Chapter 15

153K 5.3K 182
                                    

Nandito kami ngayon sa labas ng ospital ng school, dito namin dinala yung bangkay ng lalaki para maipa suri sa mga doktor dito ng malaman kung ano ba talaga ang sanhi ng pagkamatay nya.

"What happened?"-jeanne
"Wala sa planong patayin sya"-Von
"No! I swear hindi namin sya napatay"-charm
"Nagsalita pa nga sya diba?"-sky

"Hindi! Pangako wala akong sasabihin, hindi ako aamin. Wag!" Panggagaya ko sa sinabi nung lalaki bago sya mawalan ng malay "Nakakapagtaka yung mga sinabi nyang yun"

"Parang may kinakausap pero wala namang ibang tao maliban sa atin"-charm
"Multo?"-axel
"That's impossible"-von
"Eh ano yun? Naghahalucinate lang sya?"-johanne

Natahimik nanaman kaming lahat dahil doon. May kakaiba pa bukod sa sinabi nya, yung sa mata. Sigurado ako sa nakita ko, umusok yun ng konti at biglang nawala yung itim ng mata nya.

"Kids?"-sir Dylan

Si sir Dylan nga pala at si sir Sheen ang nag examine sa bangkay.

"Sir, ano pong ikinamatay nya?"-von
"Later, for now... Pwede nyo bang ipaliwanag kung paano nyo sya nahuli at ano ang mga nangyari bago sya nawala."-sir sheen

"Si Frost po talaga ang nakaisip ng lahat, sya rin ang nagplano"-johanne
"Nalaman nya kung sino ang susunod na makukuha at kung kailan sya mawawala"-jeanne
"At paano mo naman yun nalaman Frost?"-sir Dylan

"Pattern, may pattern ang oras at araw ng pagkawala nila, pati ang kapangyarihang hawak nila. Psychokinetic, physical strength at thunder, ang tatlong yun ay nagiging malakas talaga kapag pinag samasama"-frost

"Nalaman ko rin na yung mga unang nawala ay ang mga may pinakamatataas na lebel ng mahika sa kanilang uri-pero syempre maliban sa atin- kaya inalam ko rin kung anong mga mahika pa ang nagiging malakas kapag pinagsama at ang lumabas ay ang mga may hawak ng ice creation magic at controling magic. May tatlong iba pa na may hawak ng ice creation magic, yung isa mahina, yung isa medyo pero may isa na malakas; Si Troy kaya isinama ko sya sa mga kailangang sundan. Samantalang dalawa lang ang may controling magic dito, ang magkapatid na Lyric at Chord, mas malakas si Chord dahil na rin bata pa si Lyric. Imposibleng mawala si Troy dahil ..... Boyfriend sya ni Flame, baka naisip nung taga edulas na mahihirapan syang makuha kaagad. Nalaman kong si Chord ang mawawala dahil palagi akong nakakakita ng hayop sa kung nasaan man sya, dagdag pa na nawala si Lyric kahapon"-frost

"Anong connect ng hayop?"-sir Dylan
"They are from Edulas, kakaiba ang energy na nanggagaling sa kanila kaya madali ko yung nalaman"-frost

"Ang hirap kayang makasagap ng energies" bulong ni Charm sa akin

"About naman sa oras madali lang, every twelve hours may nawawala at matapos ang dalawang araw babalik. Nakabalik na silang lahat kaya ibig sabihin, kukuha na ulit ng bago"-frost

"Nasabi na nya ang amin, eh sa inyo? Anong ikinamatay nya?"-von

Nagtinginan muna sila bago nagsalita si Sir Sheen "Follow us"

Pagkapasok namin nandoon ang katawan nya, at nandoon din pala si Maam Rein na inooperahan at tinatanggal ang mata nya.

"Kamusta Rein? Natangal na?"-sir Dylan

Itinaas naman ni ma'am Rein yung mata, pero kakaiba kasi parang matigas at may wire na nakakabit? Ang alam ko dapat malambot yun diba? Kasi internal organ yun?

"Oo, see?" At itinaas pa yung mata "Ngayon sigurado na ako, technology nila to. Galing talaga ng pagkakagawa nito, mahirap malaman kung sino ang meron"

"Ok, ano yan?"-von
"Isang klase ng technology na mahirap intindihin, Dylan bakit sila nandito?"-ma'am
"Silang nakahuli, dapat nilang malaman. Ipaliwang mo"-sir Dylan

"Gaya ng sabi ko, mahirap tong intindihin. Ilang beses na namin sinubukang gayahin pero palaging palpak. Gamit ito makikita ng manipulator ang lahat ng ginagawa ng pagkakabitan nito, maaari din syang magbigay ng utos kung gugustuhin nya"-ma'am
"You mean, biktima lang itong ibon na to?"-axel
"Yes, definitely"-ma'am
"Paano nila nagagawang ikabit yan? At sinong matinong tao ang gagawa ng technology na ganyan?"-charm
"Underworld"-sir sheen
"Napakasama talaga nila, gumagamit pa sila ng ibang tao para sundin ang utos nila"-jeanne
"Tingin nyo nilagyan nila ng ganyan ang mga nawalang studyante?"-von
"Hindi, sinuri na namin sila. Walang bakas ng ganito"-sir sheen

"Yan ba yung pumatay sa kanya? Paano?"-sky
"Oo ito nga, sa utos ng manipulator pinapasabog nito ang utak nila isang maling galaw lang."-ma'am
"Kaya pala wala silang ibang choice kundi ang sumunod, kasi mamamatay sila kung hindi"-sky
"Di kaya meron na rin ng ganon dito sa loob? I mean, pwede nilang kabitan ang kahit na sino dito"-ako

"Hindi namin alam, mahirap alamin. Advance ang technology nila kagaya ng atin, at patuloy pang umuunlad"-sir Dylan
"Kung ganon dapat nating alamin"-frost

"Hindi, marami na kayong nalalaman. Tapos na ito"-ma'am
"Ngayon alam nyo na ang tungkol sa teknolohiyang iyon, sapat na siguro? You all did a great job, special 8, lalo ka na Frost. Tapos na ito"-sir dylan

"Tapos? Alam kong alam mong hindi pa ito tapos sir, marami pang bagay ang nasa likod ng kasong ito. Ito palang ang umpisa" Matapos kong sabihin yon ay tinahak ko na ang daan pabalik ng dorm

Alam ko, at sigurado ako.... marami pang mangyayari. This is not yet the end, this is just the beginning.

—————

Nandito na ako sa dorm ko papuntang kwarto, malamang para matulog. Alas sais na pero wala pa si Charm, ok maaga pa naman kasi. Wala, gusto ko lang magpahinga ng maaga. Pagod ang utak ko, oo pati utak napapagod.

Ang daming nangyari ngayong araw. Inaamin ko na natatakot ako dahil pagpasok ko palang sa school na to delikado na, pero wala akong magagawa. Mangyayari ang dapat mangyari. Sana lang, maging maayos ang lahat. Sana.

Papasok na ako ng kwarto ng may marinig akong ingay sa bintana, pagtingin ko nakabukas at hinahangin ang kurtina ng bintana kaya nilapitan ko ito. Nakalimutan ko sigurong isara nang patayin ko ang mga ilaw dito.

Naramdaman kong may malamig na hangin sa likod ko at talagang kinilabutan ako ng may magsalita.

"Flame"



~•~•~•~•~•~•~•~•~

Sky Academy | PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon