Chapter 6

637 28 4
                                    

Chapter 6

Hindi ko naman gustong magkaroon ng lamat ang samahang nabuo na namin ni Alek. Mukhang ganoon rin siya.

Kaya kahit magkatapat kami ngayong nakaupo at nagpa-plano tungkol sa susunod naming gagawin para sa 'ming thesis paper, parehas kaming kumikilos nang normal lang. Iyong para bang wala siyang inaming damdamin no'ng isang araw.

"Maliit na porsyento lang ang napo-produce ng Pilipinas na kamoteng kahoy, kaya kailangan pang bumili sa ibang bansa. Pero quality na ang cassava rito sa 'tin kung tutuusin. Lalo na't mabenta naman ang lahat ng products na nagagawa ng cassava, from organic feeds to treats like pichi-pichi," sabi ni Alek habang may tinuturo sa gagamitin naming reference. "Malaki rin ang kita nito kung susugal lang ang ibang landowners na mas bigyan pa ng malaki at malawak na taniman ang mga kamoteng kahoy. May ibang sa bakuran lang sila nagtatanim at malaki na ang kita."

May hinarap pa siya sa 'king folders ng recent economic and livelihood reports tungkol sa small-time cassava growers.

"Ito, may isa pang sumikat na local brand sa pagbebenta lang ng cassava cake at pichi-pichi. Mas focused 'tong nakita kong references sa pagiging dessert ng cassava. Pero wala pa masyado tungkol sa good effects ng paggamit nito bilang animal feed. Kaya bihira 'tong thesis topic natin."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Siguro kailangan na nating mag-umpisang mag-interview ng experts sa cassava growing. Para madagdag natin ang real life experience nila sa background ng study natin. Dahil qualitative thesis din 'tong gagawin natin, kailangan na tayong maghanap ng animal farm na gumagamit ng cassava feeds sa mga alaga nila. Ang limit naman ng study natin ay sa cattles lang. Kaya 'yung may bakahan sana ang pumayag sa eksperimento na 'to."

"Ako nang bahala ro'n. Kakausapin ko ang mga Tito ko sa farm," nakangiting sabi ni Alek, pero hindi siya tumitingin sa 'kin. Sa katunayan, napansin kong hindi na siya tumitingin sa 'kin magmula nang...

"Nabanggit ko na 'to sa kanila. They are willing to help us with our thesis," Alek continued. "At kung magkaroon na tayo ng conclusions, baka gamitin pa nila ang methods natin para i-e-expand pa ang research study rin nila. Matagal na talagang recommended 'tong cassava feeds. Hindi lang masyado pinapansin." Ngumisi si Aleksander habang nakatingin sa mga papel at librong nakakalat sa pagitan namin.

Kinuha niya ang mga articles na gagamitin namin para sa pagsusulat ng related literature. Niligpit ko naman 'yong mga librong hindi na namin masyado kailangan at ibabalik na sa bookshelves ng library ulit.

"Kulang pa tayo ng references," sabi ko. "Siguro, susubukan kong maghanap sa internet. Baka sa ibang bansa, may mga concrete figures and percentages tayong makita tungkol sa benefits ng cassava. Puwede nating idagdag iyon bilang suporta."

Natapos kami sa pagliligpit ni Alek. Lihim akong sumulyap sa kanya nang tahimik niya 'kong tinulungang buhatin ang mga libro para ibalik sa lalagyanan. Maingat na kinuha niya sa 'kin ang mga libro nang hindi pa rin sinasalubong ang mga tingin ko.

"I'll take care of these, partner! Mauna ka na sa next class." Agad niya 'kong tinalikuran dala ang mga libro.

"S-Salamat, Aleksander..."

"Sure, partner! See you around!" aniya nang hindi ako nililingon. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad palayo hanggang sa lumiko na at natakpan na siya ng mga bookshelves sa paningin ko.

Kinuha ko ang bag ko at tila malungkot akong lumabas ng library. Halatang parehas naming sinisikap ni Alek na huwag madamay ang thesis namin sa mga inamin niya sa 'kin. Tinutupad ni Alek ang sinabi niya naman na... gusto niya 'ko pero wala siyang ipipilit kung ayaw ko sa kanya.

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon