Chapter 5

694 26 1
                                    

Chapter 5

"Your grades for the prelims are out. For those who received good marks, I expect you to keep it up until the midterm and finals. For those who failed, I expect you to study more in my subject. Bumawi na kayo agad sa midterms pa lang," anunsiyo ni Attorney pagkatapos ibigay sa 'min ang mga papel namin noong prelim exams.

"Again, congratulations to our top three high scorers. Miss Harana Torres, Mr. Magnus Conrado, and Mr. Aleksander Conrado. Keep it up. See you all next meeting."

Pagkalabas na pagkalabas ni Attorney sa classroom ay nagpalakpakan nang malakas ang mga kabarkada ni Alek. Sinundan iyon ng grupo nina Buena at ang daming kaklase pa namin ang bumati sa kanya.

Tumayo si Alek at kumaway-kaway sa mga ito. "Thank you, fans!" nakangisi niyang sabi.

"Nag-top score ka sa Business Law, dude!

"May tinatago ka palang galing diyan, pare! Kaya pala ayaw mo magpakopya noong exams!"

Hinila si Alek ng mga kabarkada niya at pinalibutan na sila ng mga babae. Everyone was teasing and congratulating Alek.

Ako naman ay natutuwang nanonood sa kanila. Nakangiti lang ako mula pa kaninang in-anunsiyo ang pangalan niya. Sobrang saya ko rin para kay Alek. May magandang bunga ang pagtu-tutor ko sa kanya nang dalawang linggo na rin. Nakita ko rin ang pagsisikap niya. Kaya para sa 'kin ay deserve niya 'to kahit prelims pa lang.

"Congratulations, babe!" narinig kong masayang bati ni Caly kay Magnus. Paglingon ko ay eksaktong humalik si Caly sa pisngi ng boyfriend nito. "Ang galing niyo talaga ni Hara."

Pagkatapos ay bumaling ito sa 'kin. "Congratulations, my smart Harana! Ang galing-galing mo palagi! Prelims pa lang pero, as expected, high scorer ka na agad!" Niyakap ako ni Caly nang malambing at mahigpit.

"Salamat, Calysta." Niyakap ko rin siya pabalik bago ako bumaling kay Magnus. "Congratulations, Mags. Let's keep it up."

"Thanks, Harana. Congrats, too." Sumilip siya sa pinsan. "And to that rascal, as well. Sabi ko na, mag-seryoso lang si Alek sa pag-aaral, magaling din siya."

Ngumiti ako at tumango. "Matalino naman si Aleksander..." Kailangan lang ng maraming examples para mag-retain sa kanya ang concepts ng mga lessons.

Tuwing Tuesday, Thursday, at Saturday ang private tutorial sessions namin ni Alek. Bale, isang oras pagkatapos ng klase, nagpapaiwan kami sa library para mag-aral. Masaya akong naniwala ako sa kanya. Kasi seryosong-seryoso talaga si Alek sa tuwing tinuturuan ko siya ng mga lessons sa mga courses na hirap siyang ma-pick up.

Sa limang subject namin ngayong fourth year, first sem, tatlo ang hirap siya. Kaya't 'yon ang lagi naming tinututukan sa nakalipas na mga linggo. Pagkatapos ng prelim exams last week, sabi naman niya sa 'kin ay marami siyang nasagutan.

True to that, Alek got good marks and he's one of the highest scorers now. Napatingin ulit ako sa direksyon ni Alek na halatang proud sa nagawa niya. Mas napangiti ako dahil proud din ako para sa kanya. Alam kong prelims pa lang, pero nagsikap na agad siya. Iyon ang mahalaga.

"Baka tsamba lang," Calysta said.

Hindi ko na lang pinansin kasi... hindi ko ipinaalam sa kahit kanino na pumayag akong maging private tutor ni Alek. Ang lagi ko lang rason sa tuwing nagpapaiwan ako sa library ay maghahanap ako ng material for thesis.

Sa pinakadulong study-area ng library din kami madalas pumupuwesto ni Alek—para wala masyadong dumadaan-daan na estudyante at hindi kami ma-distract sa pag-aaral. Kaya hanggang ngayon yata, wala pang nakakahalata na tinuturuan ko si Alek.

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon