Chapter 39

111K 4.3K 626
                                    

"Flame!" Sigaw ni Sky

I slashed my sword sa ulo ng kaharap ko, isa syang taong nagmula sa Underworld. Yes, hindi nalang dark creatures ang kalaban namin, nandito na rin ang mga wizards and magicians from the Underworld . Marami nang nandito but I can say na wala pa yung mga Superior nila, mga underlings lang sila ni Dark. Bumagsak na yung kalaban ko kaya nabalingan ko na ng tingin si Sky na papalapit na sa akin.

"Anong problema, Sky?"
"Problema? Malaki. Masyado na silang marami Flame, mahihina sila pero sobrang dami na nila. Ano ng gagawin natin? Unti unti na tayong nauubos!"-sky

I roamed my eyes around the place. Napakadami nga nila and take note, wala pa sina Dark, Ice at yung ibang Superiors like Bliz. Napahilamos nalang ako ng mukha out of frustration. Wala na kaming mhihingan ng tulong. Nandito na ang lahat ng mandirigma sa palasyo, pati mga studyante at mga teachers, kahit yung mythical Guardian at light creatures nandito na rin at lumalaban kasama namin but still, we're outnumbered.

"Just keep on fighting! Magagawa natin to" determined na sabi ko

Keep on fighting. Right, wala naman kaming choice.
Babalik na sana ako sa pakikipaglaban ng biglang sumigaw si Sky... and the next thing I knew. Yakap yakap na nya ako at umuusok ang likod nya, sira na din yung damit nya. Shit! What happened?

"Sky? A-anong nangyari?" Hinawakan ko ang dalawang balikat nya ng maramdaman kong pabagsak na sya kaya't pati ako ay napaluhod na rin

Tiningnan ko ang likod nya at nagdurugo ito na para bang nasunog, umuusok rin ito. Tiningnan ko kung sinong pangahas ang may gawa nun at nakita ko sa bandang likod namin ang isang babae na naka itim at may hawak na itim na wand. Natatandaan ko sya, sya ang dark witch na dumukot kayna Axel noon. Nakaturo pa sa direksyon namin ang wand nya habang sya ay nakangiti pa.

"Arghh sakit" ungol ni Sky
"Sky? Sandali tatawagin ko si Chill" I reached for Chill's mind using my telekinetic ability at sinabing pumunta sya agad dito para maheel nya si Sky

"Ohhh kawawa naman sya" pangaasar ng mangkukulam na to
"Ikaw, napakasama mo!" Asar na sabi ko sa kanya
"I'll take that as a compliment"

"Sandali lang Sky, papatayin ko lang tong mangkukulam na to" paalam ko at saka sya ibinaba ng dahan dahan

Pinulot ko ang espada ko na nalaglag kanina at pinaapoy ito.

"Magbabayad ka!" Sigaw ko at saka sya sinugod

Kaagad naman nyang binago ang anyo ng wand nya na naging espada at saka kami naglaban.
I swung my sword at sa kada Galaw nito ay lumilikha ng apoy na tumatama sa mangkukulam.

"Ahhhhh" napasigaw sya dahil nagawa ko syang tamaan sa braso ng dapat ay sasaksakin nya ako dibdib. Nagawa ko ring ihagis palayo sa kanya ang espada nya kaya wala na syang armas ngayon. Sinipa ko sya sa tyan kaya't nakahiga na sya sa lupa saka ko inilapit sa may leeg nya ang dulo ng aking espada.

"N-no, please don't do this" makaawa nya
"Don't do what?" Nakangising sabi ko
"H-hindi ko naman to gusto, hindi ko naman gustong manakit ng iba at kumampi sa Underworld. Na-napilitan lang ako. Please, mahal na Prinsesa. Iligtas mo ako sa kanila" makaawa nya

Napakunot ang noo ko at medyo napaatras dahil sa mga sinabi nga. She looks sincere. Nagsasabi ba sya ng totoo? Pero kalaban ko sya.

"Please, Princess . Huwag mo akong patayin. Iligtas mo ako" napatitig ako sa mga mata nya at sa kanang kamay nya na umaabot sa akin. Wala sa sariling ibinaba ko ang espada ko at tinanggap ang kamay nya upang tulungan sya na makatayo. Mukha naman syang sinsero sa paghingi ng tulong, baka napipilitan lang talaga sya?

Nang mahawakan ko na ang kamay nya ay may naramdaman akong parang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa akin kaya babawiin ko na sana ang kamay ko pero ang higpit ng hawak nya sa akin.

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon