KABANATA 13: NAKANINO ANG BERTUD?

1.8K 88 0
                                    


SA MALAKING harapan ng puno ng balete, naroon si Moymoy at si Tracy. Kanina pa sila nakatayo roon at pinagmamasdan ang puno.

"Ma?" Pinilit ni Moymoy na magsalita matapos ng mahabang katahimikang iyon.

"Parang gusto ko nang umalis na ayoko, Moymoy."

"Kaya ko po. Huwag kayong mag-worry sa 'kin."

"Alam ko naman na superhero ka e. 'Yung mga nakita ko 'di pa ba sapat 'yon? Yung mga paganyan-ganyan." Pinilit na gayahin ni Tracy ang pagwasiwas ng sandata ni Moymoy. "At yung pa-magic-magic mo pa o yung diwani na sabi nila, di kayang gawin ng ordinaryong tao 'yon."

Isang saglit na katahimikan pa ang naghari.

"Moymoy?"

Bumaling si Moymoy kay Tracy at pagkatapos ay malugod niya itong niyakap. "Ingat ka. Kahit na ikaw ang pinakamagaling 'wag mong isipin na kaya mong lahat."

Hindi naiwasan na maiyak si Tracy.

"Ma—huwag ka nang umiyak. Babalik naman ako sa bahay."

Pinunasan ni Tracy ang kanyang luha. "Kapag di mo kaya ang kalaban, alam mo kung ano'ng gagawin mo?"

"Ano po?"

"Tumakbo ka."

"Ha?"

"Hindi ibig sabihin na lulusob ka, matapang ka na. Mas ligtas ka kapag tumakbo ka na lang."

Natawa si Moymoy sa payo ni Tracy.

"Totoo!" muling sabi ni Tracy. "Ganyan ang ginagawa ko no'ng bata pa ako. Kapag sinusugod na 'ko, tumatakbo ako. Tingnan mo, hanggang ngayon buhay pa ako."

"Ma, huwag kayong magalit pero tama mo na lumayo na kayo rito. Kasi kung nandito kayo, susugod at susugod dito ang mga rebelde. Baka mapahamak kayo."

"Alam ko. Si Wayan ang hinahanap nila. Nasa kanya raw ang bertud," dugtong ni Tracy.

Muling tumingin si Tracy sa katawan ng puno ng balete. "Keri ba 'to?"

"Opo, Ma."

Marahan ay humakbang si Tracy. Kinapa-kapa ang katawan ng puno ng balete. Naramdaman niya at nakita niyang lumubog doon ang kanyang kamay at sa ilang saglit ay maaaring higupin siya. Bigla siyang tumingin kay Moymoy at pahabaol na—"Ingat ka 'nak!" Bigla ay hinigop ng puno an gang buong katawan ni Tracy.

Naiwang nakatayo si Moymoy. Matagal na nakatingin sa punong pinasukan ni Tracy. Ang ngiti niya kanina'y napawi—nahalinhan ng lungkot. Napaisip, pinakawalan ang hangin sa dibdib.

SA ISANG mahabang mesa, sa komedor ng kastilyo ni Wayan ay nakaupo ang lahat—kasama si Moymoy, Alangkaw, Montar, at Ibaong Saryo. May mangilan-ngilang tibaro na naglalapag, naghahanda sa kanilang pagkain; may dalawang tiyanak ang naglalapag ng mga plato at baso. May dalawang tikbalang naman ang naglalagay ng inumin sa mesa. At isang babaeng nuno naman na may mahabang taiga ang may dala ng ilang platong pagkain.

"Mainit na sopas..." pangunguna ng nuno habang inilalapag iyon sa mesa. "Ginisang gulay at inihaw na isda."

Ang tikbalang ay inilapag ang mga mangkok at ito ang naglagay ng sopas sa bawat isa sa kanila. Tinikman ni Montar ang sopas. "Matabang," komento niya.

"Paumanhin, Montar," sabi ng nuno.

"Montar," sabat ni Wayan. "Alam mo namang hindi puwedeng mag-imbak ng asin dito. Matatakot ang ilang tibaro. Lason iyon sa kanila."

Moymoy Lulumboy Book 2  Ang Nawawalang Birtud (COMPLETED)Where stories live. Discover now