Chapter 16

687 24 0
                                    

Chapter 16

Parang ayokong bumangon sa lamig ng panahon. Mas binalot ko pa ang kumot sa katawan ko. Mabuti at kagabi pa lang, nag-announce nang walang pasok ngayong Biyernes sa lahat ng antas.

Ayaw pang umuwi kagabi ni Alek dahil hindi raw pala kami magkikita ngayon. Gusto niya pang pumunta ulit, pero sinabihan ko na siyang mas hindi ako mag-aalala kung nasa bahay lang siya at hindi na kailangang sumuong sa ulan at baha. Mas safe kami kung nasa kanya-kanya lang kaming bahay.

Tumunog ang cellphone ko. Inaantok pang kinuha ko iyon sa ilalim ng unan. Tumatawag na si Alek.

"Hello?"

"Good morning, babe." Magaspang kaysa sa normal ang boses niya. Bagong gising din siguro.

Napahikab ako at pilit dinilat ang mata. Kitang-kita ko agad sa bintana ko ang maiitim na ulap at ang mabibigat na patak ng ulan. "Good morning... bakit napatawag ka agad?"

"I just want to make sure you'll still answer my call."

"Okay na tayo, Alek. Hindi na 'ko nagtatampo."

Buo ang desisyon ko kahapon. Kung paniniwalaan ko siya sa lahat ng paliwanag niya at tatanggapin ko ang paghingi niya ng tawad, wala na ring dapat na maiwan na doubts sa 'kin.

Malinaw na totoong mahal ako ni Alek ngayon at ganoon din ako sa kanya. Iyon lang ang mahalaga.

At ako naman ang may tinatago sa kanya ngayon...

Hmm... Hindi pala ako makakalabas ngayong araw para makapunta ng OB-GYN. Pagkaalis siguro nina Inay at Itay, gagamitin ko na lang ang pregnancy kit na binigay sa 'kin ni Dra. Yarcia para makasiguro lang ulit.

"Are you sure, Harana? Okay ka na talaga? Kasi kung gusto mong magpasuyo, hahabul-habulin talaga kita."

Bahagya akong natawa. "Ayos na 'ko, Alek. Maayos na tayo. Huwag ka na lang makulit kasi baka diyan pa 'ko mainis."

"Oh, sorry. A;right!" Natawa na rin siya. "Tumawag na rin ako dahil nami-miss kita. Ang lamig ng panahon. I wish I could cuddle with you right now. Can we make love after this storm?" Diretsong tanong niya.

"Ganyan ba lagi ang nasa isip mo?" Pero lagi akong pumapayag kaya nandito na 'ko sa kalagayan ko. Hindi ko na gustong sisihin si Alek na laging sinasabing mag-iingat siya. Kasalanan ko rin 'to dahil marupok ako.

"Hindi naman. Pero na-i-imagine ko palagi."

"End ko na 'tong call."

"Hindi na, hindi na!" Biglang bawi niya habang natatawa. "Don't hang up, please. I want to be with you even if it's over a call only."

Napahikab ako. "Matutulog pa sana ako, Alek."

"Matulog ka, basta huwag mong ibaba."

Napahikab na ulit ako. "Nag-abiso na rin pala sa balita kahapon na baka mawalan ng signal simula mamaya kapag nag-landfall 'yung bagyo," sabi ko. "Kumalma ka lang kapag ganoon, Alek. Mag-text at tawagan na lang tayo pagkabalik ng signal."

"Yes, yes. I know. Kaya nga nilulubos ko na rin ngayon. Promise, hindi ako mangungulit."

"Okay. Matutulog na ulit ako. Ikaw na lang ang mag-end ng call kapag nainip ka na."

"Hindi ka ba muna magbe-breakfast?"

Napahikab ulit ako. "Pagkagising ko na lang ulit." Pumikit na 'ko at pinindot ang speakerphone. Pagkatapos ay pinatong ko sa tabi ng unan ko ang cellphone.

"I love you!" malambing niyang sabi.

Napangiti pa 'ko hanggang sa tuluyan na 'kong nakatulog ulit. Pagkagising ko, mas lumakas pa ang ulan dulot nang mararahas na hampas ng hangin.

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon