Chapter 40

119K 4.4K 363
                                    


Tulong? Pinabayaan? Anong sinasabi nya? Di ko maalalang nagkakilala na kami noon at nanghingi sya ng tulong, at kung nanghingi man sya noon ng tulong edi tinulungan ko sya. Di ko maalalang pinabayaan ko sya.

"Anong sinasabi mo jan?" Takang tanong ni Axel
"Hindi na mahalaga yon. Ngayon mabalik tayo sa deal na sinasabi ko" sinabi nya yon sa pinakamahinahon na paraan pero yung mga mata nya... galit na galit.

"Ano namang deal? I'm sure wala lang kwenta yan" nangaasar na sabi ni Axel

"Hah! Matapos nyo itong marinig, I doubt kung masasabi mo pang wala itong kwenta" naninigurong sabi ni Dark

"Spill" simpleng sabi ko. Dami pa kasing segway

"Simple lang naman. May inilagay na bomba ang mga alagad ko sa Academy ninyo, and guess what? Sa oras na sumabog iyon ay maaabo ang buong isla ng eskwelahan nyo at magtitrigger din ito sa pagbagsak ng lahat ng floating islands ng Sky. Sounds great right? Hindi lang ang Sky ang mawawala, pati ang Edulas." Nakangising sabi nya

A-ano? Ang Academy? Maaabo? At ang lahat ng mga nakalutang na isla ay babagsak? What the hell?! Kapag nangyari yun ay siguradong mamamatay ang lahat ng mga taong sasabay sa pagbagsak ng mga isla at pati na rin sa Edulas dahil ito ang babagsakan.

"Damn! Kailangan nating mahanap ang bomba sa Academy!" Natatarantang sabi ni Axel
"Yes! Kailangan nyo yung pigilan. Kung gusto nyo sasabihin ko pa kung nasaan ang exact position ng bomba. Pero... kailangan nyo muna akong patayin" nakangiti paring sabi nya

Patayin sya? I've been dreaming of killing him since the day na pinapatay nya si Von at sinaktan nya sina Charm at Axel. Gusto ko na syang patayin simula ng malaman kong napakarami ng namatay na inosenteng mamamayan ng dahil sa utos nya. Gusto ko syang patayin. Pero bakit ganito? Parang hindi ko kaya? Kahit naman kasi anong sabihin nila ay pamilya ko parin sya, kapatid ko parin si Dark. At sobra kong pinahahalagahan ang pamilya.
Pero kung ito nalang ang paraan...

"Yun lang ba?" I said without any emotion

Mukha pa syang nagulat sa sinabi ko pero agad din syang nakabawi.

"So it's a deal. Talunin nyo ako para mailigtas nyo ang Sky at Edulas, or tatalunin ko kayo para ako na ang mamuno sa buong magic world"
"Asa dude, asa" sabi ni Axel at sinummon ang weapon nya

Tumakbo na si Axel dala ang twin guns nya.

"Axel!" Sigaw ko. Tingin nya ba matatalo nya si Dark gamit lang ang baril nya?

Hindi gumagalaw si Dark sa pwesto nya at nakayuko lang habang si Axel ay patuloy sa pagsugod nya. Kung titingnan mo talaga ngang may pag asang manalo si Axel sa lagay nila pero nakita ko. Nagiipon lang ng mahika si Dark para paglapit ni Axel ay... tsk!

Kaagad akong nagipon din ng mahika sa espada ko, itim na apoy ang gagamitin ko dahil ito ang pinaka mahusay makapangwasak.

Malapit na si Axel ng pagkabitin nya ang dalawa nyang baril kaya mas humaba ito, nakita ko rin na iniipon na duon ni Axel ang kapangyarihan nya at itinutok yun kay Dark.
Nang kalabitin ni Axel ang gatilyo ay itinaas na rin ni Dark ang kamay nya at pinalabas ang itim na mahikang kanina nya pa iniipon. Gusto nya talagang patayin si Axel.

Rinelease ko na rin ng buong lakas ang itim na apoy sa espada ko at pinatama yun sa mahika ni Dark kaya napalihis yun at sa iba tumama. Yung mahikang galing kay Axel naman ay dire diretsong tumama kay Dark pero nagawa nya paring harangin yun gamit ang mga braso nya kaya tumalsik sya ng kaunti lang.

Naglabas ng dalawang itim na katana si Dark at tumakbo paalapit sa amin. Nasa tabi ko na kasi si Axel.

"Patay. Di ako magaling sa espada" bulong ni Axel tsaka nag summon ng espada matapos nyang itabi yung guns nya

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon