Chapter 10

721 27 8
                                    

Chapter 10

"Ang ganda-ganda naman ng girlfriend ko."

Napabaling ako kay Alek at nahihiyang ngumiti.

Alam kong iba ang ayos ko ngayon kaysa sa normal. Nakakulot ang mahaba kong buhok at suot ko pa rin ang one-shoulder mauve chiffon dress na pinili ni Caly para sa 'kin.

Katatapos lang ng kasal nina Kuya Cerek at Miss Gertrude. Gabing gabi na at may after party pang ginaganap ngayon sa malaking bakuran ng mga De Haro.

Pero pasimple akong nakapuslit pauwi dahil nag-text si Alek na nasa bahay siya at gusto niya 'kong makita. Pinatuloy ko siya sa sala at magkatabi kaming nakaupo ngayon sa sofa. Wala pa sina Inay at Itay dahil kailangan pa sila sa mansyon hanggang mamayang madaling araw.

"Bakit ba palagi mong sinasabi 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Lagi kong sinasabi dahil totoo." Ngumisi siya at inabot ang dulo ng buhok ko, nilaro-laro sa daliri niya. "At saka siguro, patay na patay talaga ako sa 'yo. Ikaw na lang ang maganda sa paningin ko palagi."

Humalukipkip ako at pabirong nilukot ang mukha ko. He chuckled and held my waist. Umusod siya palapit hanggang sa magkadikit kami. "Anong oras uuwi ang mga magulang mo? Can we...?"

Nilayo ko ang mukha niya sa 'kin. "Kaya ka ba pumunta dito para... d-diyan?" Ramdam kong namumula na ang pisngi ko, kahit nakasimangot na. "Nakaka-ilan ka na..."

Nahihiya akong aminin pero pagkatapos ng unang beses na may nangyari sa 'min ni Alek sa likod ng pick-up niya, parang patuloy lang ang pagkalat ng apoy at hindi na iyon matupok-tupok.

Naging opisyal na rin ang relasyon namin. Nang sinabi kong boyfriend ko na siya, hindi na siya lumayo sa 'kin.

Madalas na siyang nakatabi sa 'kin kapag sa klase, pero mas lumala pa. Sunod na siya nang sunod kung saan ako pumupunta. Nagagalit na palagi si Calysta pero walang pakialam si Aleksander at sa 'kin lang palagi ang atensyon niya.

Isang linggo pa lang naman. Pero parang araw-araw yata ay nakakagawa si Alek ng paraan kung saan kami puwedeng...

Napabuga ako ng hangin. Nahihiya talaga ako kahit sa mismong sarili ko, o kahit kay Alek. Napagtanto ko nang kahit nakakakonsensya at mali, gusto ko 'yung... ginagawa namin.

Bigla, parang naniniwala na 'kong mahal talaga ako ni Alek dahil sa pinaparamdam niya sa 'king init na parehas naming hindi mapababa.

"Isang buong araw kitang hindi nakita. I never thought I'd missed you this bad... Tsk!" Dumantay ang noo niya sa balikat ko. "What did you do to me? Hindi na 'ko mapakali kapag hindi kita nakikita. Hindi naman ako ganito dati..."

Ano bang pinagsasabi niya? Ako nga dapat ang magtanong niyon sa kanya.

Kahit minsan, hindi ko akalain na ganito pala ako. Unang boyfriend ko si Alek, at binigay ko agad sa kanya ang dapat ay hindi!

Tapos paulit-ulit pa at hindi ko sinusubukang pigilan!

Siguro magagalit sa 'kin si Calysta kasi ito pala ang totoong Harana... O ganito lang ba ako kay Alek dahil mahal ko siya?

Napaigtad ako nang maramdaman ang labi ni Alek sa gilid ng leeg ko.

"S-Sandali..." mahinang pigil ko.

"Do you want to go out?" marahan niyang bulong. "Gusto mo sa farm...?"

Napalunok ako at lumayo muna sa kanya. Ang dami ko nang naiisip na madi-disappoint sa 'king tao dahil wala man lang akong ka-effort-effort na pagsabihan ang boyfriend kong huwag kaming magtalik.

DHS #1: Burning SlowlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon