KABANATA 25: SA GABUN ITINULOY

1.6K 75 1
                                    



SA MALALAKING puno ng balete, sa isang burol, biglang lumabas sina Moymoy at Alangkaw.

Tiningnan ni si Moymoy ang hawak na Ginto ng Buhay. "Sa wakas, nakuha rin natin," masayang sambit ni Moymoy.

Nakita ni Moymoy na nakatingin sa ginto sa Alangkaw. Marahan nama'y inilagay ito sa palad ng kapatid.

"Ganito pala ang hitsura. Para ngang may kapangyarihan na taglay," ani Alangkaw habang namamangha siyang pinagmamasdan ang ginto.

"Mabuti pa'y isoli na natin sa mga Apo."

Marahan ay inilagay, isinauli ni Alangkaw ang ginto sa palad ni Moymoy.

Pero bigla silang nagulat nang sa isang puno sa di-kalayuan ay lumabas sina Buhawan at Pontoho. Pagkatapos ay lumabas din si Maura, nakasunod si Bruno.

"Moymoy, hindi ka magtatagumpay sa gusto mong mangyari!" sigaw ni Buhawan. "Isa lang 'yan sa mga gintong kinuha ko! Huwag kang magpaka-bayani!"

Umurong si Moymoy, ganoon din si Alangkaw habang papalapit sina Buhawan at Pontoho sa kanila.

"Ang ibig sabihin ni Buhawan," dugtong ni Pontotho, "wala ring kuwenta 'yang ginagawa mo! Kailangan niyong malaman kung nasaan ang iba! Kaya 'wag niyong nang pagkaabalahan!"

"Moymoy." Nagsusumamo ang tinig ni Maura. "Ibigay mo na uli sa akin ang ginto."

"Ibigay niyo sa amin 'yan!" sigaw ni Buhawan sabay na lumapit kina Moymoy at Alangkaw.

"Hindi! Ibabalik namin ito sa mga Apo!" sagot ni Moymoy.

"Alangkaw!" baling ni Buhawan kay Alangkaw. "Nagpapaniwala ka sa mga 'yan! Nilalason nila ang isipan mo!"

"Alangkaw, halika na!" aya ni Moymoy. "Umalis na tayo rito!"

"Ibalik niyo sa amin ang ginto!!!" Dumagundong ang malakas na boses na iyon ni Buhawan.

Nagulat sina Moymoy at Alangkaw nang sa isang puno ay may lumabas na wakwak. Pagkatapos ay mayroon pang lumabas sa isang puno. Sa isa pa! At sa isa pa! Naglabasan ang maraming mga wakwak sa puno! Parami sila nang parami!

Nagtinginan sina Moymoy at Alangkaw at nagsenyasan. Bigla, sila'y parehong nagakaroon ng pakpak at lumipad palayo.

Samantala, patuloy sa pagdami ng mga wakwak na naglalabasan sa mga puno. Hanggang sa napuno ang burol ng wakwak!

Nagliparan ang mga wakwak, sinundan sina Moymoy at Alangkaw. Naiwan sina Buhawan, Pontotho, Maura, at Bruno sa burol.

Sa kalayuan parang mga itim na ibon na nagliliparan ang mga wakwak. Kaya lamang ang kaibahan ng mga ito, sa halip na siyap ng ibon ang maririnig ay atungal na nakakakilabot at gutom na gutom ang naririnig.

Samantala, sa tore ni Wayan, naroon sa loob ang maraming tibaro, pinapanood nila ang nangyayari kalawakan. Nakita nila ang lumilipad na sina Moymoy at Alangkaw at ang mga wakwak.

"Ang ibang nga tibaro, ligtas ba sila panganib?" tanong ni Wayan habang matamang pinagmamasdan ang mga lumilipad na wakwak sa kalawakan.

"Oo, Wayan," sabi ng isang tibaro. "Nasa kani-kanilang mga bahay-bahay at nakakulong sila. Saradong-sarado ang mga bahay."

"Mabuti kung gayon," sagot ni Wayan. "Nalalaman kong hahantong sa ganitong pangyayari bago makuha ni Moymoy ang ginto kay Maura. Hindi nila hahayaang basta-basta makuha ito kaya kung nakuha man ni Moymoy ang ginto, hahabulin nila si Moymoy hanggang dito."

Moymoy Lulumboy Book 2  Ang Nawawalang Birtud (COMPLETED)Where stories live. Discover now