KABANATA 9: PAGDATING NI ALANGKAW

1.9K 88 0
                                    

            Napakunot-noo si Alangkaw. "Talaga bang ang nanay ko siya?"

"Lahat ng sinabi nila sa 'yo, gawa-gawa nila. Kahit na 'yang Moymoy na 'yan, hindi siya totoo. Ikaw lang ang anak ko at wala kang kakambal."

Umiyak si Ima. "Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin..?"

Nagpunta si Moymoy sa terasa ng kanyang kuwarto at doon ay bigla siyang nag-iba ng anyo—yaong matangkad na lalaking malaki ang pangangatawan, mahaba ang buhok, at kulay itim ang balat. Bigla'y nagkaroon ito ng malalapad na pakpak na kulay itim at lumipad patungo sa Malasimbo.

Napangisi si Ima. Natigilan ito nang makita ang uwak na nanatiling nasa pasamano. "Bakit? Ano'ng tinitingin-tingin mo riyan?"

Sino ka ba talaga? Ngayon lang kita nakita?

Biglang dinakma ni Ima ang uwak, sinakal at inikot-ikot ang katawan nito at itinapon sa bintana. "Yan ang bagay sa 'yo."

Nagkaduling-duling ang uwak, nagkukumawag, pinilit na lumipad pero bumagsak ito sa lupa.

"Ulol!" sigaw ni Ima sa uwak.

BIGLANG itinaas ni Moymoy ang kanyang kanang kamay at sa kanyang palad ay lumabas ang mahabang espada. "Bitiwan niyo si Wayan!"

"Huwag na huwag mong gamitin ang diwani mo!" sigaw ni Pontotho. "Kundi'y sasaktan namin si Wayan!"

Bago pa naglaho sa kamay ni Moymoy ang espada ay biglang may malaking kamay na humablot kay Wayan. Biglang nag-iba ang ulo ng nagmamay-ari ng kamay na iyon.

"Alangkaw!" Napasigaw si Moymoy nang mabatid niyang ang kapatid niya ang nagmamay-ari ng kamay.

"Alangkaw, si Pontotoho ako!" Nanatiling nakasakay si Pontotho sa ekik.

Hindi umimik si Alangkaw habang hawak-hawak niya si Wayan.

"Kailangang mabuhay si Buhawan. Alam naming may nalalaman si Wayan sa kinaroronan ng bertud!"

"Ang kulit! Hindi ko talaga alam!" sigaw ni Wayan na nakaupo sa palad ni Alangkaw.

"Huwag kang makinig sa kanila, Alangkaw!" sabat ni Moymoy. "Pumunta na kayo sa kastilyo at doon mo dalhin si Wayan! Dudukutin siya ng mga 'yan!"

Napatingin lang saglit si Alangkaw kay Pontoho at sa kasamahan niyang sina Amora at Ryan na pawang nakasakay sa ekik—hindi siya nagdalawang isip at sinunod si Moymoy—lumipad, hawak si Wayan patungo kastilyo.

"Alangkaw, sandali!" Sinundan ni Pontoho si Alangkaw. "Isoli mo sa amin si Wayan!"

Sumunod sina Amora at Ryan kay Pontoho.

Si Moymoy ay lumipad sa kinaroronan ng mga tibaro sa plaza para sagupain ang mga ekik na lumulusob. Inilabas niya sa kanyang mga kamay ang espada, maso, palakol, at kung ano-ano pa. Sa bilis niya'y nagulat ang mga ekik. Kaya bago pa nakalusob ang mga ito nang' tuluyan ay naunahan na sila ni Moymoy. Pero kahit ikinagulat ng mga ekik ang nakita nila kay Moymoy ay hindi sila umurong sa pag-atake sa mga tibaro. Samantala, ang ibang mga tibaro ay hinanda ang mga sarili sa pag-atekeng iyon ng mga ekik. Pero ang iba, dala ng kalasingan sa pagdiriwang ay hindi namamalayan ang paglusob ng nga kalaban.

Iwinasiwas ni Moymoy ang kanyang mahabang espada. At sa isang beses na paghampas lamang ay nahati niya ang katawan ng isang ekik. Ikinatakot iyon ng iba pang mga ekik. Natigilan ang mga ito. Lumipad-lipad sila sa kalawakan. Natakot sila sa presnsiya ni Moymoy.

Moymoy Lulumboy Book 2  Ang Nawawalang Birtud (COMPLETED)Where stories live. Discover now