KABANATA 22: MAGKAPATID SA SUMISIKAT NA ARAW

1.4K 74 4
                                    



MAHINAHONG LUMILIPAD si Moymoy patungo sa terasa ng kastilyo ni Alangkaw. Nakita niya roon ang kanyang kapatid, nakatayo at nakatingin sa pasikat na araw. Marahan ay dumapo si Moymoy at nilapitan ito. "Alangkaw..."

Saglit na tiningnan ni Alangkaw si Moymoy at muling ibinaling ang tingin sa sumisikat na araw.

"Magandang umaga, Alangkaw."

Tumango si Alangkaw. "Salamat."

Nanatiling malamlam ang mukha ni Alangkaw.

"Ikinuwento nina Wayan at Montar ang lahat. Ang tungkol sa nagpanggap mong ina."

Tipid na ngumiti si Alangkaw.

"Ang sabi ng Mama ko, walang problema na hindi nalalampasan. Lahat naman may solusyon," malumanay na sabi ni Moymoy.

Huminga ng malalalim si Moymoy, humakbang siya at tumabi sa kapatid. Sinabayan niya ito sa pagmasid sa papaakyat na araw. "Naiintindihan kita. Naghahanap ka ng mag-aalaga sa 'yo. Kaya siguro nang dumating iyong nagpanggap na mommy mo, naisip mo na baka iyon na iyon. Kaya lang hindi—niloko ka niya."

Tumango nang bahagya si Alangkaw. Naramdaman niya ang paghawak sa balikat ni Moymoy. Sa hindi niya maintindihang dahilan, ang kanyang kamay ay naglakbay patungo sa kamay ni Moymoy at ipinatong niya roon at pinisil.

Malugod ay niyakap ni Moymoy si Alangkaw. Sa isa pang pagkakataon ay naranasan nilang sabay na tumibok ang kanilang mga puso at naramdaman nila iyon sa kanilang pagyakap.

Humikbi si Alangkaw. Sumulpot sa mga mata ang mga luha. "Madaya sila... Madaya sila..."

"Alangkaw, mas makabubuti kung huwag mo nang isipin ang nakalipas. Ang mahalaga, magkasama tayo. Magkaisa na kayo nina Wayan."

Nagkalas sila sa pagkakayakap. Tumango si Alangkaw sa sinabing iyon ni Moymoy.

"Ang mga Ginto ng Buhay," ani Alangkaw.

"Oo, kailangang maibalik ang mga ginto para mabawi ang sumpa."

"Si Maura."

"Nasa kanya ang isa sa mga Ginto ng Buhay."

"Maaari natin siyang puntahan para kunin sa kanya ang ginto."

"Oo, Alangkaw. Nalalaman ko kung papaano siya mapupuntahan."

Ίh7"

Moymoy Lulumboy Book 2  Ang Nawawalang Birtud (COMPLETED)Where stories live. Discover now