KABANATA 16: BAKIT, ALANGKAW?

1.6K 82 0
                                    


SA BATIS NG ALAALA, tuluyang inilublob ni Alangkaw ang kanyang katawan hawak ang puting butil ng perlas. Hindi niya pinansin ang pagtawag na iyon sa kanya ni Montar.

Dagling lumapit si Montar sa batis, pero hindi na niya nahabol si Alangkaw dahil tuluyan nang inuloblob doon ang kanyang katawan at hiniling ang gustong maalala.

Nakita ni Montar ang sumambulat na mga pangyayari sa batis.

SA ILALIM NG puno ng balete, nakita ni Wayan na gumalaw ang birtud ni Buhawan na parang nagising sa mahabang pagkahimbing. Gumugulong-gulong iyon sa lupa. Biglang huminto iyon sa kanyang paa. Dinampot niya ang birtud ni Buhawan. Nakita niya sa hawak na birtud ang mga mata ni Buhawan na nakapikit at nagulat siya nang biglang nagbukas—na tulad ng dati—nanlilisik ang mga ito. "Si Buhawan. Ang kanyang birtud!" Hindi maiwasan ni Wayan ang mapasigaw nang makita iyon.

Inilapat niya sa kanyang dibdib ang birtud—tiniyak niyang nasa kanya ito! Hindi niya dapat iwawala! Tiniyak na walang nakakakita sa kanya; tumingin siya sa paligid—tiniyak na walang sumusunod sa kanya!

Inilayo ni Wayan sa lugar na iyon ang birtud.

Matagal na pinagmamasdan ni Wayan ang birtud ni Buhawan na nakapatong sa mesa. Kahit na walang mukha si Wayan, ang kanyang mga mata ay nanatiling nakamulat—pinagmamasdan ang birtud. May galit at takot siyang nararamdaman. Hinigpitan ni Wayan ang hawak niyang gulok. Bigla niyang tinaga ang birtud! Pero walang nangyari. Nanatili itong buo. Tinaga niyang tinagaito ng makailang beses pero nanatili pa rin itong buo. Kinuha niya ang nakasabit na palakol sa dingding at tinaga nang tinaga ang birtud pero walang nangyari hanggang sa mahulog at gumulong ito sahig. Pinulot at ipinatong niya itong muli sa mesa. Dagli, kinuha niya sa pinakataas na parte ng cabinet ang kahoy na may tulis.

"Kamagong ito! Tuluyan kitang papatayin!"

Bigla niyang tinarak ang birtud! Pero walang nangyari—nanatiling buo ang birtud ni Buhawan. Nagulat pa siya nang makita niyang biglang nagbukas ang mga mata na nasa loob ng birtud na parang nagpapahiwatig na buhay pa ito at walang bisa ang kanyang giangawang pagwasak dito.

Biglangdinampot ni Wayan ang birtud at nagtungo sa kinaroronan ng Kawa.

"Kawa! Kawa! Sumagot ka!" pag-uutos ni Wayan. "Bakit hindi ko mawasak ang birtud ni Buhawan!!!"

Halos mapaluhod si Wayan—desperadong-desperado na siya sa nais na mangyari sa birtud.

"Bakit?!!!!"

Tuluyan nang napaluhod si Wayan, umiiyak sa harapan ng Kawa. "Inilayo ko na siya. Kung saan-saan ko na siya itinapon—sa gupat, sa dagat. Sinunog ko na pero ayaw niyang mawala sa akin..! Bakit?!"

"Wayan.. '" sagot ng Kawa. "Hindi mo mawawasak ang birtud ni Buhawan."

Napahingal si Wayan at tiningnan ang Kawa na may kumukulong likido.

"Ang birtud ng isang tibaro ay hindi talaga lumalayo sa pinakamalapit sa kanyang buhay. Ikaw ang kanyang tunay na asawa—hindi ka niya lalayuan. Ang birtud ay likas na nagtutungo sa pinakamalapit sa kanyang buhay—sa anak o sa asawa. Ikaw ang pinakamalapit sa kanya rito kaya sa iyo siya nagtutungo kahit na saan mo pa siya itapon."

"Pero," muling kinausap ang Kawa. "Pero bakit hindi ko siya mawasak, mapatay. Kahit na ang kahoy ng kamagong walang silbi..!" Patuloy sa paghikbi si Wayan.

Moymoy Lulumboy Book 2  Ang Nawawalang Birtud (COMPLETED)Where stories live. Discover now