Chapter 32

120K 4.6K 527
                                    

"Sino ka?"

Naguguluhan ako. Sino ba sya? Sya parin ba si Frost? Pero bakit parang hindi. Bakit ganon?

Nagiba ang kulay ng mata nya, naging purong itim ito na wala ng makitang kulay puti. Ang buhok naman nya ay kulay itim na may bahid ng puti.

"Ako? Ako si Frost" sabi nya na naka evil smirk

Oo nga naman , sya parin si Frost. Impossible naman kasi na biglang naglaho si Frost at napaltan nya. Pero bakit ganun? Ibang iba talaga sya... Kulay ng mata at buhok lang naman nya ang nagbago pero pakiramdam ko ibang tao na sya..

At pamilyar ang mukha nya, parang nakita ko na sya dati...

"Hindi mo ba ako naaalala Flame? Ako ang nagdala sayo sa Underworld hindi ba?"

Sa Underworld, naaalala ko na. Sya yun, nagkamali pala ako. Akala ko ay ibang tao ang dumukot at nagdala sa akin noon sa Underworld at shape shifter lang dahil naiba ang itsura nya, pero sya parin pala yun. Anong ibig sabihin nito?

[A/n: Kung hindi nyo na matandaan yung part na dinukot si Flame at dinala sa Underworld, paki balikan nalang po yung Chapter 14]

"Frost? Anong ibig sabihin nito?"-axel
"Ganyan ba talaga kayo kahina para hindi ito maintindihan? Ako ang traydor, ako ang may gawa ng mga pagsabog, ako ang pumatay kay Nichole. At alam nyo ba? Ako rin ang kumuha sa mga nawalang students dati. Ako lahat yon"-frost

Nakita kong nagsisilayuan na yung ibang mga studyante sa amin, malamang natatakot na sila.

"A-ano? Wag mong sabihing... ikaw rin ang naging dahilan kung bakit may nakapasok na taga Underworld noong nakuha kami ni Von"-axel
"Yun ba? Oo ako nga at ako rin ang nagsabi sa kanila ng tungkol sa pagpunta natin doon para iligtas kayo"-frost

"Paano mo nagawa sa amin to? Paano mo kami nagawang lokohin?"-Jeanne
"Sabihin mo, ginamitan ka rin ba nila nung technology nila? Yung tipong wala kang magagawang iba kundi ang sundn sila? Siguro ganun diba? Kasi hindi mo kami magagawang lokohin"-sky

"Technology? Hah! Bakit naman ako magpapakabit ng ganon?"-frost

"Ikaw. Kasalanan mo kung bakit namatay si Von" naluluhang sabi ni Axel
"Hah! Masyado kasi syang maraming nalalaman. Gusto nya lahat ng bagay alam nya, kaya nga natuklasan nya rin ang tungkol sa katauhan kong ito. In fact, dapat talaga sasabihin na nya sa inyo doon sa ospital"-frost

Paano nya nagawa yun? Sobrang pinagkatiwalaan ko sya.. namin. Pero niloko nya kami at pinaniwala sa kasinungalingan nya. Pero bakit ganun.... hindi ko magawang magalit sa kanya sa kabila ng mga nangyari. Ano bang problema sa akin?

Siguro dahil s katotohanan na dito sa puso ko, umaasa parin ako na hindi sya ang taong ito. Na hindi nya kami niloko. Sana nga...

Sa gitna ng paguusap namin ay may mga di inaasahang tao ang dumating, ang hari, sina sir Dylan at isang hindi ko kilala babae.

"Oh nandito na pala ang mga pinakahihintay kong panauhin"-frost

"Axel, palabasin nyo lahat ng mga studyante" utos ni King Topaz

Sinunod namin sya at pinakiusapan ang mga tao na lumabas na muna. Nang mapalabas na namin ang mga tao ay agad kaming bumalik sa kanila.

"Kung ganon ay totoo nga talaga ang alamat, nagbalik ka... Ice" wika ng magandang babae

Ice? Sino naman si Ice?

"Oo, nagbalik ako. At sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin kong magtatagumpay na ako. At wag mo akong tawaging Ice dahil ako na si Frost, Frost Nightwalker..."-frost

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon