KABANATA 28: INGKONG DAKAL

1.6K 71 3
                                    



ISANG MALAKING pinto ang nagbukas sa harapan nina Moymoy kasama si Montar.

Tahimik na pinagmasdan ni Moymoy ang loob nito. Madilim, at walang maaninag na kahit na anong bagay sa loob. Pero nang pumasok sila, nagliwanag ang loob. Napagtanto ni Moymoy na ang gusali ay napakalaki. Isa na yata ito sa malaking gusaling nakita na niya sa Gabun. Ang gusaling ito ay malapit lamang sa palasyo ng mga Apo.

Bago sila tuluyang pumasok ay kinausap ni Montar si Moymoy.

"Isa itong lugar na hindi napupuntahan ng kahit na sino Moymoy?"

"Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Isang pribilehiyo ang makarating ka rito."

"Buti, pinapunta mo 'ko rito?"

"Ang mga Apo ang nagsabi sa akin na magpunta tayo rito para masagot ang mga tanong mo na dito mo lang malalaman ang kasagutan."

Tumango si Moymoy nang marinig ang mga sinabi ni Montar at pagkatapos ay hinayaan na lamang niya ang kung ano man ang pumapasok sa isipan niya; naisip niyang abangan na lamang niya ang susunod na kailangan niyang malaman sa gusaling pinagdalhan sa kanya ni Montar.

Tuluyan nang pumasok sina Moymoy at Montar. Isang napakalaking bulwagan at napakalawak na espasyo ang nakita niya sa unang pagpasok.

"Ano'ng tawag dito sa lugar na 'to, Montar?" Hindi maiwasan ni Moyoy ang hindi magtanong pagkakitang-pagkakita niya sa lugar dahil dsala na rin ito sa pagkamangha.

Inilibot ni Moymoy ang tingin. May mga dekorasyon ang bawat dingding. At lahat ay may nakaukit na sarisaring disenyo ng kalikasan—mga halaman, bulaklak, mga puno, ilog, at kug ano-ano pa. Naroon din ang nakaukit na araw, buwan, at mga bituin. Mayroon ding sari-saring mukha ng iba't ibang tibaro.

Napansn rin niya ang mala-katidral na taas ng kisame nito.

"Ano'ng maipaglilingkod ko, mga mahal kong Apo..."

Isang lalaki na may mahabang kasuotan ang marahang naglakad palapit sa kinatatayuan nina Moymoy at ni Montar. Umalingawngaw ang boses ng lalaki.

Bahagyang nagulat si Moymoy. Hindi kasi niya napansin ang pagdating ng lalaki dahil namamangha siyang nakatingin sa paligid.

"Moymoy, siya ang tagabantay ng Bahay ng Labwad. Si Ingkong Dakal," pakilala ni Montar.

Dakal?Bahay ng Labwad?

Bukod sa laki ng Bahay na Labwad na unang napansin ni Moymoy ay kapansin-pansin din ang kabuuan ng tagabantay na si Ingkong Dakal.

May katandaan si Ingkong Dakal. Lahat ng balat ay kulubot. Pero ang higit na kapansin-pansin sa kanya ay ang kanyang mga mata—nakapikit ang mga iyon.

Nagsimulang maglakad si Ingkong Dakal sa likod na bahagi ng gusali. Sumunod sina Moymoy at Montar. Napamangha si Moymoy sa kanyang nakita. Higit pa itong malaki kaysa unang bulwagang nagpamangha sa kanya.

Sa pangalawang bulwagang kanilang pinasukan ay para itong isang malaking aklatan na punong-puno ng mga libro. Sa pinakagitna nito ay isang mesa. Doon nagtungo si Ingkong Dakal at umupo sa kanyang nag-isang upuan.

Inilibot ni Moymoy ang kanyang paningin.

"Mga libro?"

"Oo, Moymoy," sagot ni Montar. "Mga libro 'yan."

Moymoy Lulumboy Book 2  Ang Nawawalang Birtud (COMPLETED)Where stories live. Discover now