The Other Side

116K 2.7K 41
                                    

Ang part po na ito ay ang history, binago ko po kasi ng konti 'yung sa Chapter 15 entitled The Other Side. Para po hindi na kayo mag back read gumawa na'lang ako ng bagong Chapter. Pero pwede ring hindi niyo na 'to basahin dahil wala naman siyang epekto sa storya. =]








The Other Side
Yna Forrester

Ano ba ang alam nila? Ang tanging alam lang naman nila ay kami ang masama, akala nila kami ang nag umpisa ng lahat, akala nila kami ang mga sakim.
Ang hindi nila alam, kami ang biktima rito, ipinagtanggol lang naman namin ang aming mga sarili. Wala kaming ibang pagpipilian kun'di ang lumaban, dahil kung hindi... kami ang mapapasailalim sa kanila.

Noong kapanahunan nina King Sky, King Leonel at King Neon, mapayapa pa ang lahat. Matalik na magkakaibigan sina King Sky ng Sky at King Neon ng Underworld samantalang nanatiling tahimik naman si Si King Leonel ng Edulas.
Hanggang sa paglipas ng panahon ay nagkaroon na ng sari sariling pamilya at mga anak ang dalawa, si King Sky na may tatlong lalaking anak; sina Prince Zeus, Prince Hades at Prince Poseidon, samantalang si King Neon naman ay may isang lalaking anak; si Prince Light. Dahil sa pagkakaibigan ng dalawang hari ay nagkaroon na rin ng ugnayan sa pagitan ng mga batang prinsipe.

Naging matalik ding magkaibigan ang apat na prinsipe na nadag-dagan pa ng dalawang batang babae na nagngangalang Diamond at Yna, at dito nagumpisang gumulo ang lahat.

Naunang mahalin ni Zeus si Diamond pero hindi niya ito magawang ipagtapat sa dalaga dahil, minahal na rin ng kaniyang itinuturing na pinaka matalik na kaibigang si Light si Diamond. Sa takot na masira ang kanilang pagkakaibigan ay nagpaubaya na lamang ang Prinsipe.

Ngunit mapaglaro nga talaga ang tadhana, nagtapat si Diamond na si Zeus talaga ang nilalaman ng kaniyang puso. Sa galit ni Light at sa pag aakala na rin na niloko siya ng itinuring niyang kaibigan ay sinugod niya si Zeus.

Ang alam ng lahat ay si Light ang pumatay kay Zeus pero ang totoo, isa itong malaking pagkakamali. Napagbintangan lamang si Light dahil ang pumatay kay Zeus ay walang iba kun'di si Hades, ang kaniyang kapatid.

May lihim na galit at inggit ang Prinsipe sa kaniyang kapatid kaya't ng malaman niya na kokomprontahin ni Light si Zeus ay ginamit niya ang pagkakataong ito upang patayin si Zeus at isisi ang lahat kay Light. Nalaman ni Poseidon ang plano ng kapatid kaya't tinangka niya itong pigilan ngunit maging siya ay pinatay din ng sakim niyang kapatid.

Sinabi ni Prince Hades sa kaniyang amang hari ang mga maling impormasyon na pinatay ni Prince Light ang dalawa niyang kapatid.

Sa galit ay nagpasimula ng digmaan ang ama nina Zeus dahil na rin sa pag-uudyok ni Hades.

Doon na natapos ang pagkakaibigan ng anim, gayon din ng dalawang kaharian. Sa huli'y hinirang na bagong hari ng Sky si Prince Hades at ikinasal kay Diamond. Di nagtagal, si Prince Light naman ay hinirang ding hari at pinakasalan si Yna.

Nang dahil sa kasakiman ng isa ay nagulo ang kaayusan ng mundong ito. Nasira ang pagkakaibigan at pagkakapatiran.

Hindi pa'rin natatapos ang digmaan, pero naniniwala ako na may darating na mga taong aayos sa gulo ng dalawang kaharian.

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon