Chapter 3

263K 9.3K 1.6K
                                    


Ang Town's Forrest. Sabi sa sulat dito ako magpunta pero, wala namang kahit ano dito. Madilim, malamig at higit sa lahat walang kahit sino dito, puro puno lang. Haaaaay bakit ba dito ako napatakbo? Bumalik nalang kaya ako? Pero hindi pwede.....

Si Trixie kasi galit na galit sa akin.

Napaupo nalang ako sa lupa at unti unti nanamang dumaloy ang mga luha ko. Paano na ako nito? Wala na akong mapupuntahan.

Mag isa na naman ako

Hindi naman ako pwedeng pumunta sa bayan kasi for sure kalat na dun yung ginawa ko, baka ipahuli nila ako sa mga pulis.

Naiyak lang ako ng naiyak ng biglang may isang napakalakas na liwanag ang sumilaw sa akin mula sa harap ko, kasabay nito ang paghinto sa harap ko ng isang...

"Tren?"

*TSUGTSUG*
[Sound effect ng train yan, wag na umangal=_=]

"Oh ija! Halina't pumasok ka na sa loob! Magdadatingan na rin ang iba pang studyante" sabi ng isang lalaking matangkad na ngiting ngiti

"P-po?"

Bakit naman ako pinapapasok nito? 'Studyante..' Sandali, di kaya . . .

"Dito ka sasakay para maka punta sa Sky Academy ija, tara na malamig jan" hinila nya na ako papasok dun sa train

Yung train na yun mukhang luma pero maganda, alam nyo yung sa mga movies? Ganun eh. Pagkapasok naman sa loob maluwag naman, malaki. Pinaupo nya ako sa unahan ng train.

"Akala ko po hindi totoo yung sulat" biglang sabi ko
"Bakit mo naman nasabi yan?" Gulat na tanong nya
"Parang ang magic po kasi . . ."
"Hindi totoo?" Putol nya sa sinabi ko
"Opo" mahinang sagot ko

Naupo sya sa tabi ko at nakangiting humarap sa akin.

"Napakalaki ng mundo, maraming bagay tungkol dito ang hindi pa natutuklasan. Gaya ng mahika, napaka konti palang ng mga taong nakaka alam nito. Kung ikukumpara sa populasyon ng normal na mundo, napaka kaunti palamang ng ating populasyon" mahabang paliwanag nya

Tama sya. Napangiti ako. Parang gusto ko na tuloy marating agad ang mundong sinasabi nya, magical world:)

"Sandali lang ahh, may kukuhanin lang ako"

Naglakad na sya at pumasok sa isang pinto doon. Ilang saglit lang ay bumalik na rin sya na may, jacket?

"Eto ija isuot mo at mejo malamig sa pupuntahan natin"
"Salamat po"

Kinuha ko na yun at sinuot, ngayon ko lang napansin na naka sleeveless pala ako. Buti nalang lagpas tuhod tong shorts ko-.-

"Oh sige pupunta na ako sa harap ng train para papasukin ang mga students"
"Sige po salamat po ulit" sabi ko ng nakangiti

Pero bago sya umalis lumingon pa sya sa akin at nag iwan ng huling mga salita na parang.... Ang gulo?

"Basta Flame tandaan mo, anuman ang matuklasan mo sa mga darating na araw sa loob ng Academy ay pilitin mong intindihin at unawain bago mo pairalin ang iyong galit. Ang magiging desisyon mo ay lubos na mahalaga"

And with that he leave me here. . . CONFUSED!!

After some more minutes nag announce na si manong na aalis na kami, si manong yung lalaking nagpagulo ng utak ko=.= pero bago yun may narinig pa akong sumigaw mula sa labas.

"SANDALI!!!"

Binuksan ni manong yung pinto at pumasok dun ang isang lalaki na parang bagong gising lang.

"Late ka nanaman Frost haha" sabi ni manong
"Tss sino ba kasi may sabi na madaling araw ischedule ang alis nito" naguunat na sabi nung lalaki

Di manlang nag po, walang galang.

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon