Chapter 1

1K 51 2
                                    

Chapter 1

Months ago...

"Hara!"

"Good morning po, Miss Linares," magalang kong bati sa college adviser namin pagkatapos akong tawagin.

"Good morning. Pakitulungan naman ako at dalhin ito sa room natin. Doon ka papunta, hindi ba?" sabay abot nito sa 'kin ng isang handbag, tatlong yellow folder, at iPad mini na nakalagay sa isang black leather case.

"Sige po, Miss." Kinuha ko ang mga 'yon at binitbit nang mabuti.

Sanay naman akong pinapakiusapan ni Miss L ng ganitong mga bagay. Lagi kasi kaming nagkakasalubong sa hallway tuwing pumapasok ako nang ganito kaaga.

8 AM pa ang klase pero 6 AM pa lang ay nakapasok na 'ko. Si Miss L ay lagi ring maaga at pumupunta palagi ng coffeeshop sa may ground floor.

"Kapag dumating na ang mga blockmates mo, ipa-log in mo sila ng attendance sa iPad. At mamaya i-a-assign ko na ang thesis partners niyo."

"Yes, Miss." Bahagya pa akong yumuko ng ulo.

"Nako, huwag mo 'kong niyuyukuan ng ganyan at hindi mo ako amo. Hindi ka rin katulong dito. Alam mong ikaw lang ang pinaghahawak ko ng mga gamit ko dahil sigurado akong hindi ka mangingialam."

Ngumiti ako. "Opo, Miss. Iingatan ko po ang mga gamit niyo."

Hinawakan kong mabuti ang handbag ni Miss L na narinig kong original LV daw. Mas mahal pa raw ito kaysa sa buhay ko kaya iingatan ko talaga. Lalo na ang iPad na madalas ay ako nga lang ang pinapahawak nito sa klase. Niyakap ko rin ang tatlong folders ng tamang higpit. Para hindi mahulog at malukot ang kung anumang nasa loob niyon.

Dire-diretso ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko na ang puting pintuan ng assigned room para sa block namin.

Sa klase namin ay 20 kaming 4th year college students sa programang Bachelor of Science in Agriculture Business.

Pulos mayayaman at galing sa kilalang pamilya ang mga kaklase ko rito sa Claveles International College ng Sta. Carmina, Cagayan Valley.

Kaya ako nakapag-aral dito dahil sa scholarship.

Si Don Elonzo Joachim De Haro IV ang nagpapa-aral sa 'kin. Mas kilala bilang "Don Eloy". Siya ang mabait na amo ng mga magulang ko. Hindi pa raw ako ipinapanganak ay naninilbihan na si Itay kay Don Eloy bilang personal driver at bodyguard. Si Inay naman, katulong na sa mga De Haro noon pang dalaga siya.

Pinaka-loyal at pinakamagaling magbigay serbisyo sina Itay at Inay sa mga De Haro. Natutuwa si Don Eloy sa kanila kaya sagot lahat nito ang pang-kolehiyo ko. Agri-business ang kinuha ko dahil bibigyan daw ako kaagad ng trabaho sa farm o kompanya ng mga De Haro pagka-graduate.

At kung magtatapos ako bilang Summa Cum Laude, bibigyan din daw ako ng mataas na sahod. Si Don Eloy at ang mga anak niya ang mismong nangako sa 'kin ng mga 'yon.

Mas mabilis kong maiiangat ang buhay namin nina Inay at Itay kung ganoon. Kaya't kaunting pagsisikap pa! Kaunti na lang. Nasa huling taon na 'ko ngayon.

Mula nang mag-umpisa ako sa kolehiyo, matataas ang mga nakukuha kong grado. Sabi ng mga professors, may sure spot na 'ko sa highest Latin honor. Pero ngayong huling taon pa rin magkakaalaman. Dalawang semestre na lang at makakapagtrabaho na 'ko.

Ako na ang malaking kikita at puwede ko nang pahintuin sa pagta-trabaho sina Inay at Itay. Mag-iisip na lang ako ng negosyo na puwede nilang gawin habang nagta-trabaho na 'ko sa mga De Haro.

"Aleksander!"

Nasa harap na 'ko ng nakasarang pinto ng classroom nang narinig ko 'yon. Sumunod ay parang kinakapos na sa paghinga...

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon