

"Baka mapatay ako ni nanay! Bawal yan sa amin, e!" She pouted.

"Tabi ba tayo dito sa malambot mong kama?" She excitedly asked and jumped again.

"Yes. Malaki naman yan. Matulog ka kaya muna?" Umupo rin ako sa kama at inayos ang cover.

"Hindi ako inaantok!" Masayang aniya.

"Obvious naman" tumawa ako at pinabayaan siyang maglilikot habang ako ay abala sa pag aayos ng mga damit para sa kanya.

"Ang pangit ko naman" I was taken aback when she suddenly uttered sadly.

Agaran akong lumingon sa kanya at nakita siyang nakatitig sa kanyang sarili. She's standing in front of my vanity mirror. My heart sank.

No....

"Hey, ang ganda mo kaya! Look!" Lumapit ako sa kanya at tumingin sa salamin. I smiled at her when our eyes met. Ngumuso siya at nag iwas ng tingin.

"Cora, you're beautiful. Don't think that way again! Be confident. Ang iba nga maganda kasi nagme-make up sila pero ikaw, super natural lang ng beauty mo! Ang perfect ng hulma ng face mo at kahit hindi lagyan yan make-up ay ang ganda ganda na!" I enthusiastically said.

I held her jaw using my right hand while still looking at her from the mirror.

"You're Cora, you're beautiful" I genuinely smiled at her.

"Binobola mo lang ako, e"

"Huy, hindi ah! Hay nako, kung gusto mo, aayusan kita mamaya! Igagala kasi kita sa mall kaya sige na nga! Lalagyan kita ng make-up para maniwala ka!" Nagliwanag ang kanyang mukha sa aking sinabi.

"Gagala!? Gusto ko 'yan! Ahh!" She shrieked and jumped in glee again.

Akala ko naman excited siya sa paglalagay ko ng make-up sa kanya! Basta, mamaya ay aayusan ko siya para naman umangat ang self-esteem niya! Hindi pwedeng ako lang ang confidence dito!

"Mommy?" I smiled and kissed Bella's forehead when she woke up.

Mga limang minuto na akong tumabi sa kanya at yumakap habang siya ay mahimbing pang natutulog. Alas otso na ng umaga at napaidlip na rin ako kanina, si Cora naman ay iniwan ko munang natutulog pa sa aking silid para puntahan si Bella dito.

Sweet Escape ( Constellation Series #2 )Where stories live. Discover now