Chapter 13

161K 5.7K 1.1K
                                    


"Salvatore? Parang narinig ko na"-johanne
"Yeah, familiar"-jeanne

"VON!!!" Biglang sigaw ni Axel
"ANO?!" Asar na sigaw ni Von
"Si ano yon si ano, yung nasa ano!"-axel
"Ano ba Axel linawin mo nga"-von

"Yung pangalan kasi, nakita ko na dun sa kwarto sa palasyo na maraming mga painting ng tao. May isang painting doon na may pangalan--actualy hindi sya pangalan kasi middle name sya"-axel

"Sigurado ka? Tanda mo yung itsura?"-von
"Siguradong sigurado ako! Akala ko ba matalino ka pinsan? Bakit di mo tanda?" Pangaasar pa ni Axel "But anyway, di ko na matandaan masyado yung itsura nya eh. Pero ang alam ko katabi yon ng picture ni princess Sapphire" dagdag nya

"Pwede ba tayong pumunta sa Castle Von? Gusto kong makita yung painting na sinasabi ni Axel"-frost
"Pwede siguro, para naman sa investigation natin"-von
"So ano?"-charm
"Pupunta tayo sa Castle?" Excited na tanong ko
"Oo, let's go"-von
"As in ngayon na? Astig!"-jeanne

Naglakad na kami palabas at may kinausap lang saglit si Von at may dumating nang sasakyan namin.

"Griffin" nasabi ko

Tanda kong nakita ko sila sa libro namin ng flying creature, lion sila na may ulo, paa at pakpak ng agila.

Sumakay na kami at saka lumipad na yung 2 Griffin hilahila tong sinasakyan namin hangang sa makalabas na kami ng school. Ngayon ko lang naalalang sabihin na ang Sky pala ay binubuo ng mga floating islands, ibig sabihin magkakahiwalay sila kaya kailangan mo pang sumakay sa mga flying creature para makalipat ng isla. Ang sabi nila ang Sky Castle daw ang may pinaka malaking island, nasa sentro ito at naka palibot naman dito ang Sky Village.

Wala pang 30 minutes ay nakarating na kami sa castle. Agad kaming sinalubong ng sandamakmak ng alipin at royal guards kung tawagin nila

"Maligayang pagbabalik prince Von at prince Axel" sabay sabay na sabi nila na may kasama pang pagyuko

Napatingala naman ako sa nasa likod nilang lahat. Wow, nakakalula sa laki ang castle.

"Bakit kayo napasugod dito Axel at Von? At kasama nyo pa ang mga kaibigan nyo" sabi ng isang napakagwapong lalaki

Shems. Mala Greek God ang lalaking to, sino kaya sya?

"For investigation po, papa"-axel

O.O
"Papa?" Gulat na tanong ko

Akala ko ba walang anak yung hari? Diba magkapatid sina Von at Axel? At anak sila nung Prince Topaz na kapatid ng hari? Sabi ni Charm yun eh. Anyare?

"Oo Flame ampon ni King Garnet si Axel" bulong ni Charm
"Eh bakit sabi mo magkapatid sila ni Von?"
"Sinabi ko yun?"-charm
"Ayy ewan sayo" sabi ko nalang

"Investigation? Oh the lost students. But, why here?"-king
"May titingnan lang po kaming painting Uncle"-von
"Ok, sige hindi na ako makikialam but who is she?" Sabay tingin nya sakin
"Ah si Flame po pala, new student"-axel

"Hello po" sabi ko sabay yuko
"Ikaw si Sapphire Flame Forrester? It's so nice to finally meet you" sabay lahad nya ng kamay na agad ko namang tinanggap
"The pleasure is mine your majesty " sagot
"Haha too formal, saan mo natutunan yan iha?"-king

Saan ko nga ba natutunan yon?

"But well, I gotta go" pagpapaalam nya saamin
"Oh payakap nga 'nak, more than a month din tayong di nagkita" tsaka nya niyakap si Axel na ginantihan naman nito
"Sige una na ako" sabi ni king at umalis na

Bakit ganon. Bigla akong nakaramdam ng ... Inggit? Di ko kasi naranasang yakapin ng magulang.

"Ang sweet talaga sayo ng papa mo Axel, hmmp bigla ko tuloy naalala si Papa"-charm
"Yeah and I'm so lucky because of that"-axel

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon