Chapter 4

220K 9.1K 1.7K
                                    


Pagkapasok ko sa kwarto may nakita ako na babaeng nakahiga sa kama na katapat ng isa pang kama na walang laman. Hindi ko nalang pinansin yung babae at dumiretso na dun sa katapat nyang kama, tinangal ko yung soot kong jacket at nahiga.

Grabe lang, napakadaming nangyari ngayong araw na to. Nakakapagod

  =_=! z Z z Z z Z z

Nagising naman ako dahil sa tama ng araw sa mukha ko. Tss inaantok pa ako

-.-
-.o
o.-
O.o

" WAAAAAAAAAAAAAHHHH !! " napasigaw lang ako ng sobra dahil sa babaeng nasa harap ko

Kaw ba naman paggising mo may babaeng nasa harap mo na napakalapit ng mukha sa yo at kung makatitig wagas? =.=!

"S-sino ka?" Tanong ko sa kanya. Ay teka, ito yata yung tulog na babaeng nadatnan ko kagabi?

"I'm Charm!!" Todo ngiting sagot nya, di halatang masaya sya noh
"You're so pretty naman! *Q*" dagdag nya

Ok? Dapat ba kong mag thank-you sa kanya? Haist ang weird naman nito

"Ah hehe" awkward naman nito. Nakatitig parin kasi sya sakin

"Ikaw si Sapphire Flame diba? Ang cute ng mata mo grabe!!" Manghang mangha talaga sya noh
"Paano mo ko nakilala?" Takang tanong ko

"Room mate kaya kita! At isa pa last school year ka pa napapabalita dito na magtatransfer ka nga this school year"

Naguluhan naman ako sa sinabi nya? Eh, napabalita daw ako meaning, marami ng nakakakilala sa akin?

"Bakit naman ako napabalita?"
"Syempre kakatransfer mo palang nandito ka na agad sa floor na to? Natural paguusapan ka"

"Bakit? Ano bang meron sa floor na to?" Curious na tanong ko. Kaya lang para naman syang nabigla sa tanong ko, yung mata nya kasi nanlalaki

"Seryoso di mo alam? O.O"
"Oo?"
"Waaaahh KUNG GANON WALA KA PANG ALAM SA MUNDO NA TO? KAHIT KONTI LANG??!"
"Teka wag ka nga sumigaw" awat ko, ang oa naman kasi magreact nito
"KAILANGAN YUN PARA INTENSE! "

=_= Ok confirm baliw sya

"Haist oo nga wala akong alam! Walang wala kahit ano tungkol sa mundong to" saad ko
"Hmp! Kung ganon dapat pala kita bigyan ng kaunting history lesson" sabi nya na nakatayo na sa harap ko at nakapamewang pa

"Ok! Here it goes. Ang mundong ito ay tinatawag na Magic world, ang mundo kung saan ang lahat ng tao ay may hawak na iba't ibang klaseng mahika. Ang mundong ito ay may tatlong parte, na kung tawagin sa normal world ay bansa"

"Ang una ay ang lugar kung nasaan ka, tinatawag itong SKY. And as you can see, Sky ang pangalan nito cause it is literally in sky hehe. Pero ang sabi naging ganito daw ang pangalan nito to give way sa kaunaunahang Lider ng bansa, si Sky Gemstone " patuloy nya

"Gemstone ?" takang tanong ko
"Oo ang mga Gemstone ang Royal family, pamilya nila ang namumuno sa buong Sky simula noon at hangang ngayon"

"Royal family? You mean may castle dito?"
"Yes ofcourse! Ang namumuno ngayon ay si King Topaz, walang queen kasi wala pa syang asawa. Pero merong dalawang prince, sina prince Von at Axel, anak sila ng namatay na kapatid ni King Topaz, si Prince Garnet. At may isa pang kapatod ang hari, si Princess Sapphire, kaya lang patay na rin sya" mahabang kwento nya

King Topaz, namatayan sya ng dalawang kapatid. Kawawa naman.

"Bakit namatay yung dalawang kapatid ng King?" Takang tanong ko
"Well, 16 years ago kasi nagkaroon ng digmaan na pinamunuan ng tatlong magkakapatid. Sa digmaang yun namatay ang dalawa sa kanila."
"Buti nalang nakaligtas yung King"
"Oo nga eh"

"Punta naman tayo sa natitirang dalawa!"

"Unahin ko na ang Edulas, doon naninirahan ang mga half human and half animal. Mejo kakaiba yung itsura nila pero karamihan naman daw doon ay mababaet. Sila rin ang pinaka magaling sa pakikipag laban gamit ang katawan at lakas nila. Pero kahit ganun, ilag parin sila sa pakikipag laban. Mas gusto nila ang peace kaya nga nung nagkaroon ng digmaan 16 years ago, di sila tumulong" patuloy nya

"Paanong half animal? Yun bang, half horse half tao ganun?" Tanong ko
"Exactly! Sila nga pala ay taga doon sa ibaba"
"Ibaba?"
"Oo, sa lupa. Ang pangalan pala ng leader nila ay si King Leonel, half human and half lion sya"
"Ahh, oh yung panghuli na" nagmamadaling sabi ko, kasi naman gutom na ko=_=

Nung magkekwento na sya parang mejo natigilan muna sya at nag isip. Anong nangyari dito?

"Yung panghuli, sila yung pinaka masama. Sila ang dahilan kung bakit nagkaroon ng digmaan dati, gusto kasi nila sila yung mamuno sa buong magic world" pagalit na sabi nya "At hindi lang yan, black magic pa ang gamit nila. Ang pinaka pinagbabawal na uri ng magic"

Wow ah, with feelings? May pinagdadaanan?
Pero grabe talaga yung mga masasamang yan, nasa ibang mundo na nga ako meron parin.

"Kung ganon, sila ang dahilan kung bakit namatay ang dalawang kapatid ng king" mahinang sabi ko
"Oo, kasama yung papa ko" tapos ay ngumiti sya ng mapait "Kasama kasi si papa sa pinakamalalakas nung panahon nya kaya tumulong sya" patuloy nya
"Ok lang yan, atleast diba nakatulong sya sa iba. Naipanalo naman nila yung laban kaya nga maayos na ulit dito diba?" Sabi ko

Ngumiti naman sya, pero iba parin, hindi kagaya ng kaninang ngiti nya "Hindi pa tapos ang digmaan Flame, napatay man nila ang Dark King pero buhay parin ang Dark Prince until now"

"Paano yon? Edi pwede pang magkaroon ulit ng digmaan?" Tanong ko
"Oo" at ngumiti nanaman sya "Pero wag kang magalala, kung mangyari man yun handa na tayo"
"Handa? Paanong handa?"


"Hindi mo ba alam Flame? Itong Academy na to ay hindi lang basta School of Magic. School din ito na nagtuturo sa mga students sa pakikipag laban gamit ang sari sariling magic para sa nalalapit na digmaan"

~•~•~•~•~

Oh digmaan daw. Ready na ba kayo? xD
Vote and Comment ho pag may time=] ~~

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon