Chapter 21.2

127K 5K 554
                                    


Naputol po kasi yung chapter 21 kaya ito..

~•~•~•~•~•~

Oo nga pala Phire, ilang taon ka na? I ask out of curiosity, kung makapag salita kasi ito parang matanda pero if I know, ilang months palang sya.

16, pero kung kasama yung past life ko.. I think a hundred? I lost count.

Past life? What do you mean?

Ang mga Guardian kasi ay nabubuhay kasabay ng master nila, meaning magkapareho tayo ng birth date at namamatay rin kami sa oras na mawala na ang master namin, we are somehow connected to each other. And by the time na mamatay kami ay maghahanap na ang kaluluwa namin ng bagong master na nababagay sa amin, it takes time para makahanap ng panibagong master.

Oh ganun ba? Eh yung itsura mo, ganyan na ba yan dati pa? I mean, namamatay ka diba? Paano yung katawan mo?

Minsan nagiiba batay sa personality ng master ko, pero yung powers ko ganon din.

Ahh edi marami ka ng naging master? Hundreds of years ka na eh.

Hindi, pangatlo ka palang.

Huh? Bakit?

Mahirap maghanap ng nababagay sa akin.

Ganon? Sino yung dalawang naging master mo? Tsaka anong form mo dati?

Hindi ko pwedeng sabihin kung sino sila, bawal kasi. Pero malalakas sila, first and second form ko is a Dragon. Ngayon lang naiba.

Malalakas sila? Pero bakot naman kaya ako ang isinunod nyang master? Hindi naman ako malakas. Weird.

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad habang itong guardian ko ay tulog na naman. Ilang taon ba sya di natulog? Napaka antukin nya talaga. Pero cute.

After soooooooooooo many hours of walking, eto naglalakad parin kami=___= Grabe gaano pa ba katagal kami maglalakad? Yung pagod ko abot langit na!

Master? Do you want me to carry you? You look tired. Nagulat nalang ako sa biglang pagsasalita niyo bitbit ko

Carry me? Kaya mo ba ako? Ang liit mo kaya.

Kaya ko namang lumaki kagaya nung kanina.

Tumalon si Phire mula sa pagkakabuhat ko at ayun... Nagtransform na sya

"RAAAAAAAAAAWWWRR!!" Malakas na sigaw nya

Sakay na, master.
Sure ka?
Yes.

"Oh my, bakit sya lumaki Flame? Galit ba?" shock na shock na tanong ni Charm
"Hindi Charm, medyo pagod na kasi akong maglakad kaya pinapasakay nya ako sa likod nya"
"Ganon? Shocks bakit ba wala akong mythical guardian? Kaloka"-charm

"Pagod na pagod na ako! Kuya Johanne, buhatin mo ako!" Paghuhuramintado ni Jeanne
"What? Ang bigat mo kaya, di ka na bata noh"-johanne

"Frost, malayo pa ba?"-charm
"Malapit na"-frost
"Dyos ko kanina pa yang malapit mo eh"-charm

Master, pasakayin mo na rin kaya sila sa akin?
Kaya mo ba?
Kaya mo ba?
Yeah.

"Charm, Jeanne sumakay na rin kayong dalawa kay Phire, kaya naman daw nya"
"Really? Ayy salamat Flame, salamat Phire!"-charm

Master, she's too noisy.
Haha hayaan mo na, mabait naman yan.

"Ako hindi na! Binuhat na ako ni Johanne!" Sigaw ni Jeanne na todo smile habang naka sakay sa likod ni Johanne na nakasimangot

"Kanina kinukuya mo ako tapos ngayong buhat na kita Johanne nalang?"-johanne
"That's life hihi lakad na!!"-jeanne

Sumakay na kami ni Charm sa likod ni Phire at nag umpisa na kaming maglakad. Nauunang maglakad yung kamabal kasunod sina Johanne at huli kami.

"Waaaaaahh Flame, ang lambot naman ng balahibo ni Phire!!"-charm

Napangiti lang ako sa sinabi nya, napaka lambot naman kasi talaga ng balahibo ni Phire at parang ang sarap matulog sa kanya. Dumapo naman ang Tingin ko kay Johanne at Jeanne, ang sweet nilang magkapatid. Nakakainggit kasi hindi ko naranasan ang ganyan, pero may napansin akong kakaiba sa kanila. Bakit kaya magkaedad lang sila?

"Charm? Pwede magtanong?"
"Naman"-charm
"Bakit magkaedad si Johanne at Jeanne? Hindi naman sila kambal diba?"

"Ah iyon ba? Hindi sila kambal. Si Johanne kasi anak ng dad ni Jeanne sa ibang babae kaya halos three months lang ang tanda ni Johanne sa kapatid nya. Half siblings lang sila"

"Ganon ba. Hindi ba parang mahirap yon? Kanino nakatira si Johanne noon, sa dad o sa mom nya?"
"Namatay ang mom ni Johanne pagkapanganak sa kanya, since birth nasa dad na nya si Johanne"-charm
"Oh, kaya pala close na close silang dalawa"

"Yeah, at dati kasi nakwento nila na laging inaaway ng mga kamag anak nila si Johanne dahil na rin siguro sa pagiging anak nya sa labas, at si Jeanne ang laging nagtatanggol sa kanya kaya super close talaga sila"-charm

Nakakalungkot naman pala ang nakaraan ni Johanne, magkapareho kami kahit papaano. Ang pinagkaiba lang, sa kanya may nagtanggol ... sa akin wala.


Matapos ang ilan pang oras ng paglalakad ay may natanaw na kaming isang bayan.

"Yan na ba yung bayan ng Edulas?"-sky
"Think so"-frost

"Ohmygee! We're finally here!!"-jeanne
"Oo kaya bumaba ka na dahil ang bigat mo!"-johanne

"Waaaaaaaaaahhhh nandito na tayo!!" Sigaw ni Charm sabay talon pababa kay Phire

"Wow" tanging nasabi ko habang bumababa na rin kay Phire






~•~•~•~•~•~•~•~

Ayan okay na♥✔

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon