Chapter 2

252K 9K 1.5K
                                    


Mabilis lumipas ang araw at August 1 na ng gabi, mamayang madaling araw na yun.

Hindi ko alam kung bakit pero laging sumasagi sa isip ko yung sulat na yun. Haaaaaaayy Totoo nga kaya? Sabagay, totoo man o hindi di naman ako magpupunta doon.

At may isa pang gumuguloo sa akin, na wiwirdohan na kasi ako sa sarili ko. Nitong mga nakaraang araw kasi, I feel hot... Di yung hot na sexy ah! Yung mainit. Pakiramdam ko kasi sobrang init kahit na August na at madalas bumagyo.

Ngayon nga nandito parin ako sa cr at nagbababad sa malamig na tubig. Ang init talaga.

"Ate Flame? Anyare sayo, kanina ka pa jan ah. Ok ka lang?"-trix
"Oo ok lang ako, palabas na rin"

Umahon na rin ako sa bathtub at nag bihis, dumiretso na rin ako sa kwarto ko kasi tapos na naman ako sa mga gawain ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko napatingin ako sa maliit na relo sa dingding.

10:30

Malapit na mag 12...

"Ayyyyyy ano ba Flame, kalimutan mo na nga yun!" Bulong ko sa sarili ko

*toktoktok*

Pagbukas ko ng pinto, nakita ko nakatayo doon si

"Uncle..."
"Flame, pwede ba akong pumasok?" Tanong nya
"Ah s-sige po" tugon ko at pinapasok ko na sya

Nakakapagtaka, di naman ako madalas kausapin ni Uncle pero ngayon gabing gabi na at pinuntahan nya pa ako dito.

"Ano pong kailangan nyo Uncle?"
"Wala naman iha, gusto lang kitang maka kwentuhan"

May mali, alam ko may mali talaga. Kakaiba si Uncle ngayon. At yung paraan ng pagtingin nya sa akin, kakaiba rin. Kanina nga pagka kita nya palang sa akin sa pintuan tiningnan nya na ako mula ulo hangang paa. Weird lang

"G-ganun po ba"
"Ilang taon ka na ba Flame?"
"15, bakit po?"

"Wala lang, dalaga ka na talaga at lumalaki kang napakaganda" sabay ngiti nya ng SOBRANG nakakakilabot!

"S-salamat po pero gabi na po kasi at inaantok na ako, pwede po bang bukas nalang tayo mag usap ulit?"

"Ano? Kakapasok ko lang, paaalisin mo na agad ako" hinawakan or should I say hinimas nya ang braso ko

Grabe kinikilabutan na talaga ako sa ginagawa nya T.T

"G-gabi na po kasi" hinawi ko naman ang kamay nya

Di naman nya pinansin ang sinabi ko, hinawakan nya ang pisngi ko at sinubukan akong halikan pero agad ko syang itinulak.

"Ano pong ginagawa nyo Uncle?!" May bahid na ng galit ang boses ko

Ano bang nangyayari sa kanya?

"Pumayag ka na Flame. Kabayaran man lang sa pag ampon at pagpapakain ko sayo"

Sinabunutan nya ako at pilit na inihiga sa papag, pero agad ko syang itinulak ng sobrang lakas hangang sa mapa talksik sya sa dingding ng kwarto ko.
Ang lakas ko pala?O.O Adrenaline rush yata tawag dito.

"WALANGHIYA KA TALAGA FLAME! WALA KANG UTANG NA LOOB!!"

Lumapit na naman sya sa akin at pinipilit parin ako

"WAG! ANO BA?!"

Itinulak ko lang ulit sya, but this time mas malakas kaya napa upo na sya sa sahig sa sakit ng likod... Ano bang klaseng demonyo ang sumapi sa kanya?

Bigla nalang nagdilim ang paningin ko. Matapos ang ilang taong pagsisilbi ko sa kanila, oo utang na loob ko sa kanila ang pag ampon nila sakin pero hindi naman tama na ganito ang paraan nila ng pagsingil sa akin.

Mga walang kwentang tao. Walang puso.

