KABANATA 8: ANG PAGDIRIWANG AT SI IMA

2.5K 92 1
                                    

UNANG GABI ni Tracy, nanibago siya sa kanyang tinitirhan. Bukod sa maliit ito, napaka-simple, walang TV, at walang internet.

            "Grabe, Moymoy, nabuhay ka rito?" tanong ni Tracy bago siya humiga sa katre. "Tapos ni walang kutson man lang?"

"Opo."

            "Kung sabagay, sobrang sikat ka rito 'no? Daig mo pa ang artista!" Niyakap at hinalikan ni Tracy ang ulo ni Moymoy.

            Dala ng matinding pagod ay nakatulog kaagad si Tracy. Wala pang ilang sandali ay humihilik na ito. Si Moymoy, pinagmasdan lang ang nakilalang ina habang natutulog at pagkatapos ay mahimbing na rin siyang nakatulog.

            Kinaumagahan, hindi ang sikat ng araw na sumisilip sa maliit na bintana ang nakapagpagising sa kanila kundi ang tatlong duwendeng kaibigan ni Moymoy. Dahil sanay silang kumain doon, naghalungkat sila sa mga plato at kaldero kung may sobrang pagkain.

            "Uy, ano'ng kinakalkal niyo riyan? Mga duwende kayo 'no?" paninita ni Tracy kina Bundaki, Uye, at Ewi.

            "Oo, kaibigan namin si Moymoy," sagot ni Bundaki.

            "Sino ka?" sabay na tanong nina Uye at Ewi.

            "Mama ko," nagkukusot ng mga matang nagising si Moymoy. "Mama, mga kaibigan ko. Oo mga duwende sila. Mababait sila."

            "Mababait ba ang mga 'yan? Nagkakalkal diyan, wala namang permiso."

            "Sorry na, nagugutom e," sagot ni Bundaki.

            Tumayo si Tracy at kinuha ang basket na nakasabit. Ibinigay ang isang pritong manok sa kanila. Kinain ito ng tatlong duwende.

            Natawa si Tracy. "Akalain mo 'yan, totoo palang may duwende. At ang ku-cute nila."

            Natutuwang pinagmamasdan ni Tracy ang tatlong duwende habang pinapapak ang pagkaing ibinigay niya.

           

KINAGABIHAN, isang pagdiriwang ang naganap para sa pagdating ni Moymoy. Sa plaza ng Malasimbo, lahat ng mga tibaro ay naroroon. Sa paligid ay may mga sulong nakatayo. Sa gitna ay may malaking kawa na may apoy na nanggagaling sa likidong naroroon. Sapat na ang mga ito para magbigay liwanag sa buong plaza. At ang entablado na bahagi ng plaza ay naroon sina Wayan, Ibalong Saryo, si Tracy, at si Moymoy. Lahat sila'y nakaupo sa apat na espesyal na upuan. Pinapanood nila ang sayawan, kantahan ng mga tibaro. Sa paligid ay may mga mesang natatakpan ng mga dahon ng saging na puno nga iba't ibang pagkain.

            Hindi naiiba ang tono ng kanta ng mga tibaro sa mga buntawi, ganoon din ang kanilang katutubong sayaw, kaya si Tracy ay hindi siya nanibago sa kanyang nasasaksihan.

            "Nagsasaya rin pala sila?" bulong ni Tracy kay Moymoy.

            "Opo," sagot ni Moymoy. "Hindi rin naman sila naiiba sa atin, Ma—"

            Pagkasabi ni Moymoy ay biglang lumipad ang mga manananggal sa kalawakan. Nagsayaw-sayaw sila sa himpapawid; sabay-sabay na iniiba-iba ang istilo ng kanilang paglipad. Naroong bigla silang bubulusok paitaas sa iisang linya at pagkatapos ay pabagsak na hihinto at tatalikod at papaikut-ikutin ang kalahating katawan at magpoporma ng isang malaking tala. Naroong bigla silang lilipad-lipad at at magiging isang bulaklak sa gitna ng malaking buwan na mistulang nakadikit sa kalangitan. Iikot-ikot sila ng pabilog at ibubuka-buka ang kanilang mga pakpak. Iba't ibang mga gimik ang kanilang pagsasayaw sa himpapawid. Wala namang tigil sa pagpalakpak ang mga tibaro na nanonood sa kanila.

Moymoy Lulumboy Book 2  Ang Nawawalang Birtud (COMPLETED)Where stories live. Discover now