Chapter 13

701 26 3
                                    

Chapter 13

"Akala ko po, hindi ako makakalabas ng buhay sa farm ng mga De Haro," tawa ni Alek. "Imbes na kami ni Harana ang mag-interview sa mga anak ni Don Elonzo, ako po ang natanong nang natanong, eh."

Narinig ko ang pagtawa rin ni Itay. Mukhang aliw na aliw sa kuwento ni Alek.

"Ay, pagpasensyahan mo na, hijo. Mas mahigpit talaga sina Sir Eugenio at Sir Erasmo. Lalo na at kasabayang lumaki si Harana ng mga anak nila."

"Naiintindihan ko po, pero pinagpawisan pa rin ako, Itay Salmo! Buti na lang po sa huli, parang nagkasundo-sundo naman po kami."

Nalaman kasi nina Sir na plano ni Alek mag-invest sa cassava farming pagka-graduate. Parang natuwa si Sir Eugenio sa planong negosyo ni Alek. Nagbigay pa si Sir ng farming tips at business advices.

Habang pinapanood ko si Alek kanina habang nakikinig mabuti kina Sir, nag-aalab na naman ang apoy sa mga mata niya para sa pangarap. He was very enthusiastic and nods like a good student to his teachers.

"Aba't mabuti! Pero paano ba iyan, Aleksander, hijo? Kapag nagloko ka talaga sa unica hija ko, hindi na lang kita matatapon sa ilog? Baka hindi na rin makita ang katawan mo sa lawak ng kapangyarihan ng mga De Haro."

Ang lakas ng tawanan nina Alek at Itay. Natawa na lang din tuloy ako kahit nasa kusina ako. Tuloy-tuloy pa sila sa pagkukuwentuhan at tawanan. Ang bilis-bilis talaga nilang nagkasundo. Siguro kasi parehas na mapagbiro at magaan kausap.

Pinagpatuloy ko ang pagluluto ng sinigang na baboy. Umuulan-ulan sa labas at ito ang naisip kong hapunan naming pamilya kasama si Alek.

"Hara, 'nak? Susunduin ko lang ang Inay mo sa mansyon at hindi na tumila 'tong ulan," paalam ni Itay.

"Sige po, Itay. Malapit na rin pong matapos 'tong sinigang."

"O, Aleksander, ikaw munang magbantay sa bahay at sa anak ko. Magbantay, ha?" diin pa ni Itay.

"Babantayan ko si Harana, Itay Salmo! Tingnan niyo po, mawawala na 'tong bahay pero si Harana, hinding-hindi."

Tumawa si Itay bago tuluyang umalis. Pagkasara ng pinto ay naramdaman ko agad ang mainit na dibdib ni Alek sa likod ko. Pinulupot niya rin ang mga braso niya sa baywang ko.

"Sabi ni Itay, bantayan mo lang ako. Hindi yakapin."

"Ganito ako magbantay ng isang Harana Torres." Binaon niya ang ilong sa pagitan ng leeg at balikat ko.

"Alek, pawis ako..."

"So? You still smell good, babe." Humugot siya ng malalim na hininga at mas hinigpitan ang pagyakap sa 'kin mula sa likod. Hanggang sa pinakawalan niya ang hangin at naramdaman kong na-relax siya.

"Ganito sana palagi ang inuuwian ko pagkatapos ng nakakapagod na araw."

Masuyo kong hinaplos-haplos ang braso niyang nakapulupot pa rin sa baywang ko. "Kung magsalita ka naman parang napagod ka sa trabaho. Nag-intensive interview lang tayo for thesis."

"Na-drain ang energy ko sa mga amo niyo, babe. Pero nakakatuwa pa rin kasi ang dami nilang tulong sa 'tin. They even recommended us sa nagpo-produce ng cassava feeds. Mayroon pala sa mga Remoroza niyon."

"Oo nga, eh. Wala na tayong iisipin para sa data gathering. Kumpleto na tayo ng mga kailangan nating i-interview."

Napangiti ako sa saya. Sobrang biyaya na napakadali na sa 'min ni Alek makalap ang mga kailangan namin para sa thesis. Hindi na kami mahihirapang magsulat sa susunod na semester. Sana naman at tuloy-tuloy na ito hanggang sa ma-defend namin ang thesis.

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon