Chapter 20

158K 5.9K 2.4K
                                    


Flame's POV

Parang kanina lang ay buo pa kami, masaya pa kaming nagkukwentuhan, nagtatawanan. Pero ngayon, ni isang ngiti ay wala kang masisilayan sa amin. Nandito kami ngayon sa malawak na hardin ng kastilyo, narito kami at naghihintay kung ano ang magiging desisyon ng hari. Kausap nya ngayon ang iba pang nakatataas sa kaharian at eskwelahan ng Sky. Ang sabi nila may limang tagapag payo ang hari at tatlo naman ang head teacher ng school.

"Bakit kaya nila kinuha si Axel at Von? Sana naman ay ligtas sila"-charm

Katabi ko ngayon si Charm at wala paring tigil ang dalaga sa kaiiyak, pinatatahan ko sya pero maya maya lang ay tutulo nanaman ang luha nya. Alam ko naman na sa aming lahat sya ang pinaka nagaalala sa dalawa lalo na kay Axel, kahit ako ay naluluha na rin pero pinipigilan ko dahil di naman makakatulong sa sitwasyon.

"Don't worry Charm, ligtas sila. Kahit butas ng karayom ay kayang kaya nilang lusutan lalo na't magkasama sila, yun pa alam mo namang sagana sa kalokohan yung dalawang yon"-jeanne
"Oo nga, nakalimutan mo na ba nung ikinulong sila sa kwarto nila dahil sa kakulitan? Diba nakatakas parin sila!"-sky
"Tandang tanda ko yun dahil binutas pa nila yung kisame para makalabas, ang titigas talaga ng ulo"-johanne
"Yeah, at grabeng sermon ang natanggap nila sa hari" sabi ni Charm na sa wakas ay tumahan na

"See, wala kang dapat ipag alala kaya nila yon"
"Sana nga Flame, sana nga"-charm

Natigil ang pag uusap namin dahil sa pagdating ng hari, nasa likuran nya sina Sir Dylan, sir Sheen at Ma'am Rein, ang head teachers ng school.

"Magandang gabi po mahal na hari, maam at sir" magalang na bati ni johanne pero isang tango lang ang itinugon ng mga ito

"Napagdesisyunan na kung ano ang gagawin nating hakbang tungkol sa pagkawala ng dalawang prinsipe"-king Topaz

"Mangyayari na po ba ang digmaan?"-frost

"Hindi Mr. Nightwalker, walang mangyayaring digmaan... sa ngayon"-sir Dylan
"Kung ganon paano po natin ililigtas ang dalawang prinsipe?"-sky
"May pupunta sa kaharian ng Underworld at palihim nilang itatakas si Von at Axel"-king Topaz
"At sino naman po ang pupunta?"-johane
"Oh-em-gee ... Don't tell me---"-jeanne

"Oo Ms. Havens, kayong anim ang pupunta"-king Topaz
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Say WHAT?? O.O
.
.
.
.
.

"Pero sir kaya po ba namin yon?!"-charm
"Small missions palang po ang ibinibigay nyo sa amin before, ni hindi pa nga po kami nakakapunta sa Underworld King Topaz"-sky

"Alam namin yon kaya nga bago kayo pumunta doon ay sa Edulas muna kayo pupunta, may susunduin kayong apat na tao sa kaharian nila na makakatulong sa inyo ng malaki para maitakas nyo sina Von at Axel. Kailangan kayong pumunta ng tahimik sa Underworld, nakalulungkot man pero hindi pa tayo handa para sa digmaan"-king Topaz

"Pero bakit hindi nalang po sina Sir Dylan? Sila ang head ng school natin, mas malakas po sila" nagtatakang tanong ko
"Hindi yon pwede Ms. Forrester, abala kami sa pagbabantay ng School. Hindi na kasi pwedeng may mawala o may makapasok nanaman"-sir Sheen
"Isa pa tiwala naman kami na kaya nyo yon"-ma'am Rein

"Kaya namin, gagawin namin ang lahat para mailigtas sila"-frost
"Umaasa kaming makakaya nyo, bukas na bukas din ng madaling araw ay maglalakbay na kayo papuntang Edulas. Hindi pumayag ang hari nila na dumiretso ang sasakyan nyo sa kaharian kaya ibababa nalang kayo malapit sa bayan nila"-sir Dylan

"You mean, maglalakad po kami?"-jeanne
"Ganon na nga"-ma'am Rein

"Be ready, magpahinga na kayo dahil magiging mahaba ang mga susunod ninyong mga araw" yan na ang huling sinabi nga hari bago sya umalis

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon