Prologue

1.7K 59 1
                                    

Prologue

Kailangan kong tupukin ang apoy.

Kung mananatili pa 'ko—o kami ni Itay—rito, mas magbabaga lang ako ng galit. Ayoko. I don't want to be consumed with anger and later on, burn all the people around me.

Hindi ko ikinatutuwa ang mga nalaman ko. Hindi ko pa matanggap sa ngayon ang mga kasinungalingang kailangan kong kalakihan para lang maitago ang tunay na katauhan ko.

Katatapos lang ng bagyo sa probinsya, at parang pati ako binagyo sa dami ng problema ngayon.

Niyakap ko ang sarili ko, partikular sa may puson, at kahit lumulubog ang tsinelas ko sa maputik na daan ay binilisan ko ang paglalakad pauwi ng bahay.

Malinaw ang narinig kong sinabi ni Itay kanina. At sasama ako sa kanya. Hindi ko kayang manatili rito.

"Harana."

Napahinto ako sa pagpasok sa bahay nang marinig ko ang pamilyar na boses. Lumingon ako at napalunok nang makita kung sino ang nasa gilid ng bahay.

"Anong ginagawa mo rito, Aleksander?" mahina kong tanong. I think my heart burned more in pain with the sight of him.

Isa siya sa mga apoy na kailangan kong tupukin.

Marahan siyang lumapit—ang nanlalalim niyang mga mata ay tutok na tutok sa 'kin. "Bakit hindi ka nagre-reply sa mga texts ko? Kahapon pang natapos ang bagyo, may signal na ulit. Pinag-aalala mo 'ko."

Agad niyang hinapit ang baywang ko. "Mababaliw ako kakaisip kung napa'no ka na. I was worried that you got affected by the typhoon." Hinawakan niya ang dulo ng mahaba kong buhok kasabay ng paglapat niya ng noo sa noo ko.

"Hara..." Alek whispered as he closed his eyes. "Nagtatampo ka pa rin ba sa 'kin? We're o-okay, right? Hindi ka na g-galit... Maayos naman tayo, 'di ba?" Nanginginig ang boses ni Alek dahil sa parehong takot at mataas na emosyon.

Bahagya kong nilayo ang ulo ko sa kanya. "O-Oo..."

Ako ang nanginginig naman ngayon dahil sa kailangan kong gawin. "Umuwi ka muna, Aleksander. Marami kasing kailangang asikasuhin ngayong katatapos lang ng bagyo. M-Magkita na lang tayo sa k-klase..."

Hinawakan niya ang pisngi ko, mas tinitigan ako nang matiim. Pagkatapos ay kinagat niya ang ibabang labi at napatingin sa bahay.

"May ibang tao ba sa loob?"

Napayuko ako. Alam ko ang gusto niyang ipahiwatig. At nasasaktan akong isipin na gusto ko siyang pagbigyan, tutal ay... huli naman na.

Kapag umalis na 'ko, masasaktan siguro si Alek. Pero baka naman may mapagbabalingan siyang iba. At tama lang siguro na mawala na lang muna ako sa buhay niya para walang hadlang sa mga pangarap niya.

Mahal ko siya. Pero ayokong matulad kami sa magulang niya o... sa mga magulang ko.

"Harana..." He's catching my attention, again. Waiting for an answer.

Napatingin din ako sa walang tao naming bahay. I wanted to be with him one last. At siguro kung pagbibigyan ko siya, hindi siya maghihinala...

"U-Uuwi ka ba agad pagkatapos?" pabulong kong tanong.

He gasped for air. Then, smirked a little. "Babe... you know I couldn't do that to you. I want to cuddle after making love and—"

Tiningala ko siya at diretsong sinalubong sa mga mata. "Puwede bang umuwi ka kaagad pagkatapos? Baka maabutan ka pa nina Itay. Kung ipapangako mong aalis ka agad pagkatapos, p-papayag ako."

Napakamot siya sa sariling batok. "I missed you so bad. Hindi ako sasapat palagi sa isa—"

"Aleksander," saway ko na sa kanya. Mas niyakap ko ang sarili ko. Tumatakbo ang oras. Pero alam kong may maibibigay pa 'ko sa kanya.

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon