KABANATA 14: ANG PAGDALAW

1.8K 88 3
                                    


KARARATING LAMANG ni Tracy sa trabaho. Inilapag ang kanyang bag sa kanyang kama at umupo. Huminga siya nang malalim at nagtungo sa tokador—pinagmasdan niya ang kanyang mukha at bumulong sa sarili. "Wala pa naman." Nagkunot-noo siya. "Wala pa namang wrinkles."

Ibig sabihin, okay pa ako. Sa nangyayari sa buhay ko, hindi naman ako tumatanda. Akalain mong may ganoong lugar pala gaya no'ng Gabun na 'yon.

Gaya ng kinaugalian niya, kinuha sa bag ni Tracy ang kanyang cell phone, inayos ang buhok, nagtungo sa may liwanag, sa may bintana at para makapag-selfie. Unang selfie, pasimpleng ngumiti. Pangalawa, wacky na nakatikwas ang mga labi, kita ang ngipin na nakatingin pa sa taas, Pangatlo, ang paborito niya, ang walang kamatayang duck face. Click siya nang click sa iba't ibang poses na kanyang maisipan.

Pagkaraan ng napakarami at sunod-sunod na selfie, natigilan si Tracy sa papalubog na araw. "Ay! Oh my gulay, ang laki ng araw."

Sa labas ng bintana, pinagmasdan ni Tracy ang araw sa kalayuan—sa kalawakan ng Marikina at Antipolo. Nakita niya roon na mistulang dambuhala itong papalubog. "Ang ganda..! Kakaiba." Madali ay kinunan ng picture ang sarili na ang background niya ay ang takipsilim. "Gorgeous..." pabulong niyang sabi.

Ipinagpatuloy ni Tracy ang pag-click ng kanyang cell phone para makapag-selfie. Pero habang selfie siya nang selfie, bigla siyang napahinto. "Ay kabayo!"

Nakita ni Tracy na nakatayo sa kanyang likuran si Lolo Turing.

"Lolo Turing, ano ba 'yan!"

Ibinagsak ni Tracy ang kanyang balikat, huminga nang sunod-sunod hawak ang dibdib. "Nagulat ako sa inyo..."

"Bakit, Tracy? Nakapagluto na 'ko. Niluto ko ang all-time favorite mo—sinampalukang manok." Maaliwalas na nakangiti sa kanya si Lolo Turing.

"'Lo, sa susunod, puwede ba?" Napahawak si Tracy sa dibdib ng matanda at tiningnan ito. "Oo nga pala, sunset, at matino ka. I mean, hindi ka ulyanin. Halika na sige, let's eat."

Nagtungo sa komedor si Tracy kasama si Lolo Turing. Sa hindi maintindihang dahilan, habang tumatagal mula nang maging ulyanin si Lolo Turing, napansin ni Tracy na nawawala ang pagka-ulyanin ng kanyang lolo kapag papalubog ang araw. Lahat natatandaan niya. Sa madali't dalita—hindi siya ulyanin sa ganitong oras. Ipinagtataka iyon hindi lamang si Tracy kundi pati kanyang mga kapitbahay. Kapag ikinukuwento niya ito sa mga kaibigan at sa mga doktor na tumingin kay Lolo Turing ay hindi sila naniniwala.

Samantala, masayang naghapunan si Tracy kasama si Lolo Turing.

HINDI MAPAKALI si Tracy nang gabing iyon. Hindi niya mawari kung bakit parang hindi niya naiintindihan ang Koreanobelang pinapanood sa DVD. Sinubukan niyang iliapat sa TV ang panonood pero kahit pa ang pagpapatawa ni Vice Ganda walang epekto ang kanyang pagkabalisa. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili—hindi siya mapakali. Napapangiwi siya sa mga punchline ng komedyante sa halip na matawa. Pinatay niya ang TV at nagmasid sa paligid. Bakithindi ko maintindihan ang pakiramdam ko. Parang may gumugulo sa utak ko...

Naisipan niyang damputin ang kanyang cell phone, umupo sa pagkakahiga at nag-selfie. Ito lang naman kasi ang kanyang ginagawang outlet sa tuwing ganitong naiinip siya at nababahala. Sunod-sunod ang kanyang pages-selfie, sari-saring poses. Pero nakakailan pa lang siya, tumigil na siya. Wala akong gana...

Bigla niyang ibinagsak ang katawan sa kama. Magbibilang ako ng butiki. One... Pero isa lang ang nakita niyang butiki at wala nang iba kahit na iginala pa niya ang tingin sa kisame.

Moymoy Lulumboy Book 2  Ang Nawawalang Birtud (COMPLETED)Where stories live. Discover now