Sa mga oras na ito mas naginit pa ko, nararamdaman ko nanaman ang mainit sensasyon sa loob ng katawan ko. Napakainit nito at pakiramdam ko sasabog ako kung hindi ko ito mailabas agad kaya naitaas ko na lang ang dalawang kamay ko patapat sa kanya.

Wala na ako sa sarili ko. Sa mga oras na ito makakapatay talaga ako dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko.

Ang mainit na sensasyon ay dumaloy papunta sa kamay ko, lumabas mula dito ang naglalagablab na Apoy. Binalot ng apoy ang buong katawan ni Uncle, nagsisisigaw sya doon dahil sa sakit at talagang naaaliw ako sa nakikita ko.

Mamamatay ka.

"ANONG GINAWA MO SA ASAWA KO?!!"

Mula sa pinto ng kwarto ko nakita kong nakatayo doon si Auntie, at gulat na gulat ang mukha nya.

"Kung anong nararapat sa kanya" mahinahong sabi ko

"WALANG HIYA KA! HALIMAW KA!!"

Sinugod nya ako at sinabunutan.

"NGAYON HINDI NA AKO MAGTATAKA KUNG BAKIT KA ITINAPON NG MGA MAGULANG MO! DAHIL ISA KANG HALIMAW!! PINATAY MO ANG ASAWA KO! AT SOGURO KAGAYA MO RIN ANG MGA MAGULANG MO! MGA WALANG KWENTANG TAO!!!"

Walang kwenta?

Itinulak ko sya hanggang sa mapasandal sya sa kabilang dingding at sinakal.

"Hindi mo kilala ang mga magulang ko kaya wala kang karapatan na laitin sila lalo na ako!"

Lapit ako sa kanya hanggang sa tenga nya at bumulong.

"Mamamatay ka" bulong ko

Matapos nun lumayo ako pero di ko parin binibitawan ang leeg nya bagkus mas hinigpitan ko pa ang pagsakal.
Mula naman sa mga kamay ko ay dumaloy ang napakainit na apoy papunta sa leeg nya na tumuloy sa katawan nya. Nang makita kong nasusunog na ang kabuuan nya binitawan ko na sya.

"MAMA! PAPA!" malakas at humahagulgol na sigaw ni Trixie

Si Trixie, umiiyak sya. Duon na ako natauhan sa mga ginawa ko, nakapatay ako. Napatay ko ang mama at papa ni Trixie at ngayon umiiyak sya. Dahi sakin.

Napansin ko naman na nasusunog na ang buong kwarto ko at kahit ako ay nadadampian na ng apoy pero ang kakaiba, hindi masakit.

Hinila ko nalang si Trixie papalabas ng bahay at hindi naman sya umangal dahil hangang ngayon ayy tulala parin sya. Nang makarating na kami sa labas mabilis nyang hinila ang kamay nya s pagkakahawak ko.

"Anong ginawa mo?" mahInang bigkas nya
"Di ko sinasadya Trixie" nangungusap na pahayag ko
"Pinatay mo sila" tumulo nanaman ang mga luha nya
"Trix---"
"Pinatay mo sila Flame! MAMAMATAY TAO KA!!" sigaw nya
"Di ko sinadya, maniwala ka di ko sinasadya" tumulo na rin ang mga luha ko
"Di mo sinadya? FLAME MAGULANG KO YON! At ngayon wala na sila! MAG ISA NALANG AKO!!"
"Nandito pa naman ak---" pinutol nya ang pagsasalita ko at ang mga suno nyang sinabi ay ang mga salitang talagang dumurog ng puso ko

"Umalis ka na Flame. Ayaw na kitang makita. Sobrang galit ako sayo" madiin sabi nya

Ang sakit, sobrang sakit. Nangako ako sa saroli ko na si Trixie ang kahulihulihang tao na sasakta ko pero, nagawa ko na.

Galit na sya sakin, wala na, wala ng nagmamahl sakin. Magisa nanaman ako.

Tumakbo nalang ako, tumakbo ng tumakbo hangang sa makakaya ko. At nagulat ako kasi, natagpuan ko nalang ang sarili ko sa bukana ng...





Town's Forrest

~~~~~

Hey guys! Kamusta? Paramdam naman kayooooooo!?
VOTE & COMMENT !!

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon